Nagsimula na ang bidding. Tahimik lang siya habang hinihintay ang paglabas ng Jewel of the Dragon's Neck. Her blood was pumping. Iyon din ang pakiramdam niya nang unang beses niyang makita ang kuwintas. Na parang may isang malakas na pwersang nagkokonekta sa kanila. Malapit na niyang mapasakamay iyon. "Our next item is the mythical Jewel of the Dragon's Neck. According to an ancient Japanese story, it was a gift of a prince to the moon princess Kaguya. This blue star sapphire was obtained from the dragon's neck. Let's start the bidding at two hundred thousand pesos." Itinaas niya ang isang daliri. Ibig sabihin ay itinaas niya ng ten percent ang bidding price. "Number two hundred forty five bids for two hundred twenty thousand pesos," anunsiyo ng auction master. Nagkanya-kanya nang bid a

