CHAPTER 5

2634 Words
Five years later... “SIR Zeid, Mr. Hades Vaughn is looking for you.” Nagulat si Zeid sa narinig. Mula sa pagtingin sa kawalan ay inikot niya ang swivel chair paharap sa sekretarya. “Please let him in. And, remind everyone na no pictures. Please.” Mabilis naman itong tumalima. Paglabas nito ay pumasok din agad ang gago niyang kapatid. Ang sabi nito, hindi raw ito makakauwi sa Pilipinas dahil mas gusto raw ng asawa’t anak nito na mag-Pasko sa Puerto Rico. “Surprise, motherfucker,” nakangising bungad sa kanya ni Hades nang makapasok. Naka-open arms pa ang siraulo. Pabalagbag itong naupo sa couch ng opisina niya. “Gago ka. Sabi mo hindi ka uuwi. Akala ko mag-isa akong magpa-Pasko,” natatawa niyang bati bago tumayo mula sa kinauupuan at saka lumapit dito. He gave him a bro hug. “The world moves on, another drama, drama,” pagkanta ni Hades sa isang bahagi ng lyrics ng kanta ni Taylor Swift. “S’yempre, matitiis ka ba naman namin?” Naupo siya sa harap nito. “Namin?” Hades clapped his hands. Pagkatapos niyon ay bumukas muli ang pinto ng opisina. “I present to you, the god of the sky, the god of all gods, Zeus Hawkins.” Natawa siya nang makita niya si Zeus na tila napipilitan lang gawin ang mga kalokohan ng bunso nilang kapatid. Iiling-iling nitong isinara ang pinto. Napatayo siya at napayakap din dito. “Andito si Manong.” “Stop that crap,” sita ni Zeus. Zeus hated to be called “manong.” Pero hindi rin ito nagpapatawag ng “kuya” kaya paminsan-minsan ay inaasar niya pa rin ito. Naupo silang tatlo. “Bakit hindi n’yo ako sinabihan?” “For what? Para hindi na naman magkandamayaw ang media sa ating tatlo?” nakangising tanong ni Hades. “Ibang klase talaga. `Pag naaalala ko `yang si Marg—” Siniko ito ni Zeus. Napatikhim na lang din siya. “Anyway, s’yempre hindi ka naman pwedeng hayaang mag-Christmas nang mag-isa rito sa `Pinas. Ang tigas kasi ng ulo mo. Sinabi ko nang sa New York ka na lang mag-Christmas,” may bahid na paninisi ni Zeus. Natawa siya. Hindi na gaanong slang ang pagta-Tagalog ni Zeus. Natututo na. Si Hades naman, parang mas lalo pang kumulit. Gano’n ba ang nagagawa ng sobrang kasikatan? Hindi niya alam kung bakit pero masaya siyang makita ulit ang mga kapatid. Last year pa yata nang huli silang magkita-kita dahil busy na sila. Siya, busy na siya sa business niya. Si Zeus, pabalik-balik din sa NY para sa business nito habang ang asawa nitong si Pria ay busy rin sa pagiging artista. Si Hades, katatapos lang din ng world tour para sa latest nitong album. Ang asawa naman nitong si Stacey ay nagsisimula na ring gumawa ng ingay bilang artista sa Hollywood. “Oo nga pala,” may dinukot si Hades mula sa bulsa ng suot na skinny jeans. “Birthday mo na rin pala next week. Bakit naman kasi one week before Christmas ang birthday mo?” Natawa naman si Zeus. “Actually, lahat tayo, December ang birthday. Goddamn that old Hawkins.” Nagkibit-balikat na lang siya nang mabanggit ni Zeus ang ama nila. Hindi niya naman kasi ito nakilala. Ang tanging alaalang iniwan nito sa kanya ay ang lahat ng assets nito. “Natanggap n’yo bang dalawa `yong regalo ko?” Ang tinutukoy niya ay ang ipinadala niyang mga Filipino delicacies sa dalawa. Ginastusan niya nang malaki ang pagpapahanap sa mga magagandang quality ng delicacies na gustung-gusto ng mga ito dahil bihira lang naman sila makatikim ng mula sa Pinoy. At sa kanilang tatlo, siya ang huling magbi-birthday. “Oo. Thanks, bro. Ang sarap,” ani Zeus. “Salamat ah. Basta sigurado kang equal kami nito ni Zeus sa dami. Baka mas dinamihan mo ang kanya,” biro pa ni Hades. Napailing na lang siya. “Oh ito nga,” dagdag ni Hades. “Hindi n’yo na ako pinatapos sa sasabihin ko kanina eh.” “Ano na naman ba `yan?” tanong niya. Ihinagis sa kanya ni Hades ang isang susi. Muntik pa niyang hindi masalo. “Ano `to?” “Susi sa kaharian ko sa ilalim ng lupa.” Natawa si Hades sa sariling joke. “Lamborghini Aventador S Roadster. Regalo ko.” Ihinagis niya pabalik dito ang susi. “`Di ko tatanggapin `yan. May sasakyan pa naman ako.” “Alin? `Yong pickup mong amoy tuna?” Ihinagis ng bunsong kapatid ang susi pabalik sa kanya. “Tanggapin mo `yan. Hindi ako natutuwa `pag hindi tinatanggap `yong regalo ko. Alam ko namang saksakan ka nang kuripot so you won’t buy a car like this. Kaya ako na ang bumili para sa `yo.” Ngumisi siya. Hindi akalain ni Poseidon na kahit iilang taon pa lang silang nagkakasama ay kilalang-kilala na siya ng mga kapatid niya. Sayang at hindi siya nabigyan ng pagkakataong makasabay ang mga itong lumaki. “Salamat. Wala nang bawian ah,” pagtanggap niya habang nilalaro sa kamay ang car keys. “Wow. Nagyabang na naman si superstar,” komento ni Zeus. Pagkatapos ay inilabas nito ang isang kahita. Ihinagis din nito iyon sa kanya. Alam niyang hindi rin basta-basta ang magiging regalo ni Zeus. Seryosong tao ang pinakamatanda niyang kapatid pero hindi ito ang tipong nagpapatalo sa kahit sino, kahit pa sa sariling kapatid. “Ano `to?” nagtatakang tanong niya. “Buksan mo.” Alanganin niyang binuksan ang itim na kahita. Tumambad sa kanya ang isang gold keychain na korteng yate. “`Wag ka nang makikgamit ng yate ni Hades. Hindi na gano’n kaganda sa mata. Mukha nang luma,” mayabang na sabi ni Zeus. “Nasa port na ng factory mo `yong bago mong baby. Tutal wala ka pa ring girlfriend.” “Ang yayabang—este, ang yayaman ng mga kapatid ko ah.” Masaya niyang ibinulsa ang bigay ng mga ito. “Salamat.” “Kaya mo rin namang bumili ng ganyan. Kuripot ka lang talaga.” Natatawang tumayo si Hades. “Tara, gala naman tayong tatlo.” “Sa’n ba?” tanong ni Zeus na ikinagulat niya. Bihira lang pumayag ang mokong. “Graduate na tayo sa mga bar at gimmick, Zeus. Doon tayo sa farm namin sa Batangas. Para hindi naman puro pollution ang nalalanghap nitong si Zeid,” tugon ni Hades bago nagpatiunang lumabas sa opisina niya. “Ikaw lang naman ang mahilig sa bars and girls,” habol pa ni Zeus bago tumayo sa pintuan para hintayin siya. “Saan sa Batangas?” maagap niyang tanong. Zeus gave him a suspicious and mischievous look, na hindi bagay rito. Paminsan-minsan, gumagana rin ang kalokohan sa isip ng kapatid niya. “Where in Batangas do you want to go, then?” nang-aasar na tanong nito. Kinuha niya ang phone at wallet. “Gago ka. Iba na naman `yang iniisip mo.”   “TITO Zeid!” Napangiti si Zeid nang makita ang pamangkin na si Malinoe. Kakapasok niya pa lang sa living room kung saan niya naabutan sina Pria at Stacey. Tumakbo agad palapit sa kanya ang bata nang makita siya nito. He hugged her tightly. For a seven-year old girl ay malaking bulas ito. Mana sa mga magulang. “Meli, stop bugging Tito Zeid. Doon ka muna sa room mo. Pasama ka kay Yaya Ida,” pukaw ni Stacey sa anak. Tumayo ito mula sa prenteng pagkakaupo at saka siya niyakap. “Glad you’re here.” Si Pria naman ang lumapit at humalik sa pisngi. “Hello, Zeid. How’s your business going?” “Nako, kinidnap lang namin `yan sa opisina niya,” sabad ni Hades na nakapasok na rin pala. Iniwan niya ito kanina sa labas dahil kakausapin pa raw nito ang guard. Humalik ito kay Stacey. Pumasok na rin si Zeus bitbit ang mga nabili nilang groceries mula sa nadaanan nilang supermarket. Hindi niya akalaing makakasama niya ang mga kapatid sa ganoong gawain na hindi naman usually ginagawa ng lalaki. Kunsabagay. Kumakain din naman ang mga lalaki. Anong masama sa pamimili ng commodities? “Hello there, gorgeous,” bati ni Zeus sa asawang si Pria kasunod ng isang malutong na halik. “Uwi na lang kaya ako? `Wag n’yo namang ipamukha sa `king single ako,” sita niya bago naupo sa sofa. Inayos niya pa ang pagkakatupi ng longsleeve niya. Ilang taon na siyang nagsusuot ng gano’n pero paminsan-minsan ay naiinis pa rin siya sa discomfort na ibinibigay niyon. Mas gusto niya pang mag-hubad baro na lang palagi. Natawa ang mga ito. Ayos `tong mga kapatid niya. Ang gaganda ng mga napangasawa. Samantalang siya, olats. Wala rin naman kasi siyang planong makipag-date at mangharot ng kung sinu-sino. Hindi na siya gaya ng dati na matinik sa chicks. Iyong tipong pakikitaan niya ng motibo pero hindi niya naman liligawan. Wala lang. Thrill lang. Inilibot niya na lang ang paningin sa paligid. Gano’n pa rin ang villa nina Stacey at Hades. Walang ipinagbago, maliban sa puno na ang paligid ng Chritmas decoration. Kung naabutan lang sana ng nanay niya ang lahat. Kung naiparamdam man lang sana niya ang kahit kaunting ginhawa na hindi man lang nito naranasan. He secretly sighed. “Bakit ba kasi ayaw mo pang mag-girlfriend?” tanong ni Stacey. Si Zeus ang sumalo. “Well, it’s okay. Hindi naman nagmamadali `yang si Zeid.” “Well, at least date someone. Para sa susunod, may kausap na kami ni Stace dito,” ani Pria. “`Di ba, Stace?” “Yas,” mabilis na sagot ni Stacey. “Just make sure na mabait. `Yong hindi kami paandaran ng attitude because we’re more maldita.” Tumango si Pria. “Exactly. I don’t want someone to grab my hair again. `Yoong may class sana. If you want, ipapakilala kita sa mga beauty queen friends ko.” “Ibinubugaw n’yo na `ko,” komento niya. Natatawa siyang naiiling. Nakakatawa na lang balikan ang mga nangyari noon. Hindi niya akalaing lilipas nang gano’n kabilis ang panahon. “`Di ko alam mga type niyan ni Zeid kaya wala rin akong mai-recommend eh. Pwede ko `yang dalhin sa Hollywood kahit isang linggo. Pagbalik niyan, sigurado lima na ang naghahabol sa kanya,” sabad ni Hades. “Anyway, maiba ako. Nakausap ko si Manong Bert kanina. May naikwento siya about sa ibinebentang resort sa isla nila.” Kumunot ang noo niya nang marinig ang salitang “isla.” Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging interesado. “Anong resort?” tanong niya. Tila nag-isip ang bunsong kapatid. “Teka... ano nga ba `yon? Surface Interval ata `yon. What do you think, peepz? Would it be a good idea to buy another resort and buy that? According to manong, it’s accessible and once a gigantic resort. Until the owner passed away three years ago and the owner’s daughters failed to managed the resort.” Natahimik siya. Hindi niya alam ang sasabihin niya. What the f**k. Nagkatinginan naman sina Zeus at Pria. Halatang nagulat pero alam niya kung bakit. Pagkatapos ay napatingin sa kanya ang dalawa. Alam niya ang iniisip ng mga ito. “Hey,” pukaw ni Hades na tila hindi alam ang mga sinabi. Hindi niya masisisi ang kapatid. Hindi naman ito kasama ni Zeus nang makilala niya ang panganay nilang kapatid. Sa pagkakatanda niya ay wala sa Pilipinas si Hades nang mga panahong iyon. Binulungan ni Pria si Stacey. Pipi naman itong napa-“Ooooh” at saka pinalo ang binti ng asawa. Tang ina. Normal na talaga sa mga babae—anuman ang estado sa lipunan—ang mangtsismis paminsan-minsan. “Let me talk to the owner of Surface Interval. Ibalato mo na lang sa `kin `to, Hades,” seryoso niyang pakisuyo kay Hades. “May alam ba kayo na hindi ko alam?” “Pamilya ni Margaux ang may-ari ng resort na `yon,” diretsong sagot ni Zeus. Napakamot sa ulo si Hades. “Oh, shit.”   NAPANGITI si Margaux nang makita si Margarette. Hindi niya alam kung bakit pero parang mas lalong gumanda ang kapatid niya nang makita niya itong nakasuot ng puting damit habang naglalakad sa harap ng altar. Nang makita siya nito ay napangiti ito pero sinenyasan siya. Napatango na lang siya. Nauna na siyang lumabas hanggang sa bandang hardin. Naupo siya. Tinitigan niya ang mga bulaklak ngunit wala roon ang atensyon niya. She sighed. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin niya lubos na napapatawad ang sarili at ang mundo sa mga nangyari. Parang kahapon lang ang lahat. Nahihiya pa rin siya sa mga kagagahan niya. Nasasaktan pa rin siya sa mga sikretong nalaman niya. Natatangahan pa rin siya sa sarili niya. “Mommy,” bulong niya habang tinitingnan ang paruparong lumilipad-lipad sa paligid. “I’m sorry for ruining our family’s reputation.” “I’m sure mom has forgiven you already.” Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Margarette sa wooden bench na inuupuan niya. Nilingon niya ito. “Napadalaw ka yata?” tanong sa kanya ng kapatid. Napayuko siya. “Wala eh. Nalulungkot ako. Wala na akong kasama sa bahay. Wala na rin akong kapatid na lagi kong inaaway noon.” Natawa sila pareho. “Ang laki na ng ipinagbago mo,” nakangiting sabi sa kanya ni Margarette. “Ikaw rin,” tugon niya. “Isipin mo, hindi ko talaga lubos akalaing magmamadre ka.” Inayos nito ang laylayan ng damit. “Ako rin. Pero gano’n pala talaga kapag kusa mo nang naramdaman ang calling mo.” Tumingin siya sa kalangitan. “Mag-madre na lang din kaya ako?” “Ano ka ba,” kontra agad nito. “Hindi por que malungkot ka eh magmamadre ka na. Hindi naman takbuhan itong kumbento ng mga sawi ang puso at pagkatao. Ang kailangan mo, patawarin `yong sarili mo, ate. `Tapos, hanapin mo kung ano ba talagang gusto mo.” She sighed. What had happened to to her life? Ano na nga pala ang magiging plano niya? Ano na ang magiging next step niya? Paano niya aayusin `yong sarili niya? Hindi niya pa rin alam. Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan nilang magkapatid. Iyon lang din naman ang kailangan niya. Kailangan niya lang ng makakatabi sa pagtulala sa kawalan. Hindi niya akalain na gano’n ang mangyayari sa buhay niya. Naputol ang pag-iisip niya nang mag-ring ang phone niya. Napilitan siyang kunin iyon para hindi na rin gumawa ng ingay sa tahimik na lugar na iyon. Nakakaloka. Binibiro niya lang talaga si Margarette na gusto niyang magmadre. Hindi yata siya tatagal sa ganoong lugar. “Hello?” Napasulyap siya sa kapatid na nakatingin lang din sa kanya habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng tumawag. Ilang beses lang siyang nagsalita at pagkatapos ay nagpaalam na ito. “Thank you, ma’am. I’ll see your boss tomorrow,” paalam niya. “Bye.” She sighed. Ibinalik niya sa bag ang phone. “Ayan, may interesado na raw na bilhin ang resort,” deklara niya dahil alam niyang hindi usisera si Margarette at hindi ito magtatanong hangga’t hindi niya sinasabi. “Sigurado ka na?” Margarette asked. Nagkibit-balikat siya. “Wala naman nang ibang paraan. Anong gagawin ko do’n? Hahayaang maging haunted place? Hati tayo sa pagbebentahan.” Mabilis itong umiling. “Hindi ko na kailangan ng kahit anong materyal na bagay, Ate Margaux. Mag-donate ka na lang siguro sa simbahan at dito sa kumbento. O magpa-feeding program sa mga mahihirap. Iyon na lang siguro ang mahihiling ko.” “Margarette.” Nginitian niya ang kapatid. Ngiting hindi naman umabot sa mga mata niya. “Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ka na sa loob ng kumbento. I’m sorry sa lahat ng pagkukulang ko bilang nakatatandang kapatid. Sorry kung nakita kita as karibal ko sa lahat. Sorry. Sorry talaga.” Her younger sister smiled. Iyon naman ang laging tugon nito sa lahat. Ngiti. Bagay na kinaiinggitan niya nang husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD