GEN: 1

1029 Words
Chapter 1    Al’s  Haist nakakainis ayoko talaga ng nasusugatan kasi naman. Malay ko bang susugurin ako ng mga terorista pauwi ng head quarters at jackpot pa sila pagod ako..  Kakainis nagalusan tuloy ako paano na ngayon ang kutis ko paano na maiinlove saken si min min, si big boss waahhh.. Sabay ng pag he hysterical ko ang pagbukas ng pinto sa labas.   "haha nice make up al"  nangingiting komento ni malcus papunta sa kinauupuan ko. "uling na lang kulang at magmumukha ka nang taong grasa haha! By the way nice landing"  sabi ni martin habang nagsasalin ng tubig. "Hoy lumayas kayo kung bu-bwisitin nyo lang ako"  sabay bato ko ng unan na naiwasan naman nila.  Bwesit talaga sa buhay tong mga kurimaw na to. Kahit kelan hmp! Don't get me wrong hindi ako childish o maarte sadyang gusto ko lng maging maganda para sa mga baby hunk loves ko. Kakarating ko lang ng embahada galing sa isang imbestigasyon.  Papunta na sana ako sa private helicopter  na maghahatid saken sa head quarters ng magkaroon ng implikasyon galing sa network ng  mga  kasamahan  ko. "Capt! Alert! We are under attack"  Isang babala mula sa earpiece na  naka konekta sa aking team. "Darn kakauwi ko pa lang, haist"  napabuntong hininga na lang ako.     Alam kong parte nang pagiging sundalo ang pagiging handa sa lahat nang oras pero gaya nang iba tao lang rin kami at hindi robot na pedeng maging immune sa bala. Nagsimula na silang magpaulan nang bala, dahil ako ang may hawak nang mga reports ako ang mas maraming mata para paulanan nang bala. Kinontact ko ang team. "Tim, Spike! Go and land a counter  attack and if possible capture one opponent"    patakbong utos ko mula sa earpiece Nagtungo ako malapit sa karating na sasakyan. "Aye, aye, captain"  sagot ng dalawa mula sa di kalayuan. "Jacob, start manoeuvring the chopper and heads up a signal to the quarts. Be sure to be on time, once na malapit na kami sa chopper bomb them."  Utos  ko kay jacob na abala ngayon sa pag mamaniobra ng chopper naming anim. "10 meters, gen opponents position on your mark”     Tsk gumagaling ang mga teroristmo.  Buti na lang at bagpack ang dala ko.  Mula sa sentro kinasa ko ang paborito kong riffle na nilagyan ko ng sniper mirror para mas madali ko  silang tataman.   Sumilip ako at gaya nga ng sabi ni Jacob 10 meters, nakatutok rin sa akin ang baril nang kalaban. Isang gulong mula pakaliwa sabay kabig nang gatilyo. Shoot!! Una unahan lang yan. "Seith, toya, combative defense now!! I'm giving you 20 mins  Para tapusin yan after that run into the chopper"  kasa at takbo ang ginawa ko papunta sa chopper.   "Roger"   sagot nila.   Aist, ang dami ng  mga to kaya naman  hindi ko naiwasang mapasasad sa semento, dahil sa pag iwas  at  pag  depensa  sa bawat attake.   Walang oras na nasayang mula sa pagtakbo, panay rin ang kaliwa't kanang barilan sa paligid habang patuloy ako sa pag takbo palapit sa aming chopper. Sa loob nang ilang segundo matiwasay rin namin nilisan ang field kahit na sugatan at puro putik ako.    "Good job team" sabay ng aming fist bump at salute sa bawat isa.   "Mukhang hindi mo na kailangan ng make up, Gen."  pabirong tukso sa akin ni seith habang  nag iinat. "Gusto mong  itulak  kita"  inis na sagot ko rito.   "Haha!!Chill lang Gen takot ko naman kapag nag se seryoso ka haha"    Malapit na kami sa quarter kaya napag  pasyahan kong maglanding sa ganoon  posisyon gamit ang lubid.   --- "Seriously! al bakit kailangan mong gumulong sa semento"  inis na sabi ni Earvin saken habang naghahanap ng first aid kit. Inismiran ko lang ito bago nagtungo sa banyo.   After ng tagpo bago ko magbanyo heto ako ngayon at hindi magkamayaw sa sakit nilang mang gamot.       "Wag kang malikot, para beta dine lang to"   inis na sagot ni earvin habang pilit na inilalapit ang betadine sa mga sugat ko. "Eh, sa masakit e! Ipakain ko kaya sayo yang bulak ha"  dahil doon mas lalo niyang idiniin ang bulak at ang mga loko pinag tulungan pa ako.  Si malcus na nakahawak sa isa kong kamay, si martin na sa binti ko hinigpitan ang pag be benda. "Arayyy!! Mga loko gaganti ako sa training tandaan nyo!!"  Sigaw ko sa kanila na ikina putla naman ni greg . "Mga ulol itigil nyo yan ayoko nang mahabol ng bulls baka magka sprain na naman ako"   "Haay!! Mga gago talaga, buti na lang ang gwapo ko"    Naiiling na lang ako kay martin.  Umandar na naman ang kahanginan nito. Kung akala ng iba sobrang strikto namin , mali sila. Simpleng magkakaibigan lang kami at nagkataong nahalal na military generals, sinong mag aakala na ang dating mga command captain ay magiging General.    'Generals' we are called to be the one to lead the mission, to train, to conceptualize, give command to lessen the damages and stop the upcoming war. Pantay pantay kami sa skills at talents, parte nang pagiging sundalo ang pag solve ng case at strategic planning at pag inspection ng mga bagay. Trained ang lahat sa observation planning o pagkilatis na siyang kailangan para sa ganitong klaseng misyon. Hindi kami nagpapakita ng emosyon pagdating sa labanan o maging sa official training ganito sa loob ng quarter.    “Emotions are not allowed"   Kapag nagpakita ka ng awa o kahit konting konsiderasyon talo ka. Kailangan ng matitibay na loob at pag-iisip. Kailangan flexible ka sa lahat ng bagay. Kung hindi, hindi ka para sa lugar na ito.  After ng gamutan sa loob nagpasya akong mag patrol sa labas para manood ng training, matagal narin ng huli akong lumabas para pagmasdan kung sino ang mga baguhan at sino ang mga rookie. Kanya kanya sila ng kategorya, may mahusay sa espada, mayroon sa baril, dagger at iba pa. Nakuha ng atensyon ko ang grupo ng mga binata na nagsasanay malapit sa puno ng akasya. Masaya sila. Isang bagay na hindi ko na naramdaman simula ng huli kong training, hindi ko na maalala ang huling training namin. Gusto ko pa sanang maglakad lakad ng may nagsalita muna sa earpiece. "Generals, on the board now! We have a special mission”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD