"An koto mo
Namida niyukabu waga miniwa
Shinanu kesshite mo
Nanimi kawasu."
Nakangiting pinagmasdan ni Megumi ang Mayon Volcano habang nakadungaw terrace habang sinasambit ang kanyang paboritong tula. Hango iyon sa huling sulat ng emperador kay Kaguya Hime nang bumalik na ito sa buwan.
Naging paborito na niya ang Taketori Monotagari na kwento ni Kaguya Hime mula nang malaman niya na may kinalaman ang ninuno sa kwento nito. At ang huling sulat na naglalaman ng tulang iyon ng emperador na isa rin sa nabighani kay Kaguya Hime ay sinunog nito sa bunganga ng Mt. Fuji.
Kapag tinitingnan niya ang Mayon Volcano, parang nakatingin na rin siya sa Mt. Fuji. She felt like she was in Japan again. Parehong perpekto ang cone ng mga ito ngunit mas mailap ang Mayon. Madalang kasi niyang makita ang tuktok nito at laging natatakpan ng ulap. Wala rin itong ice caps na katulad ng Mt. Fuji.
Nagtatrabaho siya bilang archaeologist sa kompanyang pag-aari ng kaibigang si Phoenix. Nasa Albay sila ngayon para sa bagong proyekto ng Eastern Geo Treasures. Naroon ang isa sa pinakamalaking salvage operation sa kasaysayan ang Pilipinas, ang Hell's Gate Project.
Ang mga Spanish Galleon ay sa Port Sula sumisilong kapag may mga bagyo noong araw. Ngunit kailangan muna nitong dumaan sa El Porta del Infierno o Hell's Gate. Mukha itong ilog ngunit ang totoo ay tubig-alat ang tubig dito.
Upon approaching the Hell's Gate, the currents swirl and churn even on a good day. When the weather darkens and the winds begin to blow, Hell's Gate turns into a mariner's nightmare. Naglalakihan ang alon dito kapag may bagyo na kayang ipaghampasan ang mga bangka at barko sa mga nagtataasang burol sa gilid nito. Sa dami ng galleon na lumubog doon, madami rin ang kayamanang makukuha nila. Kaya tinatayong isa iyon sa pinakamalaking archaeological project sa bansa.
Subalit may isa pang rason kung bakit siya nasa Pilipinas. Dahil naroon din ang hinahanap niyang hiyas. Ang Jewel of the Dragon's Neck.
"Megumi, may tawag ka sa telepono. Papa mo daw," untag sa kanya ni Marvin, ang geophysicist nila. Dahil sa dalawang taon niya sa Pilipinas, una bilang bahagi ng restoration team para sa galleon ng Sto. Cristo at ngayon ay sa salvage team na ng Hell Gate project ay natuto na siyang mag-Filipino. Hindi naging mahirap sa kanya dahil pasensiyosa naman ang mga kasamahan niyang turuan siya.
"Salamat," aniya at lumabas sa sala kung saan naroon ang telepono. "Moshi moshi. Ogenki desuka?" pangungumusta niya dito.
"I am not fine. My back hurts because it is still winter here. How about you? Do you have the Jewel of the Dragon's Neck already?"
Lumungkot ang anyo niya at inikot sa daliri ang kordon ng telepono. "Goumen nasai, otousan. I don't have the Ryuushu no Tama yet."
"Nani?" bulalas nito. Nakikita na niya ang pagkagimbal sa anyo ng ama sa sobrang dismaya sa kanya. "Doushita?" tanong nito kung ano ang problema.
"It is a national treasure now," paliwanag niya.
Nakuha ni Phoenix ang Jewel of the Dragon's Neck sa Sto. Cristo salvage project. Dito niya nalaman, ayon na rin sa records ng Spanish documents na ang kuwintas ay idinala ng mangangalakal na Intsik sa Pilipinas at ipinagbili sa isang opisyal na Kastila. Nasabi rin sa dokumento na iyon ay pag-aari ng diyosa ng buwan.
Hindi nabanggit doon ang tungkol sa sumpa. Subalit hindi na niya kailangan pang pagdudahan dahil bago pa man nakatawid ng Karagatang Pasipiko ang galleon ng Sto. Cristo na magdadala ng mga hiyas at kayamanan kasama ang Ryuushu no Tama ay nasalubong nito ang malakas na bagyo at lumubog sa karagatan.
"It is our family's treasure. And it is your responsibility to end the curse!" mariin nitong paalala sa kanya. "Remember what happened to your friend?"
Nang makuha ni Phoenix ang Ryuushu no tama ay inabot ito ng malakas na bagyo sa laot sakay ng isang simpleng cruiser. Muntik na itong lamunin ng dagat kung hindi ito nailigtas ni Ace na nobyo nito noon. Nakidnap din ito ng mga pirata habang dala nito ang kuwintas at muntikan nang ipagbili sa blackmarket. Saka lang nawala ang kamalasan nito nang I-turn over na ang kuwintas sa National Museum.
"I remember, otousan," mahina niyang sabi. "But the government can take care of it. It won't cause any harm."
"How can you be so sure, Megumi?" naghahamong tanong nito. "Don't let other people suffer before you move. Do something!"
"Hai," aniya at tumango.
"Bring the Ryuushu no tama back, Megumi. I am counting on you."