“OKAY ka na ba?” Napatango na lang si Margaux sa tanong na iyon ni Zeid. Kanina pa siya naroon sa opisina nito. Sa opisina ng mismong may-ari ng kompanyang iyon. Si Zeid lang naman ang may-ari ng building na iyon. Si Zeid ang boss ng mga tao roon. Si Zeid ang nagpapasahod sa walanghiyang Erwin na iyon. Pumayag siyang mag-stay roon pansamantala dahil ipinaliwanag niya rin dito ang buong pangyayari. Isa pa, nanginginig ang tuhod niya sa mga ganap. First time niyang nakita si Zeid sa isang fist fight. Hindi niya akalaing gagawin nito iyon para sa kanya. Hindi niya alam pero may kumiliting saya sa kanya nang maisip niya iyon. Zeid risked his reputation just for her. After all, mahalaga pa rin siya sa lalaki. Kagaya pa rin ito ng dating Zeid na kilala niya. Palihim siyang napangiti. “Pase

