CHAPTER 3

2809 Words
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko, minulat ko ang mga mata ko para tignan kung ano ‘yon. Nasa isang kwarto ako at may mga tao. "Hey guys gising na siya!" Rinig kong sigaw nung babaeng kulay blue ang buhok. "A-asan ako?" Tanong ko. "Hi! Nandito ka sa kwarto natin, kamusta na ang pakiramdam mo?" Sabi nang babaeng blue ang buhok. In fairness ang ganda niya straight na straight ang buhok niya ang ganda ng pagkaka-ayos. "Ahhhhh!" Napasigaw naman ulit ako ng nakita ko ang mga kasama niya na katulad niya din. Kung anong kulay ng buhok nila yun din kulay ng mga mata nila. Nakakatakot na nakakamangha. "Ah Miss calm down please.”  Sabi nang lalaki na kulay brown ang buhok. "S-sino kayo? Bakit  kayo nandidito? Nasaan ako? Mga engkanto ba kayo?" Tanong ko ulit dahil sobrang kakaiba nila normal na tao. Ito ba ang lugar ng mga engkanto? "Okay, nandirito ka sa school ng Peculiar, habang nagla-lakad kami may narinig kaming sigaw sa may garden kanina kaya napatakbo kami doon and nakita ka namin na wala ng malay. Tsaka hindi kami engkanto okay?" Sabi naman nang babae na pink ang buhok. Kung hindi sila mga engkanto e ano sila? Mga normal lang na tao? Bumangon ako at umayos ako ng upo para makita ko sila ng malinaw. Grabe nakakagulat ang mga istura nila mukha silang mga goddess. "I’m Summer." Sabi nang babae na kulay yellow  yung buhok. "I’m Blue." Sabi naman nung blue hair. "I’m Pink- joke lang. I’m Airy." Sabi nung pink ang buhok. "Hay naku bago pa nga lang siya dito niloloko mo na agad." Sabi ni Blue. "Xiane, don't worry lalaki ako pang babae lang name ko." Sabi naman nung brown na buhok. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung totoo ba itong mga nangyayari. Nakatulala lang ako sa kanila. Hindi ako nagsa-salita dahil hanggang ngayon shock pa rin ako sa mga sinasabi nila. "H-hi? Naririnig mo ba kami?" Tanong nung Airy. "Ginulat niyo kasi siya kaya hindi siya makapag-salita. Natakot yata sa inyo girls.” Sabi ni Xiane habang tumatawa. "Duhhh! Sayo siya natakot tignan mo nga itsura mo mukha kang halimaw.” Sabi naman ni Summer "Mabuti pa umalis ka muna dito Xiane doon ka muna kila Axis, mga babae muna ang maiiwan dito. Chu away dali alis na." Pangtataboy ni Blue kay Xiane. "Bleeee!" Pang-aasar ni Summer. Umalis din naman agad si Xiane at kami na lang mga babae ang nandirito. "W-wait anong oras na?" Tanong ko sa kanila dahil naalala ko papasok ako dapat ngayon kaya nag panic ako at tumayo agad. "H-ha? 11:30 na." Sagot ni Airy sa akin. "Hala papaso-" "Hep, don’t worry alam na nila ang nangyari sayo kaya magpahinga ka na lang daw. Pati kami excuse kasi babatayan ka namin.” Sabi ni Blue. Bumalik ako sa pagkakaupo ko at dumistansya ako ng kaunti sa kanila kasi lahat sila nasa kama nakaupo at nakaharap sa akin. "Uhm hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari sa akin or nananaginip lang ako. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko din alam kung totoo kayo." Pagpapaliwanag ko sa kanila dahil sino ba naman ang makaka move ng ganun-ganun lang pag nakita mo ang mga kasama mo na kakaiba. "Ano ka ba, totoo kami totoo lahat ng nangyayari ngayon at lalong hindi ka nananaginip. Nandirito ka sa dorm ng girls.” Pagpapaliwanag ulit ni Blue. Napansin ko lang na ang daldal niya at feeling ko makulit siya. “Pwede ba malaman kung anong nangyari sayo kanina? Bakit walang kang malay nung kasama mo yung Faerie?" Tanong ni summer "H-ha? Faerie?" "Yup. Yung kasama mo sa garden kanina faerie yung mga tawag sakanila.” Naalala ko naman agad ang tinutukoy niya  sa pagkaka-alala ko bago ako mawalan ng malay ay sila yung nakita ko. "Totoo ba yon? Akala ko nananaginip lang ako.” "Siguro natakot ka sa kanila kaya nawalan ka ng malay. Wag ka mag-alala mababait sila tsaka sila yung tinuturing na bantay sa "Zraptoveria Garden." "Sorry, nagulat lang talaga ako sa kanila kanina tsaka first time ko lang kasi makakita ng ganon e. Tsaka sobrang hindi ako makapaniwala sorry talaga." Nakakahiya tuloy ‘yong ginawa ko pero hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil ngayon nga lang ako nakakita ng ganun. "Ano ka ba? Okay lang, Naiintindihan ka naman namin.” Sabi  ulit ni Blue. "By the way, ano nga ulit pangalan mo? Tsaka okay ka na ba? Kung gusto mo ipasyal ka namin dito sa school?” Tanong ni Summer. "Ah oo nga pala. I’m Alex.”  Tumayo ako sa pag kakaupo ko sa kama at isa isa ko silang kinamayan. "Oo, Okay na ko. Gagawin niyo ba talaga na samahan ako?" Tanong ko din sa kanila kasi baka mamaya napipilitan lang pala sila na samahan ako. "Syempre naman parte ka na ng "Alluminnus Team." Sabi ni Airy. "Sorry? Alluminnus Team? Ano yon?” "Yeah. May group kami at yun yung tawag sa team namin." "O-okay." Pagsang-ayon ko kahit hindi talaga ako sigurado. Lumabas kami ng dorm at ang laki ng building na ito. Parang hindi siya kayang gawin ng ordinaryong tao lang tapos ang dami ding kwarto dito. Bale katapat lang ng kwarto namin ‘yong room ng Alluminnus boys. Sabi din nila na kami lang daw na alluminnus team na estudyante ang nandidito sa floor na to. Tapos ‘yong ibang estudynate sa ibang floor tapos kabilang building. Marami pa akong nakita dito na sobrang kakaiba na hindi makikita sa ordinaryong lugar sobrang ganda dito. Yung kwarto namin may dalawang malalaking kama as in sobrang laki talaga, lahat ng babae sa Alluminnus Team ay nandoon daw sabi nila sa akin. "Sya nga pala puntahan natin yung ibang Alluminnus para makilala mo na din sila.” Excited na sabi ni Blue. "I-ibig sabihin marami kayo?" Gulat na tanong ko. "Oo naman bale 11 kami ngayon tapos dumagdag ka so bale 12 na tayong lahat di ba ang saya non. Mas marami mas masaya." Masayang sabi ni Summer. "Bakit naman ang dami nyo?" Tanong ko sa kanila. "Sabihin na lang natin na isa tayo sa malalakas na estudyante dito bukod sa mga teacher at sa Eminence Grise.” "Malakas? Eminence Grise?" "Wala ka ba talaga alam about sa nangyayari sayo? Bale iniipon tayo ng mga teachers para sa isang mission at were lucky kasi sa atin nila pinagkatiwala ‘yon. Eminence Grise means Senior." Paliwanag ni Airy. "Ano ba-" "Excuse me Miss Alex, Pinapatawag ka sa Sovran Office, follow me Miss." Sabi nung babae na naka office attire. Sabi nila Blue si Miss Ivan ( ih-van) daw ‘yon. Secretary daw siya ng Sovran. Nagpaalam muna ako kila Summer, Blue at Airy. Magkikita kita nalang daw kami ulit sa kwarto namin para puntahan ang mga iba pang members ng Alluminnus. *** "Welcome Back Miss Laxine, long time no see. I'm the Sovran here at Peculiar University I’m Madam Elizabeth." Masayang bati niya sa akin. "Hello po b-bakit niyo po ako pinatawag?" Tanong ko doon sa babae hindi siya gaanong matanda pero maganda siya. "Gusto ko lang sabihin sa iyo na maligayang pagbabalik sa ating paaralan. Sana ay magkaroon ka ng mga kaibigan sa unang araw mo. Gusto ko ding matutunan mo kung paano ginagamit ang "Xarch" mo. Siya nga pala gusto ko lang din malaman mo na may darating din na bago at gusto kong ikaw ang mag assist sa kaniya sa pag dating niya. That's an order!” "Ako po? E bago palang po ako dito at wala pa din po akong alam sa school natin." Bakit naman ako? Tsaka hindi ko nga alam ‘yong xarch e. Kahit nga ako kailangan ko din ng may nag aasist e. "Oo ikaw, next week pa naman ang dating niya kaya for sure ay alam mo na ang mga dapat matutunan dito sa school. Don't worry tutulungan ka ng Alluminnus kaya mag ready ka na.” "S-sige po mam Elizabeth gagawin ko po." Nag-oo na lang ako kahit na hindi ako sigura sa ginagawa ko, wala din naman akong karapatan na suwayin siya. "That's good. You may go.” Naglakad na ko palabas ng office ni Madam. Grabe sobrang daming nangyari sa araw na ito parang gusto ko na lang magpahinga at mawala na lang ang iniisip ko sobrang nakakapagod. "And one more thing Miss Alex.” Pahabol niya kaya humarap agad ako. "Be ready alluminnus team is the most perfect team na makikila mo." Sabi niya sa akin tsaka halata naman e kahit di sabihin ni Ma’am ‘yon talagang perfect sila. Dumiretso na ako sa kwarto namin  at wala pa sila doon kaya natulog muna ako. Dahil feeling ko isang linggo akong walang pahinga at unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod ko. *** "Alex!" "Alex gising. May pupuntahan pa tayo.” Naalimpungatan ako dahil may nagyu-yugyug sa katawan ko at sinisigaw ang pangalan ko. Pagmulat ko silang tatlo lang pala. "Bakit ano meron?" Tanong ko sa kanila habang kinukusot pa ang dalawang mata ko. "Bakit ka naman natulog? Sabi namin pupunta pa tayo sa mga iba nating ka grupo e." Sabi ni Blue. "Hala oo nga pala. Nakalimutan ko na pasensya na." "Tara na mag-asikaso ka na at pupunta na tayo sa tambayan." Pagyayaya ni Summer. "T-teka sino yung lalaki na darating next week? Kilala niyo ba siya?" Bigla ko lang naalala ‘yong usapan namin ni madam principal kanina. "Ahh oo darating nga daw yung lalaki at siya daw yung bubuo ng grupo natin. Pero hindi pa namin alam pangalan nya." Paliwanag ni Airy. "Sana nga gwapo naman siya kasi ang mga boys natin mukhang mga kurimaw e ang papanget." Pang-aasar ni Summer. "I agree Summer." Gatong ni Blue. "Nako kayong dalawa talaga." Saway ni Airy sa kanila. Hindi na ako nakapagsalita dahil hinatak na nila akong tatlo palabas ng kwarto namin kaya sumunod na lang ako. Mga dalawang minuto kaming nalalakad at umakyat kami sa mataas na lugar. Wala ka na ding makikita na mga estudyante dito. "Welcome to the Alluminnus Hidden Place.”  Nagulat ako nung sabay-sabay na sabi nilang tatlo yon. Wait totoo ba to? Sobrang ganda! Hindi sapat ang salitang maganda para sa lugar na ito. Ang sahig niya gawa sa marble tapos sa may kanan may malaking pool. Tapos sa gitna may isang napakalaking butas ng bilog na sobrang laki as in sobrang laki talaga. Tapos yung kalahati nung bilog nasakop ng sobrang laking kama na kulay puti. Meron ding apat na higanteng teddy bear hindi siya human size doble-doble pa doon. Tapos may dalawang naglalakihang couch din sa magkabilang gilid na kalahati ng bilog. Sobra talaga nakakamangha dito. Dahil hapon na kitang-kita dito sa taas ang paglubog ng sunset. Sobrang perfect nitong lugar na ito. Natigil naman ako sa pag-iisip nung may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. "Alex? Hey!" "Alex nakikinig ka ba?" Tanong ni Blue. "H-ha? O-oo ano nga ulit sinabi niyo?" Nakakahiya kung ano ano pinag-iisip ko. "Nakikinig ka pero hindi mo alam sinasabi namin." Pang aasar ni Blue. Di ko napansin na nandidito na pala kami sa mga ibang member ng Alluminnus. "Ey siya ba yung bagong member?" Tanong nang babae na violet ang mata tapos buhok. "Really? Ang ganda naman niya." Sabi naman nung puti ang buhok. Ang astig kasi ang ganda nung pagkaputi ng buhok niya. "Guys easy lang kayo baka naman matakot si Alex nyan sa inyo.” Sabi ni Blue habang naka-akbay sa akin at tumatawa-tawa. "By the way guys magpakilala kayo para naman makikila kayo ni Alex di ba."  Sabi ni Summer sa kanila. "Ehem! Ehem! Hey miss gorgeous I’m Axis, single ready to have a girlfriend." Sabay kindat niya sa akin. Medyo pa cool itong lalaki na ito na si Mr. Red. "Hi miss prettylicious. I’m Jiro the most handsome na makikita mo dito sa school." Kinuha niya ang kamay ko at kiniss niya. Ito naman si Mr. Aqua. "I’m Nathan. Pwede mo maging bestfriend.”  Sabi naman ni Mr. Maroon. "I’m Zedrick. Welcome!" Sabi din ni Mr. Black. "Ey sisi I’m agatha, nice meeting you!" Sabay kiss saakin ni Ms. White. "Tagal niyo naman magsalita kala ko hindi na ako makikila ni Alex tsk. Hi Alex I’m Loussette. You can call me Loui for short. Buti na lang may bago na ulit nakakasawa na kasi yang mga pagmu-mukha nilang lahat e." Sabi ni Ms. Lavander habang tumatawa. "Hoy Louis kung nagsasawa ka na sa amin mas sawa na kami sayo." Sigaw ni Summer. "Hindi kayo pwedeng magsawa sa akin kasi mawawalan ng maganda dito sa grupo niyo no." "Guys tama na para kayong mga bata.” Saway ni Airy. "Blee." Asar ni Loui kay Summer. "Blee.”  Ganti din ni Summer. Hay nako para silang mga bata. Noong una ko silang makita sobrang seryoso ng mga mukha nila. Para di mo sila pwede kausapin tapos ngayon mga isip-bata pala. Nakakatuwa sila at leastt nawawala ang mga iniisip ko kanina. "Teka lang boys bakit nung una tayong magkakakilala simple lang ang pagpapakilala niyo tapos ngayon kay Alex. ANG LILIGALIG NYO! PARA KAYONG NAUUBUSAN NG BABAE. ANG HAHANGIN NYO! GUSTO NYONG LAGYAN KO NG YELO YANG MGA BUNGANGA NYO HA?!" Nagulat naman ako sa ginawa ni Blue kasi nagyeyelo na nga yung kamay tapos sigaw na sigaw siya akala ko nagseselos siya sa mga boys yun pala naiinis siya sa ginawang pagpapakilala nila. Grabe nakakatakot siya. "Bakit maganda ka ba ha?" Tanong ni Mr. Aqua. "Oo maganda ako.” Sagot ni Blue. Pagkasabi niya non ay pumunta siya kay Mr. Aqua at binatukan niya ng binatukan. Ito ba ang sinasabi ni madam principal na perfect kuno? Dapat ba akong mag ready dahil sobrang isip bata ng mga kasama ko at ang gugulo? Dinaig pa yung mga elementary. Siguro nga dapat akong mga ready. "Hay nako talaga itong mga ito kahit kailan mga isip-bata." Sabi ni Airy na parang nangungunsumisyon. "By the way Alex pagpasensyahan mo na sila. Tsaka masanay ka na din sa inggay ng grupo natin. Ganyan talaga sila hindi nila sinasanto yung isa't isa kapag nag-aasaran. “ Sabi Agatha habang tinatapik tapik yung balikat ko. "Okay lang." Sagot ko sa kaniya dahil shook pa din ako sa kanila. Di ko talaga ma-imagine na ganito sila kakulit. Hinatak ako Agatha at ni Airy kasama ang mga boys at pumunta na kami doon sa may couch. Yung iba nandoon sila sa may kama naghahampasan grabe ang kukulit talaga nila. Yung mga kasama ko naman dito nakikipagkwentuhan sila sa akin about sa school about sa team nila at kung pano nabuo. Kaya matagal-tagal din kaming nag-usap-usap. Tapos ang iba naman sumali na din sa amin. Sobrang saya nila kasama parang hindi uso sa kanila ang problema. Habang nag- uusap-usap kami biglang may dumating na lalaki. Di ko maaninag ang mukha niya dahil dun siya mismo nakatayo sa may madilim na part at medyo gabi na din kasi. "San ka na naman galing? Maghapon ka yatang hindi nagpakita dito ah." Sabi ni Blue habang nakatingin doon sa lalaki. Hindi siya pinansin nung lalaki, isa rin siguro siya sa mga member ng alluminnus. Nagulat ako nung naglakad siya papunta sa liwanag. Siya yun hindi ako pwedeng magkamali. Bakit siya nandidito? Anong ibig-sabihin nito? Hindi ko alam pero parang natakot na ako sa kaniya simula nung nangyari yon. Sabi ko ayaw ko na siyang makita pero ito nasa harapan ko pa siya. Hindi ko alam kung anong ere-react ko sa kaniya. Napansin ko na lang na nakatingin na pala silang lahat sa akin at kanina pa ko nagpipigil na huminga. "Alex? Ano nangyayari sa iyo? Para kang nakakita ng multo." Tanong ni Blue na  parang natatawa. "Oo nga Alex para kang natatakot." Gatong ni Loui. "Bakit namumutla ka? May masakit ba sa iyo?" Tanong ni Airy na katabi ko lang kaya chineck niya kung may sakit ba ako. Nakatingin lang sa akin ang lalaki. Hindi ko alam kung naaalala niya ba ako or hindi pero sana hindi talaga. "H-ha? A-no ba kayo o-kay lang ako" Pinilit kong ngumiti kahit na sobrang kabang-kaba na ako. Gusto ko ng umalis dito. Inaayos ko naman ang sarili ko at nagpanggap na okay lang para hindi na sila magtanong-tanong pa. "Ay oo nga pala sya si "Ryco" ka grupo din natin siya." Pagpapakilala ni Summer na katabi ni Jiro. "Hoy bro di ka ba magpapakilala ng maayos sa maganda nating bagong member?" Sabi ni Xiane don sa Ryco na yon. "Tsk.” Umalis na siya at pumunta doon sa may malaking kama at nahiga. "Hayaan mo na siya Alex ganyan talaga yan kahit kami naiinis din kami minsan pero syempre sanay na kami sa kanya." Sabi ni Airy sa akin. "A-ah ganon ba? Pwede ba na tayong umuwi sa dorm?" Hindi ko na inintindi ang sinabi nila kasi hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko dito. Hindi naman sa masama ang pakiramdam ko sa kaniya, I mean hindi lang ako komportable. "Sabagay 8:30 na din tsaka maaga pa pasok natin bukas. Paano girls mauna na kami ah. Bye Miss ganda.” Sabi ni Jiro sabay hila niya doon sa ibang boys. Nginitian ko na lang yung sinabi ni Axis. Kaming mga babae na lang ang naiwan dito kaya umalis na din kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD