Five years ago... “SAAN naman tayo pupunta?” Napangiti si Margaux sa tanong na iyon ni Zeid. Panglimang tanong na yata ng binata pero hindi niya ito pinapansin. Hila-hila niya lang ito papasok sa loob ng mall. Alam niya naman kasing marami pa itong hanash kapag sinabi niyang gusto niya itong makasamang kumain. Dire-diretso lang sila hanggang sa makarating sila sa harap ng Mang Inasal. “Tara habang hindi pa marami ang tao,” yakad niya rito. Tiningnan siya ni Poseidon. “Wala pang tanghalian ah. Kakain tayo?” Tumango siya at ngumisi. “Oo. Para naman hindi tayo magutom sa paggagala natin. Minsan na nga lang tayo makalabas ng isla eh. Tara na.” “Tara na nga. Basta libre mo ah,” pakli nito bago siya inakbayan hanggang sa loob. “Ako nang o-order,” presinta niya nang makaupo na silang dala

