DOSE 1
5. 16. 93
Nakilala ko siya.
Kakaibang paraluman na inaasam ng lahat.
Matangkad, morena, dalagang Pilipina. Bituin siya ng Universidad ng Iloilo dahil sa mala anghel na boses tuwing kumakanta. Laging napapansin sa kanya yong mga ngiti niya.
"Hanggang saan kaya
Hanggang kailan pa ba
Maghihintay ang puso kong
Nangungulila
Sana'y malaman mo
Ako'y naririto
Pakinggan mo sumasamo
Damdamin kong ito"
Parang si Carol Banawa ang boses niya.
High school pa lang sinusubukan ko na siyang lapitan, hindi naman ako nabigo na makipagkaibigan. Lagi siyang nakangiti, pag minsan ay seryoso lalo na sa pag-aaral.
Naging kaibigan ko siya, naging malapit din kalaunan dahil sa pagpupursige ko na mapalapit sa kanya.
Ginawa ko nang rason ang pag-aaral ko ng gitara para may dahilan ako na lumapit sa kanya.
Naging tambayan namin ang tiange ni aling Nono. Kung saan nililibre ko siya ng meryenda, magkahiwalay na eskinita lang ang daanan ng bahay nila at bahay namin, kaya pati pag uwi ay kasama ko siya.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, basta ang alam ko lang ay ayaw kong mapalayo siya sakin.
Naging madalas na ang pag uusap namin, tuwing recess, vacant, at uwian.
Mas lalo kong nakilala si Asia.
Malalim siyang mag isip, misteryosa ang mga salita nito, na akala ko lang dati ay dahil mahilig siyang gumawa ng tula. Mahilig siya magbasa, mahilig sa pusa, at mahilig sa mga halaman.
Bunso siya at may kapatid na si Euro. Teacher si Mama niya, at Agent naman ang Papa niya sa mga life insurance.
"Birthday ni Mama sa friday, meryenda tayo sa bahay!" Pag aaya ko sa kanya.
Hindi naman ako nabigo dahil pumayag siya na sasama. Naging pagkakataon ko iyon para maipakilala siya kay Mama.
Sa edad namin ay hindi pa ako pwede mag ka girlfriend, at alam ko ganon din siya. Dahil mas bata siya sa akin ng isang taon.
"Yes! Sunduin kita sainyo."
"Hindi na, Dennis. Dito na tayo magkita sa school."
Pumayag naman ako. Kesa naman hindi ko siya makasama.
Dumating ang friday na pinaka-hihintay ko.
Sabik na sabik ako na makita siya at maipakilala sa buong angkan namin, ngunit ganon na lang ang pagka-dismaya ko ng hindi siya pumasok ng araw na iyon sa school.
"Bakit hindi pumasok si Asia?" Tanong ko sa mga kaibigan niya.
Ngunit kahit isa sa kanila ay walang makapagsabi. Kaya naglakas loob akong puntahan siya sa bahay nila.
Pagdating ko doon ay sinalubong ako ng kapatid niyang si Euro.
"Nagpapahinga si Asia, may toncil." Sabi nito sa akin.
Gusto ko pa sanang makita siya, ngunit na isip ko na baka sobrang sama ng pakiramdam niya.
Lumipas ang isang linggo, wala pa ring Asia na lumitaw sa school. Labis-labis na ang pag aalala at takot ko kung ano anv nangyari sa kanya.
Sinubukan kong puntahan siya pero laging si Euro at Mama niya lanv ang nakakausap ko na may sakit daw siya.
Dinadalhan ko rin ng mga pagkain at prutas.
Hanggang sa isang araw halos manlaki ang mga mata ko ng bigla siyang pumasok sa room namin, at walang sali-salita na niyakap ako.
Naging sentro kami ng tukso pero wala akong pakialam. Sobrang na miss ko ang Asia ko.
"Kumusta ka na?"
"Ayos na ako, sorry di kita na entertain ng pumupunta ka sa bahay. Ansama talaga ng pakiramdam ko e."
Iyon ang unang beses na tila naging matamlay ang mga mata ni Asia, kahit na nakangiti ito.
Ng araw na iyon ay siya mismo ang nanlibre sa akin sa tiange ni Aling Nono. Hindi rin siya pumasok sa klase niya, kaya bilang supportive na kaibigan ay hindi rin ako pumasok.
Namili kami ng mga pagkain at junk foods, at nagpunta sa eco park. Hindi ko alam pero sobrang na mimiss ko siya at hindi ko napipigilan ang sarili ko na yakapin siya ng paulit ulit.
Naupo kami sa bakulod at tinatanaw ang buong bayan mula sa itaas mg bulubundukin ng eco park. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya habang abala siya sa mga tanawin.
Ang ganda ng hulma ng mukha niya, matangos ang ilong, maliit ang mapupulang labi, at bilogang mata na may mahahabang pilik mata.
"Ang ganda mo."
Napatingin ito sa akin at binigyan ako ng mga paborito kong ngiti.
"Sorry, hindi ako nakapunta sa kaarawan ni Tita."
"Ayos lang, Asia."
Natahimik kami, at sa ka una unahang pagkakataon ay siya mismo ang nagsalikop ng aming mga mga kamay.
"Mamaya. . . Sasama ako sa bahay niyo."
Sa pagkakataong iyon ay tila dinagundong ang dibdib ko. Ipapakilala ko na siya kay Mama.
"Asia. . . May nagugustuhan ka na bang lalaki?"
"Oo."
Mas lalo akong kinabahan.
Kahit na wala pa kami sa tamang edad, gusto ko ng masiguro na sa akin talaga siya mapupunta.
"Sino?"
Mas lalong lumapad ang mga ngiti nito.
"Ikaw."
"Ano?"
"Ikaw, gusto kita."
Walang preno nitong saad.
"Mahal kita. " dagdag pa nito.
"Asia. . ."
"God knows how much I love you, Dennis." Ngumiti ito ng tipid.
"Wala akong ibang gusto makasama, kung hindi ikaw."
Nasaksihan ko kung paano mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Walang kapantay ang ligaya na nararamdaman ko ng malaman ma pareho kami ng nararamdaman ni Asia.
"Mahal din kita, ikaw din ang babaeng gusto ko makasama, Asia."
Hinila nito ang mga kamay niya na hawak ko, naiwan akong dilat na dilat sa biglang paghatak niya sakin, at kinulong ang mukha ko sa mga palad niya.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang pinaghalong emosyon na hindi ko mapangalanan.
Mahal na mahal ko siya.
Tila inaanalisa niya ang mukha ko.
Dahan dahan niyang inilapat ang mga labi niya sa labi ko.
It was our first kissed.
Dose 1: Naging akin ang babaeng hinahangad ko.