AWAKE

707 Words
SOMEONE'S POV: "Papa, kailan kaya gigising si kuya? Ilang linggo na siyang hindi gumigising" lungkot na tanong ng isang babae. "Anak, hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari sa kuya mo, hinihiling ko din na sana ay gumising na siya" sagot naman ng isang lalake. RIEL'S POV: Tila ba may naririnig akong boses habang inaantok pa ako. Ano ang nangyayari? bakit parang ang sakit ng katawan ko? pagod na pagod ako. Nawala ang boses na naririnig ni Riel ng biglang—"Sweetie! Gising nah!" Binuksan ko ang mata ko, "Ikaw pala yan A-Anne" saad ko. "Hindi bah sabi ko sayo na SWEETIE na tawagan naten?" galit na tanong nito. "P-pasensya na Sweetie ha! Kakagising ko lang eh" sagot ko naman sakanya. "Hali kana! Kumain na tayo! Gutom kana ata HAHAHAH" pagbibiro ni Anne este Sweetie. Masama ang pakiramdam ko ngayon. Para bang—. Huh? Naririnig ko nanaman ang boses na iyon. "Pa! Si kuya gumalaw na! bilis tawagin nyu ang doktor!" rinig niya na boses babae. Nanlalabo ang paningin ko, hanggang sa pagdilat ng aking mga mata, ang una kong nakita ay puting dingding. May nakahawak sa aking kamay at may luhang pumapatak sa aking mukha. "Sawakas ay nagising ka nadin anak ko" sambit ng isang babaeng tinatawag ako anak. "A-asan si Anne?" tanong ko sakanila. Tinignan nila akong lahat ng may pagtataka. "A-Anne? S-Sino si Anne?" tanong ng isang babae. "Si Anne! Girlfriend ko! Asan siya? Bakit wala siya dito?" tanong ko sa kanila. Pinagmasdan ko ang aking paligid ngunit wala akong makitang mukha ni Anne ni anino lang niya, Wala akong makita. "Walang Anne dito, wala kang girlfriend" sambit ng isang babae. "M-ma? P-pa? J-jhon? kapatid ko? N-nasaan si Anne? Yung girlfriend ko!" tanong ko sakanila ng paulit-ulit. "Nasa Hospital ka na ng ilang linggo at walang Anne na bumibisita sa iyo at wala kang girlfriend" sambit ni Jhon. "Imposible! kahapon lang magkasama kami sa park! kumain panga kami!" sigaw ko naman at para bang galit na galit ako sa sagot nila. "Riel! nananaginip kalang yata. Walang Anne na dumating sa buhay mo! Wala kang girlfriend, Nananaginip kalang Riel! nananaginip kalang!" sagot saakin ni Jhon. Panaginip? Lahat ng iyon panaginip? Panaginip lang? Sana hindi nalang ako nagising kung panaginip lang lahat ng iyon. Mahal ko siya. Mahal ko siya, Meromg siya sa panaginip ko. Pero bakit? bakit pa ako nagising kung wala, walang siya!?. BAKIT!! dapat hindi na ako nagising. Nang makalabas na kami sa Hospital ay bigla kong hinanap ang pangalang Anne sa Internet, Social Media's, pati convo's namin sa chat's wala!. Wala ngabang Anne na dumating sa buhay ko? Panaginip lang ba talaga ang lahat ng iyon? Tanong ko lagi sa sarili ko. Araw-araw , gabi-gabi nakakulong lagi sa kwarto, umiiyak,nasasaktan nangangarap na sana makita kitang muli kahit sa panaginip lang. Gusto kong matulog na nagbabasakaling makita kitang muli sa panaginip ko pero wala! Kahit sa panaginip lang sana. Kahit ilang oras akong matulog makasama kalang ng matagal sa PANAGINIP ko. JHON'S POV: Anne? Sa panaginip?. Nagtataka ako kung sino itong Anne na sinasabi ng kuya ko. Pumunta ako sa kwarto ng kuya ko upang dalhan ng pagkain. Nadatnan ko siyang umiiyak. "K-kuya! kumain kana! ilang araw kanang hindi kumakain" sabi ko sakanya. Ngunit larang hindi niya ako narinig kaya iniwan ko nalang ang pagkain niya sa lamesa niya. Pagkahapon ay pumunta ulit ako sa kwarto niya para ihatid ang pagkain niya. Nakita ko siyang umiiyak nanaman at ni kaunting kanin lang na bawas sa pagkaing dinala ko sa kanya kaninang umaga ay walang nakuha. "Kuya kumain kana! wag kang magpapalipas ng gutom! masama sa kalusugan mo yan lalo pang kakalabas mo palang sa Hospital!" sigaw ko sakanya na may pagkabahala. "Panaginip lang ba talaga si Anne?" tanong ni kuya saakin. Nagulat ako sa kanyang tanong. Anne? siya ba ang laging iniiyakan ni kuya? "O-oo kuya , ilang linggo kanang nakahiga sa hospital, lagi mong binabanggit ang pangalang Annne pero hindi na namin pinakealaman yun" sagot ko sakanya. "Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap, gusto ko soyang halikan, gusto kong hawakan ang malalambot na kay niya" sagot nito saakin. Sino ba itong Anne na gumugulo sa isipan ni kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD