CHAPTER 2

2353 Words
Nagising ako dahil naramdaman kong may tao sa baba kaya agad-agad akong tumayo para tignan iyon. Tsaka baka magnanakaw pala ‘yon. Nako! "M-mama?" Tawag ko nung nakita ko siya sa baba na nakaupo lang. "Oh Alex gising ka na pala, good morning!” Bati niya sa akin nung nakita niya ako sa hagdanan. "Ano pong ginagawa niyo dito? I mean di ba po nasa abroad po kayo? May nangyari po ba? Bakit biglaan naman po yata ang uwi niyo? Tsaka hindi niyo man lang po ako sinabihan para po sana ay nasundo ko kayo." Sunod-sunod na tanong ko kasi nakakagulat talaga na andito siya ng walang pasabi. "Hay naku Alex ayan ka na naman ang dami mo na namang tanong. Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Hindi mo ba namiss si mama?" "Syempre miss na miss ko na po kayo ma, nagulat lang po talaga ako." Sabay yakap ko kay mama. Sobrang tagal ko itong inantay kasi halos dalawang taon siyang hindi umuwi. "Hindi na ako babalik doon." Sabi niya sa akin kaya napabitaw agad ako sa pagkayakap ko sa kaniya  dahil sa narinig ko. Bakit parang biglaan yata, parang merong hindi magandang nangyayari? Meron ba siyang hindi sinasabi sa akin? "Ano ma? Bakit naman po? May problema po ba kayo?" Tanong ko ulit kay mama. “Napag-isip-isip ko lang na masiyado na akong matagal na nakahiwalay sa iyo kaya dito na lang ako magpapatuloy magtrabaho." Sagot niya sa akin, sabagay tama naman si mama pero kasi parang may mali talaga e. Nararamdaman kong meron siyang hindi sinasabi sa akin. "Hindi ba ngayon ang pasok mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Hala oo nga pala. Tumingin ako sa orasan ko at 7:30 am na pala ang aga pa naman. Tsaka anong oras kaya nakauwi si mama? "Ma anong oras ka nakauwi dito? Tsaka ka na ba?" "Halos kakarating ko lang din tsaka hindi pa din ako kumakain kaya nagluluto na din ako." Sagot niya sa akin, ano daw nakaluto na siya? Halos kakarating lang niya pero nakapag-asikaso na siya dito sa bahay? Yung totoo? Kahit na nagulat ako sa sinabi ni mama ay hindi na ko nagtanong-tanong pa kahit madami pa kong gusto itanong. Tsaka alam ko din na pagod siya. Pagkatapos namin kumain ay inutusan na ako ni mama na maghanda na ng gamit at siya na daw bahala doon sa baba. Kaya umakyat na ako sa kwarto ko. Pansin ko lang talaga na ang weird ng kinikilos ni mama ngayon. Naligo na ako at nag-ayos na ng mga dadalhin ko. Tutal first day ko palang naman ngayon kaya maliit lang na bag yung dadalhin ko. Nang matapos kong ayusin ang gamit ko ay nag suot na din ako ng uniform. Ang ganda talaga nito. Hindi talaga ako makapaniwala mukhang yayamanin ang school na iyon. Pero kung yayamanin iyon bakit kaya walang tuition? Ay basta ang importante may school na akong mapapasukan. Bumababa na ako at nakita ko si mama sa couch na nakaupo habang may binabasa na kung ano. "Ma okay lang ba yung suot ko? Bagay po ba sakin?" Tanong ko nung nasa harapan na niya ako. "Bagay sa iyo Alex napakaganda mo. You look like an elite." Puri niya sa akin tsaka ano daw elite? "Teka nasaan na yung mga gamit mo bakit wala kang dalang maleta?" Takang tanong ni mama. "Ano ka ba naman ma. Papasok po ako ng school hindi po ako lilipat.” Tinawanan ko si mama dahil ang OA ng reaction niya tsaka bakit naman ako magdadala ng maleta? "That old woman! Bakit ba ang hilig niyang magputol ng mga information?” "A-ano ma?" Tanong ko dahil hindi ko narinig ‘yong sinabi niya. "Ah wala, sabi ko malayo ang school na iyon at hindi pwede yung uuwi ka lagi dito. Baka pag-galing ka don next week ka pa makauwi kaya bumalik ka sa kwarto mo at mag ready ka na ng mga dadalhin mo." Ano daw? Baka next week pa ako makauwi dito pag galing school. Gaano ba kalayo ‘yon? Ibang bansa ba ‘yon? Niloloko ba ako ni mama? Hindi na ako nagtanong-tanong pa at sinunod ko na lang ang sinabi ni mama. Inayos ko na ang mga dadalhin ko. Ang laman lang naman ng maleta ko ay puro sweat shirt tsaka jacket. Hindi ko alam pero adik talaga ako sa mga ganon e. Pagtapos ko din mag-ayos ng gamit ko ay bumama na ako at pumunta ulit ako kay mama. "Okay na ba lahat ng dala mo? Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong niya sa akin. "Wala na po na double check ko na din po." Sagot ko kay mama. "Teka ma alam mo ba yung school na ‘yon? Kasi hindi ka din nagtatanong about doon e.” "Sabihin na lang natin na oo pero hindi gaano. Masasagot lahat ng tanong mo pag nakarating ka na doon." "Ay ma hindi mo ba ako sasamahan? Sayang naman kakauwi mo lang tapos ang tagal nating hindi nagkita tapos ako naman iyong aalis. Hindi ko man lang masulit ang pagdating mo ma. Sobra kaya kitang na miss." Myghad bakit ako naiiyak?  Pakiramdam ko kasi parang sobrang tagal pa bago ulit kami ni mama magkita. Dati siya ang umaalis, ngayon ako naman. Ang bigat ng pakiramdam ko. "May susundo sayo. Hindi ba nila sinabi sa iyo? Tsaka Alex promise ko saiyo na dadalaw ako sa iyo doon. Aayusin ko lang ang mga kailangan ayusin at susunod ako sa iyo doon. Kaya wag ka ng umiyak ang  ganda ganda mo ngayon tapos sisirain lang ng luha mo." Sabi ni mama at pinunasan niya ang luha ko. Bigla naman may nagbusina sa labas kaya napatigil ako sa pag-iyak. Nagmumuni-muni pa ko e. Istorbo naman. "Ayan na pala ang sundo mo Alex, mag inggat ka doon ah. Tsaka galingan mo para pag nagkita ulit tayo malakas kana.” Paalala niya sa akin. "Ano ka ba ma, malakas naman po ako. Wala naman akong sakit e." Sagot ko sa kaniya. "Ikaw talagang bata ka. Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Pagkasabi niya non ay tinawanan niya lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya at binigay niya sa akin ‘yon. "Necklace.” "Itago mo ‘yan anak magagamit mo yan balang araw." Sabi ni mama. Teka totoo ba to? Ang ganda ng kwintas parang nag-iisa lang ito sa buong mundo. Tsaka ngayon lang ako nakakita ng ganito. Hinawakan ni mama ang magkabilaang braso ko sa likod at tinutulak-tulak niya ako palabas ng bahay. May nag-aantay ng van na kulay black. May sumalubong din sa amin na lalaki. Siya din ‘yong lalaking pumunta non, ‘yong pinapasok ko dito sa bahay. Nagkatinginan naman sila ni mama na parang nag-uusap sila sa mga mata. Magkakilala ba sila? Pero hindi e ngayon ko lang nakita tong lalaki na to kaya imposible na magkakilala sila. Nagpaalam na ko kay mama at kinuha nang lalaki ang mga dala ko. Niyakap ko ng mahigpit si mama dahil mukhang matatagalan pa bago kami magkita. Sumakay na din ako sa van. Nang nasa pintuan na ako at ang ulo ko nasa loob na ay bigla akong napa atras. Teka van ba talaga to? B-bakit sobrang laki? Sobrang laki ng loob may lamesa at may dalawang malaking couch at kompleto ang laman. Parang isang buong bahay ito. "Shall we?" Sabi ng lalaki kaya napa oo na lang ako at pumasok sa loob. Mga ilang minuto at tumigil na din yun sasakyan kaya naman nagulat ako at tinanong ko yung lalaki na kasama ko sa loob. "Uhm sir? Bakit po tayo nag stop?" Tanong ko. "We’re here.” Sagot niya sa akin. Ano daw? Nandito na kami? Parang wala pa atang 30 minutes ang biyahe ah. Tapos sabi ni mama na sobrang layo daw ng school ko. Yung totoo? Kahit na naguguluhan yung utak ko ay bumama na ko at... "Sir nasaan ang school dito? E dead end po itong napuntahan natin e.'' Sabi ko habang kinakalma ko ang sarili ko para hindi sumigaw. Kinakabahan talaga ako. Ang lugar na ito ay kakaiba, kasi naman parang lumang lugar na or parang abandunado. Sobrang tahimik tsaka wala ka ding makikita kahit na isang puno. Isang malaking bakod lang na imposibleng makaakyat ng kunsino man. Sumagi sa isip ko na tumakbo na lang tutal binigay naman na sa akin ang mga gamit ko. Baka mamatay ako dito nakakatakot. Baka meron silang gawin sakin na di maganda ayaw ko pang mamatay. Tatalikod na sana ako nang mapansin ako ng lalaki at tinawag niya ako. Patay na... lagot na ako nito wala na kong kawala kaya todo panalangin ako na sana walang masama sa akin. "Miss Laxine where are you going?" Tanong nang lalaki sa akin. "H-ha? Please po kuya wag ninyo akong saktan. Ano po ba kailangan niyo sa akin? Pera po ba? Kunin niyo na po lahat. Hayaan niyo lang po akong makakaalis dito. Sino ba kayo? Sabi nyo school yung pupuntahan bakit tayo nandidito sa dead end-" Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang may lumabas na lagusan. Hindi ko alam kung paano lumabas iyon. Ano ba iyon? Bakit ba puro mga kakaiba na lang naeencounter ko ngayon? Una sa bahay tapos si mama tapos ngayon itong papuntahang school na hindi ko alam kung school nga ba talaga. "Miss Laxine pumasok na po kayo. Hanggang dito na lang po kami hindi na po namin kayo masasamahan sa loob." Sabi ng lalaki sa akin. "H-ha? E Sir di po ba delikado diyan? Baka po kasi mawala ako tsaka wala po akong alam diyan. Baka po ikamatay ko pa." Sabi ko na todo todo yong kaba. “Tsaka hindi na po pala ako papasok baka mali pala itong napuntahan natin." "Maiwan na po namin kayo mam, after 1 minute magsasara na po iyan kaya kailangan niyo ng pumasok." "A-ano? Iiwan ninyo ako sa lugar na ito? Gusto niyo po ba akong mamatay dito? Idedemanda ko kayo pag ako nakabalik." Sigaw ko doon sa lalaki. Hindi na ako pinansin ng lalaki at umalis na siya. Mag sasalita pa sana ako kaso sumakay na ‘yong lalaki sa van. Wala naman akong nagawa kundi tumayo nalang at antayin ang pag-alis nila. Nang hindi ko na sila maaninag, pumunta na ako doon sa may lagusan at napansin ko din na unti-unti ng lumiliit ‘yong butas kaya agad-agad akong pumasok doon sa butas kahit alam kong hindi ako sigurado sa makikita o madadatnan ko. Naglakad na ulit ako doon sa butas upang pumasok, inihakbang ko na ang paa ko pero parang mali ata talaga na pumasok ako. Sobrang nakakahilo na parang anumang segundo ay babaliktad na ang sikmura ko. Halos isang minuto din ang tinagal at nagbukas ulit ang butas kaya agad-agad akong lumabas dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Paglabas ko galing doon sa butas na bilog na iyon ay nagulat na lang ako sa nakita ko pag labas ko parang isa itong garden, I mean garden nga. Grabe ngayon lang ako nakita ng garden na sobrang ganda. Ang daming mga kakaibang bulaklak sa paligid at sobrang aliwalas ng makikita mo, para akong nasa isang fairytale. Kinikilabutan ako sa sobrang ganda. Nananaginip ba ako? Habang nagtitingin-tingin ako dito sa lugar na ito ay may napansin akong  napakalaking paru-paro kasing-laki siya ng palad ko, ngayon lang din ako nakakita nito. Sobrang ganda talaga ng kulay niya na blue tapos may dots siya ng puti. Sa sobrang halumaling ko sa paru-paro ay hindi ko alam na sinusundan ko na pala siya. Mga ilang minuto ko pang sinusundan yung butterfly at may nakita akong fountain ang ganda nung fountain. Iniisip ko kung gaano ba talaga kalaki tong school na ito? Sobra talaga akong namamangha sa mga nakikita ko ngayon. May nakita akong upuan at naupo muna ako doon para magpahinga buti na lang at paglabas ko doon sa butas na iyon ay bumalik din agad sa dati yung pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas dito, ni hindi ko nga alam ‘yong school na sinasabi nila o kung saan ba banda yon pero bahala na kung hindi ako makapasok. Naisipan kong tawagan si mama upang sabihin ang mga nangyari sa akin ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko para idial ang no. ni mama kaso may nahagip ang mata ko na lalaki na natutulog sa isang upuan medyo malayo sa akin kaya hindi ko siya gaanong napansin kanina. Nilapitan ko siya para magtanong kung paano lumabas dito dahil kung hindi ako magtatanong ay panigurado hindi na ako makakalabas dito. “Uhmm excuse me?”  Sabi ko habang kinakalabit ko ‘yong lalaki. Nakakahiya itong ginagawa ko. Bakit ba kasi hindi ako sinamahan ng  lalaking ‘yon? Eh di sana hindi ako naliligaw tsk. Nagising naman ang lalaki at mukhang naalimpungatan yata siya sa ginawa ko at pagdilat niya agad siyang sumimangot at nakatingin ng masama saakin. "A-ah sorry. Hindi ko kasi alam kung na saan ako. Pwede mo ba ituro sa akin kung pano luma-" "Ano ba! Ang ingay-ingay mo! Hindi mo ba nakikita na natutulog ako?!" Sigaw niya sa akin at umayos siya ng pakakaupo. Nagulat naman ako sa ginawa niya wala namang masama sa ginawa ko ah, magtatanong lang naman ako pero sumigaw na agad siya. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa pagsigaw niya. Hindi ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko. "S-sorry hindi ko s-sinasadya." Pagkasabi ko non ay tumakbo na ako kung saan hindi ko makikita ang pagmumukha ng lalaking ‘yon. Grabe nagulat talaga ako sa ginawa niya pwede naman niyang sabihin kung ayaw niya sabihin ‘yong daanan hindi ‘yong sinigawan niya ako agad. Sobra lang talaga akong napahiya kaya siguro napaiyak na ako. Ayoko na makita yung lalaking yon. Kahit na ang bigat ng dala kong gamit ay tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung may hangganan ba tong lugar na ito. Gaano ba kasi kalaki itong lugar na ito? Patuloy pa din ako sa pag-iyak hanggang sa... "Ahhhhhhhh!" Sigaw ko dahil bigla na lang may lumitaw na limang malilit na nilalang. Siguro hanggang tuhod ko lang tapos matataba yung katawan na kulay grey at yung tenga nila na ang lalaki at malapad ang mata nila ay kulay green tapos bilog na bilog tapos ‘yong ilong nila ang laki din. Nakakatakot yung mga itsura nila. "Waaaaah! Tikbalang, engkantoooo! Tulong!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD