GEN: 2

998 Words
Chapter 2    Al’s Mukhang ako na lang ang hinihintay ng board dahil halos lahat ay nandoon na sa kanilang pwesto. Seryoso ang lahat maliban kay Marcus na halata namang nag eenjoy sa kinauupuan niya Naupo ako at iniikot ang aking upuan paharap sa military board.     "Kailan tayo kikilos ano mang oras ay maari na sumugod ang kabilang kampo"  Nagsisimula nang magsalita ang mga nasa loob.   "Umaatake na sila sa mga marino na nagbabantay sa south east base" si kuya Gab    "Marami bang nasaktan sa pag atake nila"   tanong ni greg kay kuya Gab      "Kalahati ng tagabantay sa kampo, puro pilat at malalang sugat ang natamo matapos ng tatlong flashbomb na naganap, mabuti na lang at walang namatay"   sagot uli ni kuya kay greg  "Bakit hindi na lang tayo lumaban ng gaya sa paglabang gusto nila"  tinig ng isa sa mga nasa loob  "Kung bala sa bala, kanyon sa kanyon"  nagsisimula nang maging maiinit ang debate sa loob, natigil lang ito dahil sa isang mensahero na nag apura sa pagpupulong. Sumasakit ang ulo ko sa mga diskusyon sa loob. Pinag pa planuhan namin ang pagsisimula nang panibagong gera.  Mula kasi sa reports na nakuha ko sa imbestigasyon nagkaroon nang mga panibagong rebeldeng ruist na nagkalat ngayon sa iba’t ibang distrito na nasasakupan nang Rios.      2yrs ago nagsimulang magkagulo sa pagitan nang General Rios embasy at Ruist. Isang matatag na alyansa noon ang Ruist at Rios patas at pantay ang sistema.   Pero simula nang magkaroon nang pagtataksil mula sa embahada naghimagsik ang ilan sa konseho ng ruis, gusto nilang angkinin ang kapangyarihang mayroon din ang Rios. Dahil dito nagkaroon nang distribusyon nang alyansa. Kalahati sa ilang lupain nang Ruist ay napunta sa mga tiwalag na grupo.      Isa pa lamang akong command Captain noon nang mangyari ang gera. Marami ang nasawi kabilang na ang iniidolo kong general si General Trios ang katangi tanging General na nagturo sa akin kung paano lumaban gamit ang utak at stratehiya. Pagkatapos nang gulo noon nilipon ang bawat command captain para pumili nang bagong general. kahit ngayon hindi parin ako kumbinsido sa sarili ko bilang General. "General, may importanteng sulat mula sa mga taga ruist embassy"  Inabot ko ang ang papel at hindi letra o mensahe ang laman nito kundi isang simbolo. Ang larawan ng doble karang joker. Napaisip ako bigla sabay sa pag patak ng lapis sa ilalim ng mesa. Kaya bumaba ako para pulutin ito. Nakita ko na isa sa mga taong nakaupo sa ilalim ng mesa ay may hawak na laser. Agad kong naintindihan ang ibig sabihin ng baliktarang larawan, espiya, isang traydor. Ibinalik ko ang pinulot na lapis sa lamesa at nagkunwaring nag aalala, tumayo ako at umikot sa loob ng konseho. Sandali akong lumapit sa taong may hawak ng laser at naghintay. Sa puntong ito isang maling galaw maaring patay na ako kanina pa. Sa tabi ng kinauupuan niya ay may naka tabing isang katana.         Binunot ko ang katana at itinapat ko mismo sa leeg ng taong may hawak ng laser,  ang commander ng squat team. "Bakit hindi mo pa kinasa kanina pa commander, napaka laking isda ang pinakawalan mo"  ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa leeg nito. Sandali kong tinignan ang mga kasama ko at mukhang alam na nila, sa isang iglap lumipad ang lamesang kanina lang pananggalang para hindi makita ang sandata.   Nakikita na ng lahat ang traydor. "Ibang klase, matalino ka talaga santiago. Nagkamali nga talaga akong hindi ko pinutok ang laser na ito" Matalino? Salamat sa lapis kung hindi patay na sana ako ngayon.     "Ang ingay mo, any last statement bago ka mamatay?”  Tanong ko dito. Napasinghap ang lahat ng nasa loob ng council, pero tanging ang tunog lang ng katana at pag pintig ng orasan lang ang maririnig sa loob, nanatiling kalmado ang lahat.    "Please spare my life may pamilya akong binubuhay, pakiusap" sana naisip nya yan bago siya nag traydor. "Alam mong kailanman ang isang sundalo ay hindi basta basta nagbibigay ng tiwala..." "Sandali, ituturo ko ang kuta nila basta wag mo akong patayin" "Hmm, hindi ako nagtitiwala sa minsan nang nag traydor, pero sige ituro mo ang location nila pero sa bartolina ka parin mapupunta at kapag maling impormasyon ang binigay mo..."  Idiniin ko ang katana sa leeg niya  "boom, alam mo na ang mangyayare maliwanag ba?" "O..oo si-sigurado po yun general"   Matapos nitong mag bigay nang impormasyon ay tinapos ko na ang meeting. "Generals, sa dart room tayo. Gentlemen's this meeting is over at itong traydor i bartolina niyo"  bago ako lumabas hinampas ko ang likod niya ng kamay ko para panandalian itong makatulog na kung sakali  man hindi niya malaman ang daan palabas sa bartolinang pupuntahan niya. Sa dart room kami dumiretsong lima, dito kami bumubuo ng misyon at plano. "That bastard, traydor pala sigurado akong siya ang dahilan ng mga sugat mo kanina" sabi ni earvin na mukhang hindi parin nakakahuma mula sa nangyare kanina. "Scratch it out vin, we need to move on and heads up to the plan” "Are we really going to that place, last time na nagpunta tayo don..." Lahat sila nakatingin lang saken. It's been 2 years.. "Yes, we will go" sagot ko "Are you really ok with this kung ayaw mo kami-..." "Ayos na ako, maybe memories will hunt me again, but I’ve move on." Pinutol ko ang sasabihin ni martin dahil ayokong mawala lahat nang isinakripisyo niya.  "Let's start the plan" pagbago ko sa usapan.     Nagsimula kaming bumuo ng konsepto para sa gagawin naming pagmaman man at pagpunta sa location ng mga kalaban.     "kulang ang mga detalye na meron tayo we need to go for an investigation"  mungkahi ni martin      We really need to gather up some pieces, akala namin noon ubos na ang mga traydor nang ruist hanggang ngayon pala maypanibago na uling alyansa ang nabuo nang wala kaming alam.  "Alright, tomorrow morning we will start the the hell training. Everyone ready your teams" Sagot ko sa kanila bago lumabas nang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD