CHAPTER 1

4797 Words
“NAY, bakit ba ayaw ninyong sabihin kung sino `yong tatay ko?” pangungulit ng pitong taong gulang na si Poseidon sa ina na kasalukuyang abala sa mga ibinibilad na dilis at daing na ititinda nito sa palengke kinabukasan. Hindi kumibo ang ina. Kung hindi ba siya nito narinig o sinadya nitong huwag sagutin ang tanong niya ay hindi niya alam. Bahagya pa itong lumayo sa kanya. Kunwari ay abala itong ayusin ang mga pinatutuyong isda kahit pa alam niyang tapos na ito. Hindi siya nagpatinag. Muli siyang lumapit sa ina. “Nanay, dali na. Sino ba’ng tatay ko? Para may isulat na ako sa family tree. Asa’n picture niya?” “Wala, anak, wala! Bakit ba ang kulit mo? `Di ba sinabi ko nang wala kang tatay? Hindi ka makaintindi? Wala nga, Poseidon. Wala!” Nangilid ang luha niya. “Pwede po ba `yon, Nay? Bakit po `yong mga kaklase ko, lahat sila may tatay? Bakit sabi ng teacher namin nabubuo raw ang isang baby dahil sa pagmamahalan ng nanay at tatay?” Saglit na natigilan ang ina bago ipinagpatuloy ang ginagawa. “Hindi lahat gano’n.” “Eh nanay pa’no po ako naging tao? Bakit po sabi ni Teacher—“ “BAKIT BA ANG KULIT MO?!” sigaw ng nanay niya. Sa unang pagkakataon, natakot si Poseidon sa ina. Napaatras siya. At pagkatapos ay umiyak nang malakas na malakas. Tila natauhan naman ang nanay niya at nagmamadaling lumapit sa kanya. Yumukod ito at umupo nang tuluyan sa harap niya. Walang salita siyang niyakap nito nang mahigpit na mahigpit. Dahan-dahan namang kumalma ang sistema niya. “Anak...” pukaw nito sa kanya matapos ang ilang minuto niyang pag-iyak. “Po?” humihikbi niyang tugon. Tinitigan siya ng sariling ina. “Anak, hindi lahat ng nangyayari sa iba eh mangyayari rin sa `tin. Sila, mahal sila ng tatay nila kaya nandiyan sila. Hindi lahat ng pwede ay tama. Hindi rin lahat ng mali ay talagang masama.” Sisigok-sigok siya. “Ano pong ibig ninyong sabihin? Hindi po ba ako mahal ng tatay ko kaya hindi natin siya kasama? Ayaw niya po ba sa `tin? Bad po ba siya?” “Kung nakilala ka niya, anak, sigurado akong mamahalin ka niya nang buo,” sagot nito habang pinipigilang malaglag ang mga luha sa mata. “Pero may iba kasi siyang pamilya. Hindi ka niya pwedeng gawing anak. May anak na siya kaya `yong anak niya ang kasama niya at hindi ikaw.” “Bakit po hindi pwedeng kasama rin natin siya? Anak niya rin naman po ako ah.” “Maiintindihan mo rin ako paglaki mo.”   2019 “HI BABY ZEID!” Kinindatan lang ni Zeid at nginitian ang tatlong babaeng nadaanan niya habang palabas sa bangkang sinakyan niya pabalik sa Isla Verde mula sa main land ng Batangas City. Impit na napatili naman ang mga ito. “Oh, `yong mga Sitio Sampalukan diyan ah!” hiyaw ng isang lalaki mula sa labas. “Ops. Meron pa manong!” pasigaw rin niyang tugon saka nagmamadaling bumaba sa fast-cat boat. Sumakay siya sa bangkang pangisda na naghihintay sa mababaw na bahagi ng tubig-dagat kung saan dumaong ang Super Mario, tawag sa boat transporation na sinasakyan ng mga tao roon. Sa tantiya niya ay nasa limampu hanggang walumpu ang pwedeng makasakay roon. Ang mas maliit na bangka ang magta-transfer sa kanya mula sa mababaw na bahagi ng tubig hanggang sa dalampasigan.  Iniabot niya sa bangkero ang dalawang malalaking bayong at pagkatapos ay maingat na sumakay na rin doon. Marahang nagsagwan ang bangkero hanggang sa makarating na sila ng dalampasigan. Iniabot niya rito ang kinse pesos na “pamasahe” sa pagtawid nito sa kanya mula  sa dinaungan ng Mario hanggang sa pampang. “Salamat, boss.” Tinanguan niya ito at saka binuhat ang malalaking bayong. Nagsimula siyang maglakad pabalik sa mumunti niyang resort. May mangilan-ngilang bumabati sa kanya. Alas doce na ng tanghali kaya kailangan niya nang magmadali pauwi. Nagugutom na rin siya. Malapit-lapit na siya sa bahay niya nang makasalubong niya si Margaux. Pasimple siyang napangiti. Ito ang anak ng may-ari ng higanteng resort sa tabi ng bahay at mini-resort niya. Mukhang walang pasok ang babae dahil nasa isla ito. Tuwing bakasyon at weekend niya lang ito nakikita. Napangisi siya nang pasimple siyang irapan nito kasunod ang isang tipid na ngiti. Pinasadahan niya ito ng tingin. Nakasuot na naman ito ng manipis at hapit na sandong pambabae at pekpek shorts. Nagmumura ang mga dibdib nito na halos lumuwa na mula sa damit nito. Lantad na lantad na naman ang makikinis nitong mga hita. Marami na siyang naririnig-rinig na hindi maganda tungkol dito pero wala siyang pakialam. Para sa kanya, liberated lang ang kolehiyala. At crush na crush niya ito. Maganda at sexy. Mukhang masarap hawakan ang bewang. Mas lalo siguro kung ibang bahagi na ng katawan. “Hi, Margaux,” nakangising bati niya bago binagalan ang paglalakad. “`Nakangisi ka diyan?” medyo mataray na tanong nito. Mataray nga lang. Magmula yata nang makita niya itong umuwi mula sa bahay raw ng pamilya nito sa Maynila ay hindi pa siya nito binabati nang maayos. Suplada talaga. Pero gumigiling daw sa inuman kasama ang mga kaklase nito nang magkolehiyo. “Aga mo namang magsungit,” may halong lambing na sabi niya. “Sayang ang ganda mo. Dapat lagi lang nakangiti.” “Bolero,” tugon lang nito. Iyon lang naman ang lagi nitong sinasabi sa tuwing nakakasalubong niya ito at babatiin. Noong unang beses niya iton batiin halos isang dekada na ang nakakalipas ay inirapan lang siya nito. Bubot pa ang katawan nito noon pero alam mong may hubog. Maganda na talaga ng mukha. Matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata. Pero nang magdalaga na ito nang husto ay mas lalo itong gumanda. At kahit siguro may mangilan-ngilan na siyang nakatalik ay wala sa mga babaeng nakalaro niya sa kama ang papantay sa ganda ng katawan nito. Sasagutin niya pa sana ang akusasyon nito nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nangasim ang mukha niya nang mabasa niya ang nasa text message. Ipinapa-cancel ng nagpa-reserve na customer ang five night long na stay ng mga ito. Pera na, naging bato pa. Mabuti na lang at nag-downpayment ito kaya hindi siya lugi sa mga pinamalengke niya na para sa mga putahe na pinalista ng walanghiya niyang customer-to-be. Akmang lalagpasan na siya ni Margaux nang pigilan niya ang babae. “Sandali, Margaux. May gagawin ka ba mamaya? Baka gusto mong kumain ng hapunan sa bahay. Sayang naman `tong mga pinamili ko,” dire-diretso niyang yakad dito. “May bahay naman ako. Hindi ko kailangang makikain sa bahay ng  ibang tao. May pagkain din kami.” Iyon lang at tuluyan na itong tumalikod at naglakad palayo. Nakamot niya ang likod ng ulo. Ngayon lang yata siya na-sopla ng babae. Hindi niya rin alam kung bakit niya ito niyayang makikain sa bahay eh rich kid nga pala ito. Siguro ay dahil gusto niya rin ng ibang atmosphere. Nagsasawa na rin siya sa mga pagmumukha ng mga tropa niya na madalas ay hindi na nga nag-aambag sa inuman, nakikikain pa.   PALIHIM na napangiti si Margaux nang matanaw niya sa hindi kalayuan ang bulto ni Zeid. Mukhang galing pa ito sa main land para mamalengke. May dala itong dalawang malalaking bayong na may nakalitaw pang mangilan-ngilang dahon ng gulay mula roon. Pasimple niyang sinipat ang sarili. Hinila niya nang kaunti pababa ang suot na tank top para mas lumitaw pa ang malulusog niyang dibdib. At pagkatapos ay pasimpleng itinaas ang shorts. She even flipped her hair. Alam niyang maganda siya sa araw na `yon. Well, lagi naman. “Hi, Margaux,” nakangising bati nito nang isang metro na lang ang layo nila sa isa’t isa. “`Nakangisi ka diyan?” Sinadya niyang tarayan ang tono. S’yempre. Medyo pakipot naman siya sa pakikipagharutan. Gwapo at yummy si Zeid, kung tutuusin. Magmula nang lumipat siya sa Isla Verde ay ito ang kauna-unahan niyang crush. Pasimple niya itong sinisilip sa mini-resort nito. Lagi itong nakahubad-baro. Kitang-kita ang abs. Parang ang sarap-sarap hipuan. Kung hindi lang siguro nila kapitbahay ang lalaki at may tsansang malaman ng daddy niya ay pupuntiryahin niya talaga ang binata. Bet niya ito. At sigurado siyang maiyayabang niya sa besties niya kung magiging jowa niya ito kahit isang linggo lang. “Aga mo namang magsungit,” tila may lambing na balik nito sa pagtataray niya. “Sayang ang ganda mo. Dapat lagi lang nakangiti.” She rolled her eyes once more. “Bolero.” Iyon lang naman lagi ang sinasabi niya tuwing nakikita o nakakasalubong niya ito. Alam niyang bet din siya ni Zeid. Siyempre. Sino ba naman ang hindi tutulo ang laway sa kanya? She was always aware of her body. Gustung-gusto niya sa tuwing pinagbubulungan siya ng mga lalaki o kaya’y tinatawag at binabati. Tataray-tarayan niya pa sana si Zeid nang biglang tumunog ang phone nito. Nagkibit-balikat siya. Wala na siyang pakialam sa kung sino ang kausap nito. Akmang lalagpasan niya na ito nang ibaba nito ang phone at tawagin siya. Tiningnan niya lang ito at hinintay na magsalita. “Sandali, Margaux. May gagawin ka ba mamaya? Baka gusto mong kumain ng hapunan sa bahay. Sayang naman `tong mga pinamili ko,” yakad nito sa kanya. She almost said yes. Pero hindi naman siya easy to get lang. Oo, malandi talaga siya and she knew that. Pero hindi naman siya papayag na hindi man lang siya magpapakipot nang kahit kaunti. “May bahay naman ako. Hindi ko kailangang makikain sa bahay ng  ibang tao. May pagkain din kami.” Tinalikuran niya ito. Habang naglalakad siya palayo sa lalaki, pasimple niyang wini-wish na sana maisipan siya nitong pilitin. Pero hindi man lang ito nag-abalang gawin iyon. Nang makalayu-layo na siya ay nilingon niya si Zeid. Nabwisit lang siya nang makita niyang naglalakad na ito pauwi sa bahay nito. Gagong `to. Hindi man lang ako pinilit. Mainit ang ulo niyang ipinagpatuloy ang paglalakad. Nawala na siya sa mood. Pupunta pa naman siya sa highschool friend niyang si Karina. Marami siyang ikukwento rito lalo na’t matagal-tagal din silang hindi nakapag-chikahan. Abala siya sa pagsipat kung may cute ba galing sa mga bagong-baba na pasahero ng bangkang Mario nang mag-ring ang phone niya. Napilitan siyang tingnan iyon. Nainis lang siya nang makita kung sino ang tumatawag. Her dad. At mukhang pauuwiin na naman siya nito. “Margaux Elizabeth,” bungad nang daddy niya pagkatapat na pagkatapat niya pa lang ng phone sa tenga niya. Ni hindi man lang siya nakapag-“hello” man lang. “Nasaan ka na naman? Sinabihan na kita na may meeting ngayon ang management ng resort. Babalik na ako sa Manila sa makalawa. Don’t tell me you’re doing crazy stuff again. Remember what have you done last time when I—” Palihim siyang napabuntong-hininga. “Dad, uuwi na po ako. Pupunta lang sana ako kina Karina.” “`Di ba sinabi ko na sa `yong `wag kang nakikipagkaibigan sa mga gano’ng tao?” litanya ng ama. Napanguso siya. Kung noon ay puro sweet words lang ang naririnig niya mula rito, ngayon ay palagi na itong nakasinghal sa kanya. Salamat sa sipsip niyang kapatid na isinumbong siya sa daddy niya. Ikinuwento lang naman nito sa ama na may relasyon siya at ang dating room boy nilang si Russel at nakita sila nitong pumasok sa isa sa mga bakanteng room ng resort. Of course, totoo naman iyon. Pero wala naman siyang planong seryosohin ang lalaki. Russel was more of a f**k buddy. Pero dahil sa makating dila ng kapatid niyang si Margarette ay nabugbog ng daddy nila si Russel. Tinanggal pa ito sa trabaho at pinauwi sa Laguna. Wala rin siyang planong malaman ng daddy niya ang pinaggagagawa niya sa buhay niya. She was already almost twenty two. Ga-graduate na siya sa taon ding iyon na ilang taon ding na-delay dahil sa letseng back subjects niya. All in all, hindi niya na kailangan ng permiso mula sa kahit sino. “I’m sorry, dad,” aniya na medyo matimtimang birhen ang drama. “Pauwi na po ako.” Inis siyang naglakad pabalik sa Surface Interval Resort.   INIRAPAN lang ni Margaux ang nakababatang kapatid na si Margarette na nakaupo sa swing sa na nasa entrada lang ng resort. Ang ikinainis niya, umirap din ang inggitera. Hindi nagpapatalo sa kamalditahan niya. As if kaya naman nitong tapatan siya. Two years younger si Margarette kesa sa kanya pero pakiramdam niya ay mas matanda ito ng sampung taon kung manamit. Manang. Baduy. Daig pa ang may sampung anak. Ni hindi niya nga alam kung may naging boyfriend na ba ito o kung may nagtangka man lang ba ritong manligaw. Well, mas maganda naman talaga siya sa kapatid niya. Ever since, laging siya ang mas tinitingnan. Siya ang mas nakakatawag ng atensyon. Bakit? Simple lang. Ang chaka ng kapatid niya. “Nasa’n si daddy?” maangas niyang tanong nang tumapat siya sa harap nito. “Nasa loob,” tipid na sagot ng nerd niyang kapatid. Kahit ang simpleng pagsasalita nito ay ikinaiirita niya. In fact, ang simpleng existence nito sa buhay niya ay ikinabubwisit niya. Sana ay hindi na lang siya nagkaroon ng kapatid lalo na kung katulad lang din naman nitong pabida at masyadong mapapel ang magiging kahati niya sa atensyon ng mga magulang niya. Inarko niya ang kaliwang kilay. “Oh bakit hindi ka pa nagpapabida? Wala ka pa bang bagong chika kay daddy tungkol sa buhay ko? Gusto mo ba ng latest scoop?” Kumunot ang noo nito at tinapunan siya ng tila hindi makapaniwalang tingin. “Pwede ba, Ate Margaux.” “Oh, bakit?” Ayaw pa rin niyang magpaawat. Bihira lang ang pagkakataong makompronta niya ito nang silang dalawa lang kaya sisiguraduhin niyang makakaganti siya kahit paano. “Eh`di ba totoo namang pabida ka? Alam mo, just because you don’t have a social life eh maninira ka na ng kasiyahan ng iba. Hindi kasi ako manang tulad mo. Palibhasa mukha kang kulang-kulang.” Hindi na kumibo pa si Margarette. Akmang tatayo na ito mula sa swing nang itulak niya ito hanggang sa ma-out of balance nang tuluyan sa buhanginan. Pinagtawanan niya ito. Padabog na tumayo ang kapatid. Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya nito. “At least, may breeding ako. Hindi kagaya mo, ate. Para kang babaeng-kalye. Para kang lumaki sa squatter’s area. Para kang—” “Ano?!” naghahamon niyang tanong. “Sige sabihin mo!” Pinanlisikan niya ito ng mga mata. “Para kang prostitute,” mas mahina pero mariing sabi nito. Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Walang pasabi niyang hinablot ang buhok ng kapatid at pinagsasabunutan ito. Hindi sanay sa catfights si Margarette kaya walang kahirap-hirap niya itong napagbagsak at inginudngod sa buhangin. Ang lakas ng loob nitong sagutin siya nang ganoon. Hindi ba nito alam na halos gabi-gabi siyang nakikipagsampalan at sabunutan sa mga bar kapag gumi-gimmick silang magkakaklase? “Ang kapal ng mukha mong letse ka. Ganda ka? Ganda ka?” nanggigigil niyang sambit habang patuloy na hinihila ang buhok ng kapatid. “Mas matanda pa rin ako sa `yong pangit ka kaya wala kang karapatang bastusin ako!” Dahil nakadapa ito at nakasubsob na sa buhanginan, umupo siya sa likod nito para masigurong hindi na ito makakabangon. Pinagsasabunutan niya ito at pinagkakalmot. Siniguro niyang babaon nang husto ang mahahaba niyang kuko sa balat nito nang matuto ito’t magtanda. “Let go of me!” hiyaw nito. “’Let go’ mo mukha mo!” Inginudngod niya ito sa buhanginan. “Ano ha? Prostitute?!” “Margaux! Margarette!” Sapat na ang dumadagundong na sigaw na iyon ng ama nila para mapatigil si Margaux sa pananabunot kay Margarette. Dali-dali siyang tumayo mula sa ibabaw nito. Tumakbo naman ang dalawang staff nila palapit sa kanila at mabilis na itinayo ang kapatid niyang biglang umiyak at nagpaawa effect na naman sa daddy nila. Dramatic pa itong tumakbo at yumakap palapit sa Daddy Ben nila. “What do you think you’re doing?!” galit na galit na tanong sa kanya ng ama. Kunwari ay mangiyak-ngiyak din siya. “She called me ‘prostitute’! Babaeng-kalye! Taga-squatters!” “Because you’re acting and dressing like one!” depensa ng tatay niya sa sinabi ng kapatid. “Wow!” sarkastiko niyang bulalas. “So hindi dapat irespeto ang katulad ko dahil ganito ang suot ko at liberated ako? Bakit, dad? Dahil ba naka-fling ko ang isa sa mga staff mo rito, hindi ko na deserve ang respeto mo at ng kapatid ko?” Mas lalo niyang ginalingan ang pag-arte. Nagpanggap siyang nagpupunas ng nangingilid na luha kahit muta  lang yata ang nahawakan niya nang mga sandaling iyon. Hindi kumibo ang daddy niya. “Por que wala na si mommy, wala na akong kakampi. Parang wala na kayong nakita sa `kin kundi ang bad sides ko. Eh sa hindi ako kagaya ng babaeng gusto ninyong maging ako eh! Since noong bata pa ako, si Margarette na lang lagi ang bida sa mga tao. Ano ba ako rito? Gusto n’yo pa bang nandito ako? Sabihin n’yo lang, dad, kung hindi ko deserve na maging member ng pamilyang `to. Para naman makaalis na agad ako at maglaho na ako sa paningin ninyo.” Alam niyang mananalo na siya ng FAMAS at Gawad Urian awards sa arte niya nang mga sandaling iyon. She knew how to use her skills when badly needed. “Margarette, mag-sorry ka sa ate mo,” anang daddy niya matapos ang ilang saglit na katahimikan. “Dad?” Tila hindi makapaniwala ang pabida niyang kapatid sa narinig nito. Ano ka ngayong losyang ka. “Mag-sorry ka sa ate mo,” mariing sabi ng ama nila na obviously eh kumagat sa mga pa-emote niya. Tila hindi naman makalunok ang kapatid niya. Lihim siyang natuwa. Alam niyang hindi ito marunong sumaway sa daddy nila. Pero alam niyang masamang-masama ang loob nito. “S-Sorry,” halos lumabas lang sa ilong na sabi nito. Hindi na nito hinintay pa na may magsalita pa sa pagitan nilang tatlo. Mabilis itong tumalikod at naglakad patungo sa direksyon ng ancestral house nila na nakatirik lang sa bandang likod sa kanang bahagi ng resort. Nagsialis na rin ang ilang staff at bumalik sa loob ng lobby kung saan nagi-stay ang mga ito para sa mga customer. Ang akala niya ay tuluyan niya nang nauto ang daddy niya pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang magsalita itong muli matapos silang maiwang dalawa. “Pinag-sorry ko si Margarette sa `yo hindi dahil kinakampihan kita,” pagliliinaw nito. “Pinag-sorry ko `yong kapatid mo kasi gusto kong irespeto ka pa rin niya kahit sa totoo lang, malapit nang maging tama ang sinasabi niya.