PRE-DOSE Triggered Warning: This story consist of mature and mental health content. Read at your own risk.
ASIA PLARIDEL (The Bitter Legend)
Batch 1991 Jaro Iloilo National High School
Naging mahiwaga at palaisipan ang naging batch ng 1991 ng high school dahil sa pangalang Asia Plaridel. Ang bituin ng chorale of Jaro Iloilo National High School.
Nakakabit na sa pangalan ng eskwelahan ang pangalan ni Asia. Mayroong mga libro, diyaryo, at Magazine tungkol sa babaeng nawala dalawampung taon ang nakakalipas.
Walang kahit na sino ang makapagtukoy ng dahilan ng kanyang paglaho. Naispatan sa karatig lungsod ng Antique ang pamilya ni Asia, pero kalauna'y naging mabigo pa rin ang paghahanap ni Dennis Cercado sa nawawalang nobya.
Halos dalawang taong naghanap si Dennis, ayon sa mga magazines at dyaryo. Ngunit bigo siyang mahanap si Asia.
Kung bakit naging sikat si Asia Plaridel ng batch 1991. . . Ay dahil hiwaga ng kanyang pagkawala. Mapait na pagkawala. Maraming studyante naman ang nawala, pero si Asia lamang ang tumatak.
"Ano po ba ang nangyari kay, Asia Plaridel, Ma'am Salome?"
Tanong ng aking mga estudyante.
"Hindi ba kayo nagagawi sa ating aklatan? Maraming information tungkol kay Asia roon."
"Ma'am, ayon sa column article ni Ms. Maria Pauline ay personal niyo pong kilala si Dennis Cercado?"
Mahiwaga ang nangyari. . . Kung paano natuklasan kung nasaan si Asia, at kung paano ko natunghayan ang unti-unting paglaya ng bait ni Dennis, ay maituturing kong hiwaga. Hiwaga na tanging lason ng pag-ibig ang makakapaglikha.
"Si Dennis ay malapit kong kaibigan." Panimula ko.
Agad namang natahimik ang buong klase at mataman na nakinig sa aking mga kwento.
Kung mayroon mang higit na mas nakakaalam sa buong nangyari, ay ako iyon.
Asia Plaridel become the legend of the School. Mapait na alamat.
"Ngunit bago ko e kwento ang lahat, maaari bang kumuha kayo ng libro sa aklatan tungkol kay Asia Plaridel."
Tumungo ang mga bata sa aklatan at dinalahan ako ng mga libro. . . Sa pabalat ng mga libro ay naka-imprinta ang mga larawan ni Asia na nakunan sa entablado habang kumakanta siya.
Kaboses daw at kamukha nito ang sikat na singer ng kapanahunan niya, si Carol Banawa. At ayon sa kwento ni Dennis ay talagang iniidolo ni Asia si Carol Banawa, dahil mga kanta nito lagi ang kanyang paboritong kantahin.
"Sisimulan ko ang kwento sa buhay ni Asia at ang koneksyon ni Dennis sa kanya."
"Ma'am Salome, ayon sa kwento ng ate ko na ka batch din nila Dennis at Salome, malaki daw ang kinalaman ni Dennis sa nangyari kay Asia?"
Oo.
Malaki.
Malaki ang naging papel na ginampanan ni Dennis sa dinanas ni Asia. Siya rin ang dahilan kung bakit mas pinili nitong maglaho.
Pero hindi ko iyon deritso na sinabi sa mga bata. Ang kaalaman ng lahat dito sa Iloilo tungkol sa kaganapan ni Asia Plaridel ay pawang pinaghalong fiction at non-fiction.
"Malalaman natin." Saad ko.
Ngunit mag kukuwento pa lamang ako ng tumunog na ang bell.
Bakas ang panghinayang ng mga bata dahil na udlot ang aming story telling.
Inayos ko na lang ang mga gamit ko para umuwi na.
Na sa b****a pa lang ako ng gate ng mamataan ko ang lalaking naka motor at naka faded jeans.
Kumaway ako rito para mapansin niya ako.
"Dennis!"
Sumilay ang mga ngiti nito sa akin at inabot ang aking mga libro at bag.
"Sinadya na lang kita dito,"
"Ang sweet naman."
"Of course, ikaw pa ba."
Hinila ako nito at hinalikan sa tutok ng aking ulo.
"Tara na, Asia."
Napangiti ako sa pangalang itinawag nito sa akin. . .
"She's definetely something.
Sa kabila ng malulutong niyang tawa, mga kwentong ani mo'y walang ka proble-problema. Hindi mo siya makikitang lukot o busangot ang mukha. . . Kung mayroon man akong matatandaan sa kanya, iyon ay ang kakaiba niyang ngiti, ngiti na nakakahawa. Ngiting mahiwaga." Ganito ilarawan lagi ni Dennis si Asia.
At alam ko, katulad ng alamat. . . Hindi na siya mawawala pa sa buhay naming lahat.
Disclaimer:
Ang storya po ni Asia ay likas na kathang isip lamang ng manunulat, ang mga pangalan, lugar, at pangyayari, ay bunga lamang ng likot ng imahenasyon. Ano man ang pagkakahalintulad sa karanasan ng tao sa reyalidad ay pawang nagkataon lamang. Ginamit ng may akda ang lugar na Iloilo at Antique upang i-featured lamang ang lugar na ipinagmamalaki.
-Author Dreamela
All rights reserved
Copyright July 17, 2023