FOURTEEN

1066 Words
SERAPHIM POV NAKATUTOK ang tingin ko sa monitor kahit may apat na matang kanina pa nakamasid sakin. Napabuntong hininga ako. Tsk tsk. "What do you both want from me?" slightly annoyed. Lumapit si Oriel at Azrael sakin. "Bakit mo ginawa 'yon?!" sumbat ni Oriel na pang-FAMAS ang actingan. "Explain yourself–" dugtong naman ni Azrael. Ano bang pinagsasabi ng dalawang 'to? Ano bang mali sa ginawa ko? Nalukot ang noo ko. "Explain what?" Binuhat ni Azrael si Oriel, paupo sa office table ko. Tumaas ang kilay ko at sumandal sa swivel chair na kinauupuan ko. "Niligtas mo ang mababang uri na babaeng 'yon !" duro ni Oriel. Pinagsiklop ko ang mga braso sa may dibdib ko at matalim na tinignan si Oriel. "She's my wife, FYI–" "Precisely my point ! Sa dami ng babaeng pinakasalan mo. Lahat sila natakot sayo at nagpakamatáy, pero ni isa... sa kanila.. wala kang pinigilan o tinulungan man lang. So, bakit mo niligtas ang babaeng 'yon?" "Her name is Isay." "Oo nga. Babae siya, alam ko." Napailing ako. Tumingin ako sa gawi ni Azrael. Seryoso ang mukha nito nakatitig sakin. "And as for you—I don't have to explain anything to you... or to any of you. Get out," matalim kong sabi. Umiling-iling si Oriel. "Wag mong kakalimutan kung sino ka, Phim. At kung anong totoong pakay mo. Tandaan mo, hindi ang babaeng iyon si LiLith. Ano na lang ang mangyayari kung biglang dumating si LiLith? Patayín mo na ang babaeng–" "Don’t you dare order me around, Oriel! You aren't the one who tells me what to do, and you certainly don't command me to kíll my own wife. No. You better remember exactly who you’re talking to," malakas at madiin kong sabi. "And if LiLith does show up, don't worry. I know what I have to do," nagkulay pula ang aking mga mata at madilim na tinignan ang dalawa. Bumaha ng takot sa mukha ni Oriel. Ito na mismo ang kusang tumalon pababa sa office table ko. Sumunod naman si Azrael na umalis at wala ng ibang sinabi pa. Napaisip ako. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kukote ko kung bakit ko nagawang iligtas si Isay. Sa pagkakaalam ko, tatlong beses nitong tinawag ang pangalan ko. Yeah, narinig ko. May kung anong mabigat sa dibdib ko na parang bumara. Kaya mabilis kong iniligtas si Isay bago pa ito mahulog sa tulay. Napailing ako. Nang makita ako ni Isay sa underground, naramdaman ko ang presensiya nito, narinig ko ang mahinang pagtawag nito sa pangalan ko... kung para sa iba, simpleng bulong 'yon pero para sakin, malakas kong naririnig ang boses ng dalaga. Kahit nasaan lugar pa ito maririnig at maririnig ko ito. Ramdam ko ang namuong takot sa damdamin nito. Natatakot na ba ito sakin? Pero bakit ? Anong ikinatakot nito, anong dahilan? para mapatakbo ito at tuluyang magdesisyon humiwalay sakin? Pumayag ako sa nais ng dalaga subalit hindi na maaalis ang bigkís na nag uugnay sa kanilang dalawa ni Isay. Kasal ito sakin, kasal sila.. ang tanging paraan upang mawala ang bigkís ay kung mamamátay ang isa sa kanila. Dahil nawalan na ko sa focus magtrabaho, kahit panay check at pirma lang naman ang trabaho ko. Mabilis akong tumayo upang puntahan si Isay. Iniwan ko lang kasi itong mahimbing na natutulog kanina sa lumang bahay ng pamilya nito. Hanggang ngayon, tinuturing pa rin pamilya ni Isay ang mga sampid na mag iina na yon. Mabait ba masyado si Isay o sadyang tanga lang to? Tinawagan ko ang sekretarya ko. "Uuwi na ako. Pagod na ako." "Sige po, Boss Phim. Ingat po kayo–" ----- THIRD POV ---- NASA elevator na sina Azrael at Oriel. Tumingala si Oriel kay Azrael sabay duro gamit ang gitnang daliri nito. "Hoy ikaw– bakit ka pa nag elevator kung pwede ka naman mag-teleport?" sikmat ni Oriel. "Timang–" Umuklo si Azrael at ngumisi. "Telepórt? Hindi ako mutánt. Anghel ngani. Tsk ! At saka– kung di ako sasama sayo rito, sige nga.. paano mo mapipindot yon mga button?" pang aasar na sabi ni Azrael. Sa loob ng bulsa ni Oriel, inilabas nito ang isang stick na kasing haba ng sigarilyo sabay hila... at humaba iyon na lagpas sa height nito. "May stick akong dala, Anghel na hambóg !" sigaw nito. Malakas na tumawa si Azrael na napahawak pa sa tiyan. "Idiót–" bulong ni Oriel na busangot na ang mukha. "Di ko kasi akalain na may dala kang ganyan. Anyway– balik tayo sa topic. Tutal, binanggit mo na rin na nakakapag-teleport ako, iiwanan na kita. Adios!" "Teka– san ka pupunta?" "Uhm, kay Isay?" Umingos si Oriel. "Masyado kayong nahuhumaling sa babaeng 'yon. Hindi siya healthy para kay Seraphim." Nagkibit balikat lang si Azrael. "Alam ko at wala akong pakialam kung healthy siya o hindi para kay Seraphim. Interesado akong malaman kung hanggang saan ang mga pagbabagong nakikita ko kay Seraphim." "Paano kung dumating si LiLith? Alam mong hindi papalagpasin ni LiLith si Isay." "Iyon ang exciting part na inaabangan ko– kaya kung ako sayo, go with the flow ka na lang. Kaya 'di ka pinalad na tumangkad, mataas na masyado tingin mo sa sarili mo. Hayaan mo lang si Seraphim sa mga balak niya." Hindi na nakasagot pa si Oriel dahil nawala na lang parang bula si Azrael. Napapadyak na lang si Oriel sa inis. "Napakahambóg ! Ako mataas ang tingin sa sarili? Malamang ! Sino pa ba ang pupurí sakin kun'di sarili ko lang ! Tsk–" Bumalik sa isip ang unang babae sa buhay ni Seraphim. Alam niyang mahal na mahal nito si LiLith. Subalit, delikadong babae si LiLith, tiyak na hindi nito magugustuhan si Isay bilang asawa ngayon ni Seraphim. Tsk ! Huminto ang elevator sa Parking Lot ng building. At ganon na lamang ang gilalas ni Oriel dahil sa babaeng nakatayo sa tapat ng elevator. Napaawang ang mga labi nito at napatulala. Pakiramdam ni Oriel, nag slowmo ang paligid. Yumuko ang babae at nagtama ang kanilang mga mata. Ito na nga ba ang sinasabi ko... "L-LiLith ?" Ngumis ang babae saka nagkulay pula ang dalawang mga mata nito, kasing kulay ng pulang dugo. "How are you my dearest brother in law?" Literal na tumayo ang mga balahibo ko sa balat lalo na sa batok. In the flesh... ang babaeng matagal ng inaantay ni Seraphim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD