WHERE ARE YOU ANNE

618 Words
RIEL'S POV: Hinahanap-hanap kitang lagi, nasaan ka Anne? magparamdam ka!. Kahit sa panaginip ko wala ka. Napag-isip isipan kong hanapin siya ulit. Nagbabakasakaling makita ka at naghahanap ng pag-asang mayakap kang muli at makasama. "Kuya, Saan ka pupunta?" tanong saakin ni Jhon. Hindi ko na siya pinansin at nagmadaling lumabas ng bahay. "Para!" pamilyar na boses ang narinig ko. Lumingon ako sa gilid ko at para bang isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Nakatalikod na siya kayat di ko na namukaan ang babae. Sumakay ako sa kotse at hinabol ko ang jeep na sinakyan ng babae. Malakas ang kutob ko na siya yun. Huminto Ang jeep sa tapat ng isang simbahan. Pumasok siya doon. Sinundan ko naman siya at nakita ko siyang nakaluhod at nag darasal kaya't naisipan kong magdasal nadin. "Panginoon, sana makita ko na ang lalaking nasa panaginip ko" saad niya. Panaginip niya? Hindi ko alam kung bakit pero bakit ang saya saya ko ng marinig ang mga dalangin niya. Nang palabas na siya ay agad ko siyang namukaan. "Anne?" sigaw ko habang papalabas na siya sa simbahan. Lumingon siya saakin at lumapit. Nang lumapit siya saakin ay napatulala lang ito at para bang nakakita ng patay na tao. "R-Riel?" nagulat ako ng bigla niyang sinabi ang pangalan ko. "Anne?" tanong ko ulit sakanya. "Totoo ba ito? Ikaw ba talaga ang babaeng nasa panaginip ko?" tanong ko sakanya na may halong ngiti sa mukha. "Anne nga ang pangalan ko, pamilyar din ang mukha mo!"pagsagot nito saakin. Totoo bato? Talaga bang napanaginipan mo din ako? Talaga bang ikaw nayan?. Niyakap ko siya ng mahigpit at para bang ayaw ko na siyang pakawalan. " Anne!" isang babae ang tumawag sa kanya. Agad naman siyang tumakbo papunta sa babaeng tumawag sa kanya. ANNE'S POV: Ang mga yakap niya ay pareho sa yakap sa panaginip ko. Tumitibok ng mabilis ang puso ko habang kayap siya. Nanghihina ang katawan ko kapag hinahawakan niya ako. Nagulat nalang ako ng may tumawag saakin. Nang makita ko na ang tumatawag saakin ay kaibigan ko. Agad naman akong tumakbo palapit sa kaibigan ko dahil hindi ko na kaya. Hindi ko kayang manghina sa harap ng isamg lalake na sa panaginip ko lang nakikita at nakakasama. "Jessica! anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaibigan ko. "Ikaw! Sino yung kayakap mong lalaki? Boyfriend mo?" di inaasahang tanong ni Jessica. "H-huh? Hindi ah, hindi ko nga kilala iyon eh! tsaka ano kaba! wala akong boyfriend!" sagot ko sakanya. Pinipigilan kong hindi ma nerbyus. RIEL'S POV: Sawakas nakita ko na siya. Pero nakalimutan kong tanungin kung ano ang number niya. Pumasok na ako sa kotse at umuwi na kaagad. Bigla nalang akong nabuhayan at nabigyan ng sigla. Nawala ang lungkot na nararamdaman ko simula nung makita ko siya. Pumasok na ako sa bahay, nag mano na ako kay inay at itay. At bigla nila akong tinignan ng nakakatakot na mata. "Anak, ayos ka naba?" tanong saakin ni inay. "O-opo" sagot ko sakanila. "Nagugutom na ako inay, maaari po ba akong kumain?" tanong ko sakanila nang may ngiti. Ngumiti si inay saakin "Oo naman anak, ilang araw kanang hindi kumakain kaya siguradong gutom kana, halika, ipinagluto kita ng paborito mong pagkain" Sagot ni inay saakin. Pumunta muna ako saglit sa kwarto ko para magbihis. Habang nagbibihis ako ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "KUYA!" sigaw ni Jhon. "Pasok" sigaw ko naman. Pumasok siya at tinignan ako ng mabuti. "Ayos kanaba kuya? Saan ka nanggaling?" tanong nito saakin. "Huh? Oo ayos naako, at tsaka hinanap ko lang si Anne" mahinang pagsagot ko sakanya. "Anne? yung babaeng nasa panaginip mo?" pagtatakang tanong nito saakin. Yumuko lang ako at nagpatuloy sa pagbibihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD