Nandito kami sa physical subject namin at sinabi na din nila summer na kami-kami lang daw na "Alluminnus" ang magkakaklase. Buti na lang at wala pa 'yong lalaki na 'yon si Ryco.
Bale ang katabi ko sa upuan ay 'yong dalawa, sa kanan si Blue tapos sa kaliwa naman ay si Summer. Sabi kasi nila ayaw na daw nila mahiwalay sa akin kaya ngayon mag-kakatabi kaming tatlo. Sa likod naman sila Airy, Loui,Agatha. Tapos sa kabilang side naman ay ang mga boys.
"Uhm Alex? Anong nangyari sa iyo kahapon? Bakit noong nakita mo si Ryco nag iba ang expression ng mukha mo? Namumutla ka tapos biglang gusto mo na agad umuwi?" Tanong ni Blue at mukhang narinig naman ni summer kaya sumali na din siya sa pag-uusap namin.
Kinuwento ko naman sa kanilang dalawa lahat ng nangyari. Sabi nila na ganun daw talaga 'yon sobrang sungit at wala daw ibang kumakausap sa kanya kundi sila-sila lang din na magkakaibigan. Nasanay na din daw sila na ganoon ang ginagawa niya.
"Hindi ka namin masisisi kung bakit ganoon na lang ang nangyari sa iyo kahapon."
"Pag-pasensyahan mo na lang siya Alex. Kami na lang mag-sosorry para sa kaniya."
"Nako, ano ba kayo? Wala na 'yon sa akin tsaka tapos na 'yon."
"Ihh kasi nakakaguilty kaya." Sabi ni Blue habang hawak-hawak ang braso ko na parang bata kung magsalita.
Dumating na din ang teacher namin. Maganda siya at kulay red ang buhok niya at blue 'yong mata. Ang ganda niya.
"Good morning class!"
"Good morning ma'am!" Bati ng mga kaklase ko.
"Nabalitaan ko na may bago daw sa section niyo? Can you please stand up?" Boses ng teacher at wala akong pake pero tumayo pa din ako.
"By the way, Im Ma'am Celine and you?"
"Alex po Ma'am."
"Ow you're Alex. Okay, nice meeting you. You may now sit."
Kinabahan naman ako. Mukha kasi siyang masungit tapos mataray. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking... and yeah si Ryco 'yon. Tsk.
"Late ka na naman Ryco."
"Sorry Ma'am."
"Maupo ka na." Naupo naman siya doon sa tabi ni Nathan at nakinig kay Ma'am.
Nag discuss lang si Ma'am about sa physical subject namin para next week actual na. Kaya mag ready daw kami. At dinismiss na din niya kami at naisipan naming pumunta muna doon sa may tambayan. Sama-sama kaming pumunta doon dahil 2 hours pa bago ang next subject namin.
Dahil sobrang laki naman nitong Ovillion naisipan namin na doon kami sa pinakadulo ng kama maupo at sila Airy ay nahiga naman at ang ibang boys ay sama-sama doon sa may couch. Sabi nila sa akin Ovillion daw tawag nila dito sa malaking bilog na ito.
Nagkukwentuhan lang kami at nagkakasiyahan, tapos nag kukwento din sila sa mga nakakatawang nangyari sa bawat isa. Sobrang saya nilang kasama, dito talaga ako nababagay dito ko natagpuan ang totoo kong mga kaibigan.
"Ay Alex tutal hindi mo pa alam ang mga xarch namin sasabihin na namin sa iyo." Biglang sinabi ni Loui sa akin.
"Oo nga pala. Ano nga pala ang xarch?" Kasi simula nandito ako di man lang nila nasabi. Siguro ay nakakalimutan lang nila.
"Ang xarch ay tawag sa mga ability na meron tayo." Pagpapaliwang ni Loui.
"Ako, I can control water and also I can control the weather. I can make an ice if I want too. Sabi ni Bue habang tumataas-taas pa ang kilay. Grabe ang astig naman non. Tapos biglang nag ice ang hinahawakan na tubig ni Axis na nakaupo doon sa couch. Grabe ang layo niya sa amin tapos...hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko.
At sinamaan siya ng tingin ni Axis.
"If sasabihin kong baguhin mo ang weather ngayon kaya mo? Tanong ko na may halong pagkamangha sa pananalita ko."
"Yup. Pero ginagamit ko lang pag kailangan talaga. Ganun."
"Ako naman! Ako naman!" Pag kasabi ni Summer non bigla nalang sumigaw si Axis at napatingin kaming lahat sa kanya. Iyong hawak niyang baso na may tubig kanina ay naging ice na tumapon sa kanya at lumulutang na ang baso. Kaya naman galit na galit na si Axis .
"f**k!" sigaw niya na parang gusto na niyang sunugin itong lugar na ito. Pero tinatawanan lang siya nung mga boys.
Tumingin naman ako kay Summer na katapat ko lang at namumula na sa kakatawa. Grabe ganito talaga sila pag nag aasaran.
"Yap. I can control the things whenever I want using my mind. Also I have the ability to change the object into anything else." Ang astig talaga. Iyong hawak ulit ni Axis na baso naging box ang shape kaya naman narinig na naman namin siyang sumagaw. Di naman nila trip si Axis ngayon di ba?
"What the hell girls?!" Sigaw ni Axis. Kaya nag bato siya ng isang fireball sa direction namin at nagpanic ako at napatayo. Medyo naramdaman kong may mainit sa pisngi ko at nadaplisan pala ako, pero bago pa mapunta sa likod ko ay naging ice na 'yong fireball. Nagulat naman silang lahat kaya nagsitayuan ang mga girls para makapantay ako at ang mga boys naman ay tumakbo papunta samin at nangunguna si Axis na nag landing talaga dito sa kama para lang maabot ako.
"Sorry Alex. Masakit ba?" Tanong ni Axis habang hawak niya ang mukha ko. Halatang nagi-guilty siya sa ginawa niya.
"Y-yeah o-kay lang ako daplis lang naman ito." Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Naramdaman ko namang lumapit si Blue sa amin.
"Tabi nga! Ako na bahala sa sugat niya." Sabi ni Blue kay Axis at tumabi naman si Axis. Naramdaman ko naman na biglang lumamig ang pakiramdam ko dahil tinapat ni Blue ang kamay niya sa pisngi ko at nag a-ice na ang parteng may sugat.
"T-thank you." Sabi ko kay Blue at ngumiti lang siya sa akin.
"Kung di niyo kasi ako pinagtitripan eh di hindi sana ito mangyayari." Cold na sabi ni Axis na may halong inis.
"Niloloko ka lang naman namin anong masama doon?" Pagpapaliwanag pa ni Summer sa kaniya.
"Edi sana walang nasaktan." Mariin na sabi ni Axis. Mukhang nainis na nga siya.
"Guys stop it. Mabuti pa pumunta na tayo sa next class natin malelate na din tayo." Cold din na sabi ni Airy. Feel ko lang na parang silang dalawa lang ni Agatha ang matured dito.
"Sorry alex I didn't meant it." Sabi ni Axis na ang cold pa din ng boses.
"Okay lang. Di naman na masakit tsaka wag ka ng humingi ng sorry. Okay lang talaga promise." Sabay taas ng kaliwang kamay na may kasamang ngiti para sabihing totoo ang sinasabi ko.
Nginitian niya lang ako at umalis na. Kita pa din ang guilt sa mukha niya.
Nagpaalam na din ang boys at sinundan nila si Axis. Kaming girls na lang ang naiwan dito.
"Sorry Alex kung di namin pinagtripan si Axis di ka madadamay." Hayst.
"Yeah, kaya sorry talaga." Mahinang sabi ni Summer
"Ano ba kayo di naman malalim ang sugat ko tsaka di ko naman nararamdaman wala namang masakit kaya wala na ito." Naguguilty ako sa nangyari ngayon parang pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sila magkakagalit ngayon.
Pumunta na din kami sa room at buti nalang wala pa ang next teacher namin. Inikot ko ang mata ko para hanapin si Axis at nakatingin pala siya sa akin... Ay hindi sa pisngi ko pala. Nginitian ko naman siya para sabihing okay na ang sugat ko at naupo na din ako.
Maya-maya pa dumating na din ang teacher namin at nagpakilala siya. Si Sir Gids, bata pa siya parang nasa mid 20's lang siya parang magkasing edad lang sila ni Ma'am Celine.
Nag-discuss lang siya at sinabing next week na din daw ang actual namin, tuturuan niya daw kaming humawak ng weapon namin.
Pagkatapos niya mag-discuss ay pinauwi na din niya kami. Nag paalam ako kila Blue, Summer, Agatha, Loui at Airy na mamaya na ako uuwi at may pupuntan lang ako.
"Sure ka ba Alex? Gusto mo bang samahan ka namin di mo pa gaanong kabisado itong school baka maligaw ka." Sabi ni Agatha.
"Hindi na. Ayoko na kayong istorbohin pa kaya ko na kaya ko na ito. Don't worry di ako lalayo."
"Okay ingat ka na lang wag kang magpapagabi ah." Sabi Blue.
"Yeah, bye!"
"Bye." Sabay-sabay nilang sabi.
Tinignan ko ang orasan ko at 5:30 na. Ako na lang naiwan dito sa room dahil nagpaalam na din ang boys sa amin na may pupuntahan lang daw sila kaya di pwedeng sumama ang mga girls kaya naman dumeretso na ang mga girls sa dorm.
Paglabas ko ng room di ko naman alam kung saan ako pupunta kaya hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan ako dalhin.
Napunta ako dito sa may bench kung saan bihira lang anlng mga estudyanteng dumadaan. Malaki itong lugar at madami ding bench na nakalagay dito. Naupo ako sa bandang walang makakapansin sa akin.
Kaya ako humiwalay sa kanila dahil gusto kong magisip-isip. Di ko pa rin kasi matanggap na ako yung naging dahilan ng pag aaway nila. Dahil sakin nagka samaan pa yata sila ng loob. Dahil first time ko tong ma encounter dahil sa dati kong school never naman ako nag karoon ng kaibigan kaya nagiguilty talaga ko.
Pumikit ako para maramdaman ko pa yung lamig ng hangin after ilang minutes din ay tumayo na ako para maglakad lakad at may nakita akong bunch of flowers na ibat ibang klase kaya pinuntahan ko sila. Naisip ko din na bigyan yung mga girls at si axis. Habang nagtitingin tingin ako ng maganda ay nakita ko ang section ng rose grabe ngayon lang ako nakakita ng ganitong ibat ibang kulay ng rose halos lahat yata nandito. Sobrang ganda talaga. Bago ako kumuha ay nag paalam muna ako sa kawalan para naman hindi nakaw to. Kumuha ako ng anim at binase ko sa mga kulay nila. Blue para kay Blue, yellow para kay Summer, pink para kay Airy, white para may Agatha at lavander para kay Loui and syempre red para kay Axis. I think pwede na to.
Napagdesisyunan ko na din na umalis at bumalik sa dorm nag lakad na din ako pero...
"Ay tae!" Yan nalang nasabi ko ng biglang may tumalon sa harapan ko.
"Grabe ka naman maka tae. Sa pogi kong to itatawag mo lang sakin tae?"
"Bakit ka naman kasi bigla bigla nalang sumusulpot sa harapan ko?"
"Actually kanina pa ko dito"
"H-ha? E bat ngayon ka lang nag pakita? Talaga to bibigayan pa ko ng sakit sa puso."
"Wala lang tinitignan lang kita tsaka nag taka lang ako kung bakit ka nakakuha niyang rose na yan. Kasi wala pang nakakalapit jan kahit sino." Sabi niya kaya naman nag taka na din ako.
"Siguro ang magaganda lang pwedeng kumuha dito" Sabi ko habang natatawa.
"Siguro nga" Bulong niya kaya naman di ko gaanong narinig.
"What?"
"Wala. By the way para saan yan?" Takang tanong niya.
"Ahh oo nga pala for you! " Sabay abot nang red rose.
"H-ha? Sakin? Bakit? Para saan?"
Sunod sunod na tanong niya.
"Peace offering. Gusto ko lang mag sorry sa nangyari kanina. Dahil sa akin nag away pa kayo nila Summer at Blue." Naka yukong sabi ko.
"Ano kaba ako nga dapat mag sorry sayo kasi nasaktan kita e." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Na guilty lang talaga ako."
"Hay nako ang kulit mo talaga." Pag kasabi niya non ay ginulo niya ang buhok ko at kinuha niya din ang red rose.
"Don't worry aalagan ko to" Sabi niya.
"Dapat lang"
"Tara na. Mag didilim na din." Pagkasabi niya non ay inakbayan niya ako at sabay kaming pumunta sa dorm.
Nangmakarating na kami sa dorm ay inalis na din niya ang pagkaka-akbay niya sa akin.
"Good night Alex! Thank you ulit dito sa rose." Sabi niya habang ang lapad ng ngiti niya. Ngayon ko lang yata siya nakita na ganito yung ngiti.
"Good night din." Sabay na kaming pumasok sa dorm namin. Dahil mag katapat lang naman ng dorm ng boys at girls dito sa school.
Pagpasok sa dorm ay may naamoy agad akong mabango at mukhang ulam yon.
"Uy alex mabuti umuwi kana. Saan kaba galing?" Tanong ni Blue.
"Oo nga tsaka ano yang dala mo? Bakit kailangan pa itago sa likod mo?" Tanong ni Summer.
"Here!" Sabay pakita ko ng mga rose na dala ko.
"Hala ang ganda naman niyan." Masayang wika ni Agatha.
"Oo nga ang ganda sobra!" Mangha ring sabi ni Summer
"Teka Alex pano mo nakuha yan? Kahit sino kasi na mag tangka na kumuha niyan walang nagtatagumpay e." Takang tanong Airy.
"Wala lang galing kasi ako don sa may maraming upuan tapos naglakad lakad lang ako don tapos yon nakita ko to. Then nag paalam naman ako sa kawalan para hindi masabing nakaw to. Tapos yon pumitas na ko." Paliwanag ko sa kanila.
"Grabe ikaw palang ata nakakakuha don. Ang astig naman non." Sabi ni Blue.
"Bakit ba walang nakakakuha neto?" Tanong ko sa kanila.
"Di din namin alam e. Basta sabi wala pa daw nakakapitas sa bulaklak na yan."
"Ahh" Yun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko naman kasi alam irereact ko e.
"By the way, para saan ba yan?" Tanong ni Agatha.
"Para sainyo."
"Talaga?!" Sigaw na sabi ni Blue.
"Oo kasi gusto ko lang mag sorry sa nangyari kanina. Kasalanan ko kasi kung bakit kayo nagkasagutan ni Axis." Sabi ko habang nasa harapan ko sila at naka upo.
"Ano kaba Alex. Ganon talaga kami mag asaran. Tsaka di mo kasalanan. Nasaktan ka na nga e." Alalang sagot ni Blue.
"Hay nako Alex mabuti pa tikman mo nalang ang niluto ko." Sabi ni Airy at habang hawak yung braso ko.
Binigay ko na din sa kanila yung rose na nakuha ko na binase ko sa kulay nila. Ang cute nilang tignan para silang mga batang nabigyan ng bagong laruan.
"Di ko alam magaling ka pala mag luto." Sabi ko kay Airy na naghahanda ng mga plato. "Ang sarap ng luto mo." Sabi ko sa kaniya at kinindatan ko lang siya.
"Well thank you Madam!" Sabay yuko niya sa akin at tumatawa.
Nag punta na din kami sa may lamesa at dun kami kumain ng sabay sabay. Pag tapos namin kumain ay nag prisinta ako na ako nalang mag liligpit ng pinagkainan namin. Pagtapos ko din ay naligo na ko at pumunta na sa kama. Nakita ko na tulog na din sila. Kaya naman dahan daha akong umakyat sa kama para hindi magising yung dalawa. Maya maya lang din ay naramdaman ko na yung antok ko.