NATIGILAN si Margaux sa itinatakbo ng sarili niyang utak. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng sarili niyang kwarto na parang pusang hindi mapaanak. Hindi siya mapakali sa ideyang pumasok sa isip niya. Pakiramdam niya, iyon na ang pinakatamang magagawa niya sa buong buhay niya.
“Gagana naman kaya?” pabulong na tanong niya sa sarili.
Huminto siya sa paglalakad at ibinagsak ang sarili sa kama. Masakit na rin ang legs niya sa paglalakad-lakad. Thirty minutes na yata siyang gano’n.
Nakagat niya ang ibabang labi. Parang kagabi lang ay pasimple niya pang minamanyak sa isip si Zeid habang katabi ito sa dalampasigan. Parang nawala ang mga iniisip niya nang masulyapan ang matipuno nitong katawan. Kung hindi siguro siya nakapagpigil ay hinagod niya na iyon ng kamay niya.
“s**t, parang ang sarap-sarap mo,” muling bulong niya nang ma-imagine ito. Maging ang amoy ng lalaki, nagugustuhan niya ring langhapin.
Bakit nga ba hindi siya gumawa ng paraan noon para may mangyari sa kanila ng lalaki? Kung gugustuhin niya naman ay siguradong makakalusot naman siya. Well, kung walang tsismosang magsusumbong sa kanya sa daddy niya.
And speaking of her dad, wala ito ngayon sa isla. Medyo malaya siyang gumala-gala. Alam niyang pinababantayan siya nito sa isa nilang staff. Pero takutin at suhulan niya lang naman iyon ay siguradong mananahimik na iyon gaya ng lagi niyang ginagawa.
Biglang bumalik ang lahat ng iniisip niya kanina. Alam niyang kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi mapunta kay Margarette ang atensyon ng ama nila. Alam niyang sinusulot lang ng kapatid niya ang attention ng daddy niya dahil hindi ito paborito ng kahit sino sa mga magulang nila kahit noong nabubuhay pa ang mommy niya.
Noon pa man, sinasabi na ng ibang tao sa paligid nila na si Margarette ang mabait at siya ang demonyita. Na ang kapatid niyang manang ang matino at siya ang pakawala. She was fully aware of that. Pero ano bang pakialam ng mga ito sa itinatakbo ng buhay nila? Hindi naman ang mga ito ang nagpapalamon sa kanya.
Kaya lang, noon ay lagi siyang ipinagtatanggol ng parents niya. Ang mommy at daddy niya ang laging dumidepensa para sa kanya. Siya ang favorite ng mga ito. NOON. Ngayong patay na ang mommy niya at wala na sa kanya ang loob ng daddy niya nang makarating dito ang lahat ng pinaggagawa niya, ramdam niyang na kay Margarette na ang lahat ng pabor. Ito na lang halos ang kinakausap nang malumanay ng daddy niya. Sa tuwing kakausapin siya ng ama, lagi na itong galit na para bang nagsisisi pa itong binuhay siya nito sa mundo.
So she needed to secure her place in the family. Paano kung ang pangit niyang kapatid ang pamanahan ng properties nila? Paano kung bawiin ang niregalo sa kanyang kotse na hindi niya naman magamit sa isla at naka-park lang sa dorm na pagmamay-ari ng tiyahin niya malapit sa Lyceum of the Philippines University-Batangas? Doon din siya nag-aaral at sa pasukan, thesis na lang ang kailangan niyang tapusin. Kung hindi lang sana siya umalis sa maganda niyang school sa Maynila, hindi na siya uulit ng ilang sem.
Kailangan niyang gumawa ng aksyon. Ayaw niyang buong buhay na maging anino na lang ng bida-bida niyang kapatid.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga. Lalabas na sana siya ng silid nang mag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa ilalim ng unan. It was her classmate Belle. May ganap kaya sila sa gabing iyon? Kating-kati na ang lalamunan niya sa alak... at sa lalaki.
“Hello, Belle!” hyper niyang bungad nang sagutin niya ang call nito. “Ano na?”
“Anong `ano na’?” medyo iritang sagot ng kausap. “Nakalimutan mo? Birthday ko ngayon! I told you last time. May party later sa bahay. You must come.”
Hindi siya agad nakakibo nang may mag-flash na ideya sa isip niya. Nakailang “hello” pa si Belle bago niya namalayang paulit-ulit na pala ito.
“Pwede ba akong magsama?”
“Gaga, sino? Kapatid mo? Eh `di hindi ka nakapili ng pogi sa mga bisita ko.”
“Hindi siyempre!” mariing tanggi niya. “Ah, basta. Punta ako mamaya. Papahatid na ako sa bangka ng resort habang maaga pa.”
Nang matapos ang pag-uusap nila ay halos magkandarapa siyang lumabas ng silid. Nakasalubong niya pa sa hagdanan ang bwisit niyang kapatid pero hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na awayin ito. Mahirap na. Baka mabwisit lang siya at maitulak niya pa ito nang tuluyan.
Tuluy-tuloy siyang lumabas sa resort at dumiretso sa Poseidon’s Paradise. Hindi na siya nag-abala pang tawagin si Zeid. Dire-diretso na siyang umakyat sa tatlong baitang na hagdanan patungo sa pintuan ng maliit nitong bahay.
Muntik na siyang malaglag sa kahoy na hagdan nang bigla niyang makasalubong ang papalabas na si Zeid. Pareho silang nagulat sa presensya ng isa’t isa.
“Ay kapre!” tili niya.
“Margaux?” nagtatakang bungad ni Zeid sa kanya.
Kahit hindi na siya gulat ay patuloy pa rin ang malakas na tambol ng puso niya nang matutukan ng mga mata niya ang abs ng lalaki. Matitigan nang malapitan. Gusto niyang yumuko at dilaan iyon pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
Darating din tayo diyan, bulong ng malandi niyang utak habang pinagnanasahan ang katawan ng lalaking kaharap. Light brown n*****s, intact chest, firm abs. Ang sarap.
“Alam kong masarap titigan `yan pero kausapin mo muna ako.”
Mabilis na nalipat ang tingin ni Margaux sa mukha ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing nakatitig ito sa kanya at kitang-kita kung paano niya pinipigilan ang laway nang makita ang mesherep na katawan nito.
“`Kapal mo, juts ka naman yata.” Natutop niya bigla ang bibig.
Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Zeid ngunit hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita.
“Samahan mo `ko sa party mamaya,” diretsong sabi niya rito. Hindi iyon invitation kundi isang declaration statement at walang karapatan ang lalaking tanggihan ang beauty niya.
“Bakit?”
Nag-krus ang mga kilay niya. “Anong ‘bakit’?”
“Bakit obligado akong samahan ka?” diretsa ring tanong nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng kauntimg pagkapahiya pero pinilit niyang patarayin pa rin ang awra. “Ayaw mo ba?”
Nakahinga siya nang maluwang nang sumilay ang isang malapad na ngiti mula sa mga labi ni Zeid. “Gusto s’yempre. Wala nang tanongg-tanong.” Tumawa ito. “Ayos ah. `Di ka na sobrang masungit sa `kin.”
“Basta babalikan kita ng two p.m. Dapat ready ka na no’n ah.” Iyon lang at tinalikuran niya na ito.
Naglalakad na siya pababa mula sa bahay nito nang may biglang sumagi sa isipan niya.
Bakit nga ba sinusungitan niya pa rin si Zeid? Kung gusto niyang mag-work out ang pinaplano niya, kailangan niyang baguhin ang pakikitungo niya rito. Well, mahirap iyon lalo na’t sanay siya na tinataray-tarayan ang lahat ng tao sa paligid niya.
Napahinga siya nang malalim bago nagmartsa pabalik sa kinaroroonan ng binata. Nakatayo pa rin ito kung saan niya ito iniwan. Ilang beses muna siyang bumuntong hininga bago tuluyang lumapit sa lalaki at kinintalan ito ng halik sa pisngi. Pagkatapos ay patakbo siyang umalis.
For the first time, nahiya siya sa pinaggagawa niya. Gano’n yata talaga kapag guilty.
NAKAGAT ni Margaux ang ibabang labi nang matitigan si Zeid mula ulo hanggang paa. Simpleng pull over lang naman ang suot nito at kupas na fitted pants pero pakiramdam niya ay artista ang nasa harap niya nang mga sandaling iyon.
Noon niya lang napansin na nag-shave din ito ng balbas at bigote. Ang laki ng ibinata ng mukha nito. Matangos ang ilong. Mapula ang labi. `Sarap halikan. Parang nanghuhubad ang mga mata. Malalago ang kilay. Naka-man bun din ang hanggang balikat nitong buhok.
Pagdating sa pangangatawan, wapak na wapak din naman talaga ang lalaki. Ang lapad ng balikat. Parang ang sarap haplus-haplusin sa gitna ng umaatikabong sexcapades. Bumabakat sa damit nito ang matitigas nitong muscles. Bakat ang abs. Mas masarap pa itong tingnan kaysa kay Tom Rodriguez. At kahit pa moreno ito ay hindi ito nagmumukhang chipipay na kanto boy.
“`Gwapo ko `no?”
Tila natauhan siya sa sinabi ni Zeid. Agad na umakyat muli ang paningin niya sa mga mata ng lalaki. Ngiting-ngiti ang gago. Pero in fairness, ang puti at pantay-pantay ang ngipin. Mukhang malinis sa katawan..
“Type mo rin pala ako ah,” nakakalokong asar nito. “Nagsusungit ka pa sa `kin lagi, pinagnanasahan mo rin pala `yong abs ko.”
“Tara na,” malamig na tugon niya na lang sa halip na patulan pa ito. Baka kasi mapa-“oo” rin siya `pag nagkataon. Ang sarap mo pa naman, Zeid.
Pasalamat siya at sumama ito sa kanya nang walang kahirap-hirap. Wala rin naman siyang planong magsama ng ibang lalaki para sa araw na iyon. Masyado siyang seryoso sa naisip niyang plano. Kailangan niya iyong ma-execute nang maayos.
Nauna na siyang lumabas sa bakuran nito. Pagkatapos ay dumiretso sila sa Surface Interval Resort. Mabilis lang din naman silang nakarating sa pampang kung saan naghihintay na ang bangkero ng resort na maghahatid sa kanila patungo sa mainland.
“Sigurado ka bang hindi ka isusumbong nito sa daddy mo?” pabulong na tanong ni Zeid sa kanya. Medyo nakiliti pa ang tenga niya nang dumampi roon ang mainit nitong hininga.
Tumikhim siya. “Oo. Bakit? Natatakot ka kay Daddy?”
Inalalayan siya nito hanggang sa makasampa siya sa bangka. Pakiramdam niya ay bahagya pang pumintig ang pagitan ng mga hita niya nang hawakan siya ni Zeid sa bewang. Parang ang sarap-sarap nitong humawak. Pasimple niyang nakagat ang ibabang labi. Sa bawat dampi ng lalaki sa balat niya, mas lalo siyang nagiging seryoso sa plano niya.
Hitting two birds with one stone, sabi nga nila.
“`Di ako takot sa daddy mo. Pero s’yempre, iniisip din kita. Baka magalit `yon na kasama mo ako eh bad shot nga ako sa kanya kasi `di ko siya napagbigyan noong huling nag-usap kami,” anito.
Yeah, I know. Kaya nga kasama mo ako ngayon.
Hindi na sila nagkausap pa sa buong biyahe. Iyon yata ang unang beses na awkward ang feeling niya kapag may kasamang lalaki. Hindi niya rin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Zeid at pumayag ito na samahan siya. Sigurado na siyang bet siya nito. As in bet na bet. Hindi naman siya nito sasamahan o papansinin kung hindi siya nito gusto.
Alam niya ring matagal na siyang sinusulyap-sulyapan nito. Sa dami ng lalaking nagkakagusto sa kanya, kabisado niya na kung sino ang mga lalaking may interes sa kanya at sino ang wala. Well, sure siyang isa si Zeid sa mga pasimpleng pinagnanasahan ang ganda niya.
Nagulat siya nang bigla niyang lingunin si Zeid matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila. Nakatingin lang naman ito sa legs niya. Kulang na lang ay papakin nito iyon. Napangiti siya nang maluwang.
“Gusto mong hawakan?” bulong niya matapos na umusog nang kaunti palapit dito.
Nagulat naman ang lalaki sa kanya. Bahagya itong napalayo. Lalo siyang natawa. Sulit ang pagsusuot niya ng shorts at off-shoulders na paborito niyang style ng damit. Bakit ba? She should flaunt what she has.
“Ba’t ba kasi ganyan kaikli ang suot mo. Lahat ng lalaki pagnanasahan ka talaga eh,” anito na tila inililipat sa kanya ang sisi kung bakit halos tumulo na ang laway nito sa kanya.
Inarko niya ang kaliwang kilay. “Eh kasi gusto ko. Kayong mga lalaki na ang may problema kung hindi ninyo kayang kontrolin `yang pagkauhaw n’yo sa gaya namin.”
Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na kumibo pa ang lalaki. Hindi niya kasi alam kung paano niya pa ipagtatanggol ang sariling pananamit. Hindi naman niya kasi talaga iyon isinusuot para sa self-satisfaction kundi para makuha ang atensyon ng lahat ng lalaki sa paligid. Malandi na kung malandi, pero gusto niyang kina-catcall siya at hinihipuan ng mga lalaki. Alam niya kasing nauulol ang mga ito sa kanya. Alam niya iyon at hindi naman siya bumubukaka na lang sa harap ng kung sinu-sino.
“Andito na yata tayo.” Naulinagan niya na lang na tumayo na si Zeid.
Sa dami ng mga naglalaro sa isip niya, hindi niya namalayan na nakarating na sila sa main land. Mabilis siyang tumayo. Inalalayan naman siya ni Zeid. In fairness, lagi talagang nakaalalay sa kanya ang lalaki. Halatang patay na patay sa kanya.
Nang makababa sila sa pampang, humarap siya rito.
“Una ka na do’n kumuha ng trike. Kausapin ko lang `tong si manong,” pagtataboy niya rito.
“Dito na. Hintayin na kita. Mamaya bumalik ka pa pa-isla. Wala nang bangka pauwi,” nakangising tugon nito.
Hindi niya maiwasang matawa kay Zeid. Sigurista ang loko. Kunsabagay. Baka iniisip nito na pinagti-trip-an niya lang ang lalaki. Na hindi niya malabong gawin. Pasalamat ito at importante ito sa kanya ngayon.
Bumaling siya sa bangkero ng resort na naghatid sa kanila. “Oh, manong,” aniya sabay abot sa dalawang libo na kanina niya pa hawak-hawak. “Pangkain n’yo `yan. Basta alam n’yo na. `Wag na `wag n’yo akong isusumbong kay daddy.”
Tumangu-tango ang bangkero. “Oo naman. Sige salamat dito, madam.”
Iyon lang at mabilis nitong itinulak ang bangka pabalik sa tubig. Maya-maya, naglaho na agad ito sa paningin nilang dalawa.
“Yaman mo ah. May panuhol ka pa,” komento ni Zeid nang magsimula silang maglakad. “Bakit ba kasi gusto mong kasama ako? Bukod sa pogi ako, may dahilan pa ba?”
Ngumuso siya. “`Yabang, Wala namang pambayad sa bangka.”
“Pogi naman,” tugon pa rin nito na mukhang hindi man lang nabawasan ang self-confidence. “Pero dapat sa `kin mo na lang binigay `yong dalawang libo. Eh `di sana hiniram ko na lang `yong bangka ni Tamtam. `Pogi pa sana ng service mo.”
Ewan niya ba kung bakit pero hindi naman talaga siya nayayabangan sa awra nito. Sa totoo lang, ang gaan nitong kasama. Pakiramdam niya, kahit paano ay nababawasan ang kademonyitahan niya nang kaunti kapag kasama si Zeid.
“Malay ko ba,” sagot niya na lang.
Nag-abang na sila ng masasakyan. Hindi naman gano’n kalayo mula sa pantalan ang bahay ng kaklase at kaibigan niyang si Belle. Maaga pa naman. Six p.m. pa ang start ng party nito. Alam niya namang on-time sila darating.
Wala silang kibuan nang makasakay sila sa trike. Hindi siya sanay sa gano’n. Medyo nahihiya-hiya pa siya sa lalaki. Iba pala kapag seyoso ito. Parang ang hirap pasukin ng sistema. Parang abogado na kailangan laging isipin ang susunod na sasabihin para sa kaso.
“May girlfriend ka na?” tanong niya kay Zeid out of the blue.
Sumulyap sa kanya ang lalaki. “Wala pa eh. Bakit, gusto mong mag-apply?”
Natawa siya at napalo ang braso nito. “Ang swerte mo kapag naging girlfriend mo `ko. Bakit, gusto mo ba?”
“Bakit hindi?”
Gusto niyang pumulupot agad sa braso nito at yayain na itong mag-motel pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niya namang magpakipot nang kaunti dito. Para siyang naubusan ng lakas ng loob. Nai-intimidate siya sa presensya ng lalaki. Parang masyado itong dominant.
Dominante siyang babae pero pakiramdam niya ay sinasakop ng lalaki ang awra niya sa tuwing tumatabi ito sa kanya. Pero imbis na kabahan o mainis, parang gusto niya ang ganitong pakiramdam. Paminsan-minsan, hindi niya rin makilala ang sarili niyang mga enosyon at desisyon.
“Baka itanan mo `ko kapag jinowa kita,” maharot niyang sagot.
Pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamabilis na biyahe niya ever. Marami pa siyang gustong itanong. Ang dami niya pang gustong ihirit kay Zeid pero nagtanong na agad ang tricycle driver kung anong street ang papasukin nito dahil nakapasok na ito sa subdivision nina Belle.
Ilang sandali pa, umibis na sila sa tricycle. Inayos niya ang suot. Siniguro niyang siya ang pinakamaganda sa gabing iyon. Ilang oras siyang nag-makeup at nagplantsa ng buhok. Wala siyang pakialam kahit masapawan niya pa si Belle sa mismong party nito.
Kinuha ni Zeid ang kamay niya at ipinulupot iyon sa braso nito. Ay, ang tigas teh.
“Ako ang escort mo, kamahalan,” nakangising biro nito bago sila naglakad papasok sa loob.
Nakabukas na ang gate. Pagpasok pa lang nila, kita na nila ang mga tao. Ang usok mula sa grill. In fairness, kahit maaga pa ay mabilis nang napuno ng mga kaklase at kakilala nila ang bahay ng kaklase.
Solong anak kasi ito at nasa abroad ang parents kaya nagagawa nito ang lahat ng gusto sa bahay nito. Kung tutuusin ay naiinggit siya rito paminsan-minsan. Pero wala siyang planong sabihin iyon kay Belle. Ayaw niyang mabawasan ang angst at value niya sa mata ng kahit sino.
“Oh my, Margaux!” tili ni Belle nang makita siya nito.
Nagmamadali nitong iniwan ang cup na hawak nito at saka dumiretso palapit sa kinaroroonan nila. Nakatingin naman sa kanya ang halos lahat ng naroon. Well, may ibang mga haliparot na kay Zeid muna tumingin bago sa kanya.
In fairness, maganda ito ngayon. Pero s’yempre, mas maganda pa rin siya. Mas fresh. Mas kabog. Kahit ito ang may birthday, alam niyang siya pa rin ang center of attention.
Nakipagbeso siya rito. “Ang akala ko, maaga pa. Ang dami na palang tao.”
“Yeah. I told them to be here as early as possible. Para s’yempre, mahaba ang party natin,” nakangising sagot ni Belle bago ibinaling ang mga mata kay Zeid. Sa tingin pa lang nito, alam niya nang bet nito si Zeid. “Wait, sino `tong cutie na kasama mo?”
“Hi. Poseidon nga pala,” pakilala ng lalaki sa sarili. “Zeid na lang.”
“Hi, I’m Belle. Welcome to my birthday party,” nakangiti at pabebeng sagot naman ni Belle na obvious na nagpapa-cute kay Zeid.
“Ay, happy birthday.” Tinapik ni Zeid ang braso ni Belle. Saglit lang iyon pero pakiramdam niya ay nairita na siya agad sa nakita ng mga mata.
Gusto man ni Margaux na itirik ang mga mata sa ere ay pinigilan niya ang sarili. Marunong naman siyang makipagplastikan. Kaklase niya si Belle pero ang kanya ay kanya. Ayaw niya ng may mas haliparot pa sa kanya.
Walang pasabi niyang ginagap ang kamay ni Zeid. “Sige, Belle. Asikasuhin mo na muna `yong ibang bagong dating. Magha-‘hi’ muna kami sa ibang bisita.”
Mahigpit ang hawak na hinila niya si Zeid palayo sa malandi niyang kaklase.
“Selosa ka pala,” narinig niyang asar ni Zeid.
Nilingon niya ito at sinungitan. “Oo. Kaya `wag kang malandi.”
MEDYO nakakarami na si Margaux ng inom. Kanina pa sila naroon sa party ni Belle at wala pa siyang planong umuwi. Alam niya namang isusumbong lang siya ng manang niyang kapatid kapag nakita siya nitong lasing.
“Lasing ka na,” anunsyo ni Zeid sa hitsura niya.
Kahit nahihilo ay nagawa niya pang kurutin ang pisngi nito. “Shhh. Kalma lang, baby boy. Kaya ko pa.”
Nasa couch sila nang mga oras na iyon. Nakasandal siya habang si Zeid naman ay nakaupo malapit sa kanya. Wala nang nakatayong tao sa paligid. Lahat ay bagsak na. May nakahiga sa sahig, may nakasandal sa pader. Mga walwal king and queen ng taon. Kahit si Belle ay wala na sa paningin niya. Mukhang sinasakyan na ang kaklase nilang si Warren sa kwarto nito.
Tinitigan niya si Zeid na noon ay nakatitig lang din sa kanya. Nakainom na ito pero ramdam niyang hindi naman ito lasing. Unlike her. Pakiramdam niya ay medyo may tama na siya. Mukhang napasarap ang pag-shot niya kanina.
Kung hindi niya siguro kasama ang lalaki ay sinamahan niya na ang birthday girl niyang kaklase na umindayog sa ibabaw ni Warren na bet niya rin. Pero dahil nasa tabi niya si Zeid, wala siyang planong maki-join sa cowgirl party ni Belle sa kwarto nito.
“Zeid, maganda ba `ko?” tanong niya sa lalaki.
“Pwede na.” Playing safe ang gago.
Kahit hilong-hilo siya ay walang kaabog-abog siyang umalis sa pagkakasandal at hinubad ang suot na off-shoulder. Lumantad sa lalaki ang katawan niyang strapless bra na lang ang nakatakip.
“Margaux,” Tila nanuyo ang lalamunan nito.
Napangisi siya. “Type mo `ko?”
“Magbihis ka na. Baka magising pa `yang mga `yan.”
Akmang pupulutin pa ni Zeid ang damit niya sa sahig nang pigilan niya ang kamay nito. Dahan-dahan niyang iginala ang daliri sa balat ng lalaki hanggang sa umakyat ang kamay niya sa batok nito. Lumapit siya nang husto rito.
Nakita niya ang makailang ulit na paglunok nito ng laway habang nakatingin sa mga labi niya. Alam niyang natu-turn on na ito sa ginagawa niya. Well, kahit siya rin. Kung dahil ba sa alak o talagang gusto niyang matikman si Zeid ay hindi niya alam. Pareho siguro.
Hinalikan niya ang lalaki. Hindi ito kumontra pero hindi rin nagre-response. Ramdam niya ang paghigit nito ng hininga sa bawat segundong lumilipas. Mas nilaliman niya ang mga halik hanggang sa dahan-dahan na ring itong gumaganti sa mga halik niya.
Ramdam niya ang pagkagutom sa halik ni Zeid. Alam niya na gusto rin siya nitong matikman. Ramdam na ramdam niya.
Mas lalo siyang nag-init. Basa na ang b****a ng lagusan niya. Naghihintay na ng papasok na bisita. Pero kahit gano’n, alam niya naman ang dahilan kung bakit niya isinama ang lalaki. Hindi niya nakakalimutan kung ano ang kailangan niya rito.
Kumawala siya mula sa mga labi ng lalaki at kinuha ang isang palad nito. Nilagay niya iyon sa isa sa mga dibdib niya. Napaungol pa siya nang bahagya iyong pisilin ng lalaki gamit ang mainit nitong kamay.
“May hihilingin ako sa `yo,” aniya. “Pagbibigyan mo ba `ko?”
“Gusto mong ikama kita ngayon? Hindi ako tatanggi,” nakangisi nang tugon nito.
“Sa isang kondisyon.” Huminga siya nang malalim.
“Ano?”
“Ibenta mo na sa `min `yong resort mo,” diretsahan niyang tugon.
Nakita niya ang pagguhit ng disappointment sa mukha nito. Sa isang iglap, nawala ang excitement sa mga mata ng lalaki. Mukhang mali yata ang ginawa niya. Mukhang masyado pang maaga.
Pakiramdam niya ay nawala ang tama ng alak sa sistema niya lalo na nang tumayo si Zeid.
“Magdamit ka na. Hihintayin na lang kita sa labas.” Iyon lang at naglakad na ito palabas sa living room.
Bwisit.