CHAPTER 9

3997 Words

“SOMETHING’S wildly running in your head, I guess. You didn’t even notice my existence.” Mula sa nilalarong fountain pen ay nag-angat ng tingin si Zeid sa pinagmulan ng pamilyar na boses. “Para kang walang asawa’t anak kung makadalaw ka rito,” bati niya kay Zeus. “What brings you here, manong?” Umupo ito sa kanto ng table niya. “Wala. I just want to check if you’re still breathing. Balita ko, binili mo talaga `yong resort do’n sa ex-girlfriend mo.” Natawa siya. Hindi niya alam kung sinong nagbalita rito, pero sigurado siyang mabilis talagang kumalat ang mga ganoong usapin. At ayos lang iyon. Mga kapatid niya naman ang nagtatanong sa buhay niya. Sa tagal na hindi niya nakasama ang mga iyon, nunca na sasama ang loob niya dahil lang tanong nang tanong ang mga ito. “I did,” pag-amin niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD