Five years ago... Galit si Margaux. Hindi niya matanggap na isang araw, parang bula na lang na nawala si Zeid. Hindi man lang ito nagpaalam na aalis na ito sa maliit nitong resort. Oo, hindi na sila. Pero dapat nagpapaalam pa rin ito sa kanya. Hindi siya papayag na sa gano’ng sitwasyon siya iiwan ni Zeid. Siya ang tumatapos sa bawat laro. Dapat matuto itong maghintay kung kelan siya mawawalan ng ganang kausapin ito. Mabuti na lang, alam niya kung saan ito pupuntahan. Nabanggit sa kanya ni Pria kung saan naglalagi ang babae kasama ang boyfriend nito. Nakainuman niya ito nang mag-inarte ito tungkol sa relasyon nito kay Zeus Hawkins. Nagulat pa siya nang mga oras na iyon dahil isang araw lang matapos niya itong sabunutan, naroon na ito at niyayaya siyang uminom na parang close sila. Fuck

