“Anak?” paglilinaw ko rito. Napakunot naman ang noo nito, “Hindi moa lam?” tanong nito. Hindi ko alam pero bigla akong nanghina nang marinig iyon, muntik pa akong bumagsak sa sahig pero nagging maagap si engineer at nasalo niya ako. “Hey, okay ka lang?” tanong nito sa akin at inalalayan ako makaupo. “Thank you, yes medyo nahilo lang ako.” Pagrarason ko rito. “Baka naman puyat ka. na lagi dahil sa trabaho mo?” tanong nito. Napangiti naman ako ng bahagya dahil totoo rin ang sinabi nito. Mayamay pa may naririnig akong iyak ng bata mula sa labas at parang pamilyar ito sa akin. Tumayo ako at lalabas sana nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Manang. Karga-karga niya si Sean na umiiyak, pulang-pula na ang mukha at ilong nito. “Ma’am kanina pa po talaga umiiyak si Sea, pa

