ISA-ISANG inilalagay ni Margaux sa mga karton ang mga gamit ng resort. Anumang oras ay darating na ang bibili ng lugar na minsang naging pinakamagandang resort sa isla nila. Hindi niya akalaing makikita niya iyon sa ganoong kalagayan. Walang laman. All thanks to her. Ang ipagpapasalamat niya na lang siguro sa mga sandaling iyon ay sigurado na ang buyer na bilhin ang resort sa presyong sinabi niya sa ahenteng nakausap niya. Hindi na ito tumawad. Siguro pulitiko, or artista. Heart Evangelista ang peg. Sa mga gano’n kayaman na tao, wala na lang ang eight million. Ni wala siyang katulong na imisin ang mga kalat. Wala na silang katulong. Wala nang staff ang resort. Nagsara na sila six months ago. Pinahid niya ang luhang tumakas mula sa mga mata niya. Kasalanan niya naman iyon. Ano bang inaar

