Pagkatapos ng usapan namin na iyon ni Gino nagulat na lang ako nang biglang hindi pumasok si Cali kinabukasan, hindi lang isa o dalawang beses pero halos isang linggo na itong hindi pumapasok at hindi ko matawagan. Sa tuwing pumupunta naman ako sa bahay nila laging wala ring tao kaya wala akong mapagtanungan. Hinihintay ko rin sila doon umaasa na baka bigla silang dumating, naikuyom ko ang aking kamao nang makitang kakarating lang ni Gino doon. "Anong ginawa mo? Bakit hindi na sinasagot ni Cali iyong mga tawag ko!" mariin na tanong ko rito habang kinuwelyuhan ito. "Ewan ko sa 'yo! Wala akong ginawa, maging ako ay 'di alam kung ano na ang nangyayari sa kan'ya." mariin na sagot nito sabay tinulak ako. "Anong nangyayari dito?" pareho kaming natigilan ni Gino nang marinig iyon. Walang mapa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