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ng ama. Iyon ang unang pagkakataon na nagsalita ito nang gano’n sa kanya. Malamig pero mabigat. Mas masakit pa kesa sa lahat ng sabunot, sampal at kalmot ng mga nakakaaway niya sa mga bar at club. “Dad...” “Ayusin mo `yong sarili mo, Margaux. Ayokong kaladkarin mo ang pangalan namin ng mommy mo. Sunud-sunod ang mga nalalaman ko tungkol sa `yo. Sobrang disappointed ako sa `yo, Margaux Elizabeth. Ayokong mawala sa mundo na hindi matino ang panganay kong anak.” Iyon lang at iniwan na siyang tulala ng ama. Ni hindi siya makapagsalita. Ni hindi niya nadepensahan ang sarili. Wow. Hindi niya alam kung may matino pa ba siyang kayang gawin sa buhay niya. Iyon ang tingin sa kanya ng sarili niyang ama. Hindi matino. Iyon din ang tingin sa kanya ng punyeta niyang kapatid. Cheap. Tumulo ang mga luha niya. Mabilis niya rin naman iyong pinunasan. No, hindi siya mahina. Hindi siya dapat umiiyak. Maldita at laging palaban ang tingin sa kanya ng lahat. Hindi siya dapat nasasaktan sa mga gano’ng klase ng mga salita. Mali lang siya ng pamilyang kinabibilangan. Kung buhay lang sana ang paborito niyang tita, doon siya titira. Hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa bahay na iyon na hindi naman siya tinitingnan bilang tao. Malandi siya? Pokpok? Hindi disente? Cheap? Eh kung gawin niya kaya ang mga pinagsasabi ng mga ito?   “AHHH, PUTANG INA!” Sunud-sunod pang napamura si Poseidon nang tumalsik na palabas sa ari niya ang katas na pinaghirapan ng kamay niya. Umagos pa iyon sa palad niya hanggang sa dumiretso sa bandang puson niya na bahagyang balot sa buhok. Napabuntong-hininga siya pagkatapos at napatingin sa kisame. “`Tang ina ka, Poseidon. Hanggang kelan ka ba magsasalsal na parang highschool.” Kumuha siya ng labahing damit mula sa ilalim ng kama at saka pinunasan ang kamay at ang katawan. Kasalanan talaga iyon ni Margaux. Kung hindi niya sana nakita ang nagmumurang dibdib at matambok na pwet nito ay hindi siya magsasarili sa kwarto niya naparang hayok na hayok sa laman. Ewan ba niya, pero sa tuwing nakikita niya ito at ang katawan nitong nakabandera sa tuwing naglalakad ito, mabilis siyang tinitigasan. Pero mas mabuti na sigurong nagma-mariang palad na lang siya sa tuwing nalulungkot siya. Sawang-sawa na siyang makipaglokohan sa mga babae sa lugar nila. Pare-pareho rin namang hindi seryoso ang mga ito. Sa oras na makaramdam na ng kati ay nagsisimula nang maghanap ng kakamot. Kung minsan ay ang mga babaeng may gusto na sa kanya ang kusang bumubuka sa harap niya, na hindi niya noon matanggihan. Kung tutuusin, medyo swerte siya dahil lahat ng dumaan sa kanya, mga birhen. Na-first blood niya. Sa kabilang banda, hindi rin okay ang mga virgin. Napaka-clingy. Parang gagawing buhay ang junjun niya. Lagi siyang hahabulin. Lagi siyang yayayain. `Di naman siya gago para hayaang iyon na lang ang ikutan ng relasyon niya sa isang babae. Libog. s*x. Init ng katawan. `Buti na lang at natuto na siyang magkontrol sa sarili niyang libido. Ayaw niyang paulit-ulit na makipag-jack en poy sa mga babaeng kung sinu-sino na rin ang inupuan. Mapili rin naman siya. Wala siyang planong mamatay nang dahil sa AIDS. Matapos linisin ang sarili at itaas ang nakababang salawal ay pabalagbag siyang nahiga sa kama at napatingalang muli sa kisame. Wala na siyang gagawin pa sa araw na `yon kundi ang tumunganga dahil wala namang bisita sa resort nila. Tengga na naman. Tapos na ang summer. Bihira naman `yong mga taong trip pumunta sa beach kahit tag-ulan. Sa susunod na buwan, kapag gano’n pa rin nang gano’n ang sitwasyon ay maga-apply na siyang teacher sa highschool sa lugar nila. Nakapagtapos naman siya ng kolehiyo sa tulong ng `sangkaterbang scholarship, pamamalimos sa mga matapobreng kamag-anak at sa sikap ng ermat niya. Tanda niya pa noon, ilang beses na siyang muntik-muntikang hindi pumasa sa mga subject niya dahil wala siyang panggastos. Ni wala silang sariling computer man lang o laptop. Maisip pa lang niyang Education ang course niya pero wala siyang sariling laptop, nahihirapan na siya sa buhay niya. Kaya badtrip din siya sa ibang kabataan na saksakan ng spoiled. Putang ina, Mahal na mahal na ng mga magulang, magagawa pang mag-rebelde kapag hindi nabili ang gustong smartphone. Mga social climber. Iyon din minsan ang dahilan kung bakit medyo alangan pa siyang magturo. Isa pa, bago ito mawala ang ina ay pinakiusapan siya nito na huwag pababayaan ang maliit nilang resort na namana pa nito mula sa mga magulang nito. Dahil mahal niya naman ang nanay niya, kahit wala na ito ay pinipilit niya pa ring maging hands-on sa maliit nilang resort kahit pa katabi niyon ang higanteng resort nina Margaux. Pero sa mga ganoong sitwasyon na walang bisita, wala ring kita. Kailangan niya pang s-um-ide line bilang tutor ng mga kapatid ng tropa niya para lang may maipanglaman siya sa sikmura niyang laging gutom. Naglalagay rin siya ng bubu o trap sa mababaw na bahagi ng dagat para makakuha ng mga isda na pangkain. Ganoon na ang buhay nila noon ng nanay niya magmula pa nang magkaisip siya. Silang dalawa lang. Wala ang tatay niya na parang nagputok lang ng kargada sa kumot. Ni hindi niya alam kung nasaan ito. Wala namang sinasabi ang nanay niya kung tao o demonyo ba ang tatay niya. Basta ang isang bagay lang na napagtanto niya nang magbinata siya ay baka may lahi ito. Baka foreigner. Kano siguro. Lagi kasi siyang napagkakamalang inglesero noon sa school. Lumaki siyang sinasabi na Amboy raw siya. Na blonde ang buhok niya. Wala siyang ibang alam tungkol sa ama. Ang alam niya lang, tarantado ito. Hindi nito nagawang panagutan ang nanay niya na laging tinatawag na disgrasyada noon ng mga tsismosa nilang kapitbahay. Naisipan niyang bumangon at magpahingin na lang sa labas. Palubog na ang araw. Wala namang tao sa resort. Wala na siyang gagawin sa maghapong iyon. Pakiramdam niya naman ay tatagal ng isang linggo ang mga pinamili niyang pagkain na hindi naman na magagamit. Nagsimula siyang maglakad palapit sa dalampasigan. Kumalma siya nang makita  ang dagat. Kahit kailan, hindi siya nagsawa sa lugar na iyon. Napakarami nilang masasayang alaala ng nanay niya roon. Sinipa-sipa niya ang isang maliit na bato. Sinusundan niya ang bawat talbog. Natawa siya sa sarili habang ginagawa iyon. Naalala niya na naman ang kabataan niya. Noong bata siya, nangunguha pa siya ng mga magagandang bato at seashell sa dalampasigan nila at tuwing isasama siya ng nanay niya sa isang tiyahin sa Maynila ay ibinibenta niya iyon sa mga pinsan niya. Hindi niya namalayan na sa kakasipa niya ay umabot na siya sa bandang dulo ng dalampasigan. Sa boundary ng maliit niyang resort at ng higanteng Surface Interval Resort ng pamilya ni Margaux. Napahinto siya at napatingin sa kinatitirikan ng bahay ng pamilya nito na nasa isang sulok ng resort.. Nagulat siya nang makitang naroon din si Margaux. Nakatulala sa may terrace. Ang pangit ng awra. Daig pa ang nagulangan sa jueteng. Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila. Kahit pala malungkot ito, artistahin pa rin ang mukha. “Ba’t ka nakatingin diyan?!” sigaw nito na parang nasa kabilang sitio pa ang kausap. Artistahin, `wag lang bubuksan ang bibig. Daig pa nito ang laging may kaaway. Kung hindi lang talaga siya naglalaway sa ganda ng katawan nitong naka-display lagi ay baka ma-turn off din siya rito. “Ang sungit mo kasi!” pasigaw at nakangisi niyang tugon. Pasimple pa siyang tumingin sa paligid. Baka marinig siya ng erpat ni Margaux. Hindi maganda ang naging usapan nila ng ama ng babae noong isang gabi. Sa halip na sagutin ay walang pasabing pumasok ito sa loob ng bahay nito. Naiwan siyang nakatunganga sa bakanteng terrace. “`Labo talaga ng utak ng mga babae,” bulong niya sa sarili bago naiiling na naglakad-lakad muli sa kabilang side ng dalampasigan. Siguro, kung hindi siya lumaki sa nanay niya ay hindi niya maiintindihan nang kahit kaunti ang mga babae. Ang lalakas ng mga topak. Palaging may issue sa buhay. Iyon din ang dahilan kung bakit mas gusto niya pa ang MOMOL o make out-make out lang. Noong huling beses siyang sumubok mag-girlfriend nang matino ay namayat lang siya dahil sitsirya na lang ang inuulam niya sa school mabili lang ang gusto nitong milktea. Puta, tagtipid siya sa baon. Kahit yata tubig, sa gripo sa guardhouse na lang siya nakikiinom noon. Pero alam niya namang iba-iba rin ang ugali ng mga ito. Siguro ay hindi pa lang siya nakakakilala ng babaeng maayos kausap, hindi topakin at hindi masama ang ugali. Wala pa siyang nakikilalang kagaya ng nanay niya. Pabalik na sana siya sa loob ng bahay at naglalakad na palayo sa dalampasigan nang mapansin niya ang babaeng pumasok sa loob ng bakuran ng Poseidon’s Paradise. Napahinto siya sa paglalakad nang ma-realize kung sino iyon. “Margaux?” Gulat na gulat siya. Kanina lang, inirap-irapan pa siya ng babae. Ngayon, nasa bakuran niya na. Ano ba’ng trip nito? “May gagawin ka?” parang sigang tanong nito. Gusto niyang matawa ngunit mabilis iyong nawala nang mapansin niyang medyo hilam sa luha ang mga mata nito. “Wala naman. Papasok na sana.” Walang pasabi nitong hinila ang braso niya. Napilitan siyang magpakaladkad dito pabalik sa dalampasigang pinanggalingan niya. Nang makarating sila sa kanang bahagi kung saan malayo sa tabi ng Surface Interval, bigla itong sumalampak sa buhanginan. Itinupi nito ang tuhod at niyakap ang mga binti. Tuloy, kitang-kita niya ang s**o ng babae mula sa pagkakatayo niya roon. Napalunok siya. “Tabihan mo `kong tumanga rito,” anito nang mapansing hindi siya natitinag sa pagkakatayo. “Lasing ka ba?” Kusang lumabas ang gagong tanong na iyon mula sa bibig niya. “Kung pwede lang,” matabang na tugon nito na nakatingin na sa papadilim na kalangitan. Sumalampak na rin siya sa buhangin at nag-Indian sit sa tabi nito. “Nakakapangit ang mamrublema.” “Gago,” maaskad na tugon nito. “Baka `di mo alam, kahit malugkot ako alam kong maganda ako” Napahagalpak siya ng tawa. Kahit malungkot na ito, iba pa rin ang ugali.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD