bc

(Filipino) Jewel of the Dragon's Neck - Completed

book_age16+
2.0K
FOLLOW
9.4K
READ
possessive
arrogant
goodgirl
kickass heroine
CEO
boss
princess
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Matapos ang daang taong paghananap sa nawawalang Jewel of the Dragon's Neck, sa wakas ay natagpuan na rin ni Megumi ang nawawalang kuwintas. Responsibilidad ng pamilya Higurashi na ibalik sa pangangalaga ng pamilya ang nawawalang kwintas. Sa kasamaang-palad, hindi siya ang nakabili ng kwintas sa auction kundi si Gianpaolo Eduque.

Nag-offer na siya ng malaking halaga para mabili dito ang kwintas. Ngunit ayaw nito dahil ireregalo daw nito iyon sa babaeng gusto nitong pakasalan. Nang magkaloko-loko ang buhay nito at iniwan ng babaeng pakakasalan nito ay pumayag itong ipagbili sa kanya ang kwintas. Sa isang kondisyon-kailangan niyang talunin ito sa archery.

At kung matatalo siya, hindi na mapapasakanya ang kuwintas at ibibigay din niya ang sarili dito. Pero baka hindi lang iyon ang maisuko niya. Baka panain nito pati ang puso niya.

*** This is an old story that I want to share here. Unedited but I hope you will enjoy reading it.

Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.

There are two ways to get coins:

1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.

Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.

2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.

Thank you and happy reading!

chap-preview
Free preview
Prologue
Nakangiting pinagmasdan ni Megumi ang mga cherry blossoms sa puno. Panahon sa sakura o pamumulaklak ng cherries. Kahit saan siya tumingin ay pink ang nakikita niya. Nakasuot siya ng kimono na tradisyunal na damit ng mga kababaihan sa Japan. Ipinagdiriwang ang Sakura Festival. Kasabay rin niyon ay ang birthday niya na pumatak ng Shigatsu o buwan ng Abril. Labintatlong taon na siya. Pitong taong nanirahan ang pamilya niya sa Amerika dahil ipinadala ang ama niya ng kompanyang pinapasukan nito. Habang ang ina niya ay nagpakabihasa sa University of Michigan dahil isa itong linguist. At sa pagbabalik nila sa Japan, doon na sila tuluyang maninirahan. Magtatayo na ng electronics company ang ama niya habang professor na sa University of Sacred Heart Tokyo ang Mama niya at nagtuturo ng Linguistics para sa Faculty of Liberal Arts. "Megumi, asobe dake!" tawag sa kanya ng ama niyang si Kakashi. "Jouto matte, otousan!" aniyang hintayin siya at dali-daling pumunta sa library. Naabutan na rin niya doon ang inang si Reiko na nakasuot din ng na kimono. Nangako ito na mamamasyal sila sa templo para sa pista. Nakaupo ang mga ito sa harap ng umuusok na tsaa. "Dozo," utos ni Kakashi na umupo siya. "Kakashi, do we really have to tell her?" anang kanyang inang si Reiko na puno ng pangamba. Nakasanayan na ng pamilya nila na magsalita ng magkahalong Hapon at Ingles. Dahil sa paninirahan sa ibang bansa, sinanay ni Reiko silang mag-ama na magsalita ng Ingles. Hindi daw sa lahat ng pagkakataon ay may magta-translate para sa kanila. Lalo na sa kanya na puro Amerikano ang kamag-aral at kahalubilo. Naniniwala ito na dapat ay mabilis mag-adapt ang tao kung saang lugar man ito naroon. Importante ang wika sa komunikasyon. Kaya gusto rin niyang sundan ang yapak nitong maging bihasa sa iba't ibang wika. "She's already thirteen. She has to know the truth." "Nani?" tanong niya kung ano. Hindi niya tunay na ina si Reiko. Nagdiborsiyo ang ama niya at Filipinang ina noong dalawang taon siya. Namatay ito sa isang plane crash. Pinakasalan ng ama niya si Reiko noong tatlong taon siya. Ito na ang nakagisnan niyang ina. Kahit kailan ay hindi siya nito itinuring na iba dito. Dahil wala siyang kapatid kaya nasolo niya ang pagmamahal nito. Ito ang pumuno sa pagkukulang ng kanyang ama na palaging abala sa trabaho at malayo ang loob sa kanya. "Megumi, as the survivor of the Higurashi clan, we are tasked in keeping the Ryuushu no Tama." "Ryuushu no tama?" Ang alam niya ay kwentong pambata lang iyon. Tungkol sa prinsesa ng buwan na si Kaguya Hime. Na tumakas sa buwan at napulot ng isang tagaputol ng kawayan. Dahil sa kagandahan ni Kaguya ay maraming nanligaw dito. Ang limang masusugid nitong manliligaw ay pinakuha niya ng limang imposibleng bagay para mapatunayan ang pagmamahal dito. At isa sa mga bagay na iyon ay ang Ryuushu no Tama o Jewel of the Dragon's Neck. "Prince Otomo is our ancestor. He was assigned to get the Jewel of the Dragon's Neck. But Princess Kaguya believed that the jewel was a fake. But Prince Otomo insisted that it was real. He angered Princess Kaguya. She cursed him and the next generations of Higurashi. Whoever possesses the jewel will be cursed too." Iba ang nakasulat sa mga kwento. Dahil ayon doon ay hindi nakuha ni Prinsipe Otomo ang hiyas dahil kaya ng dragon na kontrolin ang panahon. At dahil sa pagpipilit niyang makuha ang hiyas ay naghimagsik ang mga tauhan ng barko at isinuko na rin nito ang pagmamahal kay Kaguya Hime. "What happened to the jewel?" "One of our ancestors during the Sengoku Jidai or Warring States Era sold the jewel to a Chinese merchant to escape from the curse. Nobody knows where it is." "Doushita, otousan?" tanong niya kung ano ang problema. Wala na sa kanila ang hiyas. Ibig sabihin, ligtas na sila sa sumpa. Pero nangamba pa rin ito. Umiling ito at tumingin sa Mt. Fuji na natatanaw mula sa kinalalagyan nila. Mas lalong nabakas ang pag-alala sa mukha nito nang pagmasdan siya. "The jewel will continue to bring bad luck and misfortune." "What are we going to do?" tanong niya. "It is our duty to bring it back to our family's charge. It was our ancestor who caused the trouble so we must pay the consequences." Humarap ito sa kanya. "To stop the curse, someone has to sacrifice. You are tasked to do it."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Wedding Betrayal (Tagalog-R18)

read
573.2K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
444.9K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.5K
bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
505.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
72.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook