Lumabas ako ng opisina nang mapansing wala pa sila Mackent sa mesa niya, wala sana akong plano sabihin kay Selea iyong nangyari e. Hindi ko naman alam na nakita pala kami ni Mackent kaninang madaling araw, I also checked Selea's messages at parang sinaksak iyong puso ko when I read everything. I can't imagine how scared she is last night tapos wala ako sa tabi niya, kung alam ko lang sana hindi na sana ako umuwi galing doon. Bigla akong natigilan nang makita si Selea at Mackent na paalis, tumakbo ako papunta sa sasakyan ni Mackent pero hindi ko na sila naabutan. I tried calling her pero hindi niya sinasagot, I even texted her pero ni isang reply wala akong natanggap. "Isa kang malaking tanga Kiel!" saad ko at napaupo na lang sa hagdan na nandoon. "Baka babalik din sila mamaya," mahinan

