bc

Seraphim Morningstar 'Holy Man'

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
badboy
city
mythology
addiction
like
intro-logo
Blurb

Seraphim 'Sera' Morningstar is a fiery and highest-ranking angel in all religions. He is the Guardians of God's throne, embodying divine love, light, and holiness. However, he was banished to earth due to his stubbornness. Will he ever be able to return or will he remain in the human world because of a forbidden love?

chap-preview
Free preview
ONE
JESUSA POV "NASAAN SI MRS. HIDALGO?!" Nagulantang ako sa malakas na bulyaw ng isang maskuladong lalaki na nakasuot ng shades, kahit alas-siete na ng gabi, balbas-sarado ang mukha at sa hilatsa pa lang ng pagmumukha ay certified durugista na ang datingan. "Nasaan si Mrs. Hidalgo?!" inulit pa, with matching talsik laway pa. Tsk ! Maluwag kong binuksan ang pinto sabay punas sa tumalsik na laway sa kanang pisngi niya. "Ma ! este-- Anteee ! May naghahanap po sa'yo." Lumingon pa ko banda sa kusina namin. Napaigtad na lang ako ng biglang pumasok ang maskuladong lalaki at hindi pala ito nag iisa.. may mga kasama ito. Hmm, parang eight sila. "Pasok po kayo kahit--" nahinto ako sa pagsasalita ng bumunot ang mga kalalakihan ng mga baril. Mula sa salas nagtilian ang dalawang step-sister niya, Si Marilou at Cherilou. Anak ni Papa, kay Ante Malou. Humahangos na tumakbo si Ante Malou palapit kina Marilou at Cherilou saka takot na takot na yinapos ang mga ito. Ano bang nangyayari? kamag-anak ba ang mga ito ni Ante? Nanlaki ang mga mata ni Ante Malou at nag-hysterical na umiiyak na sina Marilou at Cherilou. "Parang awa nyo na ! Bigyan nyo pa ako ng konti palugit pa, makakabayad din ako kay Boss Phim," nangangatal ang mga labi ni Ante Malou habang nakikiusap sa mga armadong lalaki. Nanatili lang ako sa gilid ng pinto, hawak ko pa rin ang doorknob. Nasa point ako ngayon ng buhay ko na kailangan kong mamili. Una, ang tumakbo nang mabilis palabas ng pinto at humingi ng saklolo sa kapitbahay namin PWD, pipi kasi si Mang Domeng. Pangalawa, stay quiet lang ako mukha naman 'di nila ako napapansin. Hmm, siguro sa pangalawa na lang ang pipiliin ko. Mas safe ! Napaigik si Ante Malou nang walang habas itong sinikmuraan sa tiyan ng isa sa mga kasama ng maskuladong lalaki. Napaluhod si Ante, napangiwi ako. Aray! "Palugit? sobra-sobra ka na sa palugit !" sigaw ni Taguro kay Ante Malou at tinutukan ito ng baril sa ulo. "Kung pasabugin ko kaya bungo mo, para matapos na 'to." "P-Pakiusap.. pangko. Magbabayad ako. Inaantay ko lang ang perang makukuha ko sa namatay kong asawa," umiiyak na sambit ni Ante Malou, pinagsiklop pa ang mga palad at lumuhod. "Kakausapin ko si Boss Phim, basta 'wag nyo lang sasaktan ang mga anak ko," hinagpis pa ni Ante na basang basa ang mukha sa pawis at luha habang nakayakap sina Marilou at Cherilou sa likod. Umingos ang lalaking, hawig ni Taguro. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. "Boss Phim, wala pa rin pera si Mrs. Hidalgo. Anong gagawin namin sa mga 'to?" "Kill them--" rinig nila na sagot ng Boss Phim. Naka-loudspeaker kaya rinig na rinig. Doon ako nakaramdam ng takot para kina Ante Malou, Marilou at Cherilou. Alam kong 'di kagandahan ang mga ugali ng mga ito sa kanya ay tinuring ko pa rin ang mga ito na kapamilya. Buhat kasi na mamatay si Mama dahil sa natinik ito sa lalamunan at hindi nakahinga, wala pang isang taon ay nag-asawa muli si Papa. Dumating sa buhay nila si Ante Malou kasama ang dalawang anak nito na sina Marilou at Cherilou. Mas matanda nga lang ako ng limang taon sa mga ito, 25 years old na ako, si Marilou, 20 years old at si Cherilou naman ay 19 years old. Buong akala ko makakasundo ko sila subalit mali pa ako, mabait lang ang mga ito sa'kin pag nasa paligid si Papa, pero pag wala, nagiging katulong ako sa sarili kong pamamahay. Kaya labis ang lungkot ko ng pati si Papa ay kinuha na ni Lord, dahil na aksidente ito sa daan, dinampot kasi ni Papa ang isang kawawang kuting sa kalsada, madilim ang daan kaya 'di napansin ni Papa ang isang siklista, padaan din. Natumba pareho, nabitawan ni Papa ang kuting.. tumakbo, hinabol ni Papa.. ayon nabundol si Papa ng itim na kotse. Bumalik ang atensiyon ko kina Ante Malou. "Sige, Boss Phim. Masusunod." Kumasa ng baril si Taguro at walang pag aalinlangan tinutok iyon sa noo ni Ante Malou. "Maawa ka, Boss Phim ! Wag ang mga anak kong babae--! Ako na lang ang patayin nyo, ako na lang. Nagmamakaawa ako, Boss Phim," nanginginig sa takot na pakiusap ni Ante Malou habang panay pa rin ang palahaw ng iyak. Napahugot ako ng paghinga. Pakiramdam ko nag-slow motion ang paligid, napalunok ako ng laway. Inaabangan na lang ang pagkalabit ni Taguro ng baril na nakatutok sa ulo ni Ante Malou. 1, 2 , 3 , . . . ring, ring ! Natigilan si Taguro. Sinagot ang tawag sa cellphone nito. "Bakit, Boss Phim?" "How many daughters does she have?" Tumaas ang kilay ko. Bakit tinatanong? Plano ba ng Boss Phim na 'yon na mga anak na lang ang singilin? Nagsalita si Taguro. "Ilan ang anak mo babae, sagot ?!" bulyaw kay Ante Malou. Nag-angat ng ulo si Ante Malou. Bakas sa mukha nito ang pagtataka at pag aalinlangan sumagot. "Take one of her daughters as payment for her debt," narinig ko pa dugtong na sabi ng Boss Phim dahil naka-loudspeaker nga ang cellphone. Nagulat ako pati si Ante Malou, dahil sa narinig. Impit naman napatili sina Marilou at Cherilou sa labis na kaba at takot. Tsk kawawa naman sila. Subalit, lumipad ang tingin ni Ante Malou sa gawi niya. Kakaiba ang tinginan ni Ante sa kanya, napakurap-kurap ako. Bakit nakatingin sakin si Ante? Ako na lang ba ang sasagot sa tanong? "T-Tatlo... Tatlo, ang anak kong babae," nauutal na sambit ni Ante sabay turo sa kanya. "–siya ang panganay kong babae." Na-touch naman ako sa sinabi ni Ante Malou. Hindi ko akalain na anak rin pala ang turing nito sakin. Nakakatuwa naman. Lumapad ang ngiti ko at tinaas ang kamay. "Yes po, ako po ang panganay." Napasinghap ako ng may dalawang lalaki ang humawak sa magkabilaang braso ko. Ngumisi si Taguro nang hagurin ako ng tingin nito mula ulo hanggang paa. "Kung ganoon, ikaw ang isasama namin." Humarap ito muli kay Ante Malou. "Anak mo ang gustong kabayaran ni Boss Phim, wala ka ng magagawa pa kun'di ang sumang-ayon." "As.. in.. lahat ng pagkakautang ko bayad na oras na pumayag ako kunin ni Boss Phim ang anak ko?" naniniguradong wika ni Ante. Tumango tango si Taguro. "S-Sige, p-payag ako." Wait– payag si Ante Malou na kunin ako ng mga lalaking 'to para ibigay sa Boss Phim na 'yon? "An–te ?" Sumulyap sakin si Ante Malou. "P-Pasensyahan mo na si Mama... a-anak, pero kailangan kitang ibigay. Alang-ala sa mga nakakabatang kapatid mo...m-mahal na.. m-mahal ka ni Mama," lumuluhang wika ni Ante sakin. Naiyak na rin ako at tumango. Mahal ako ni Ante Malou ... ni Mama Malou. Tinawag niya ako anak... huhuhu. "Sige po, ako na lang po ang kunin nyo. Huwag na ang mga kapatid ko," matapang na sabi ko. "Mama... ako na po–" Hindi na ko pinagsalita pa dahil kinaladkad na ako ng dalawang lalaki at isinakay sa isang itim na Van. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin o anong gagawin sakin. Hindi na 'yon mahalaga, ang importante, nailigtas ko ang buhay nila Mama Malou, Marilou at Cherilou. ——— Third POV ——— Nakahinga na ng maluwag si Malou pagkaalis ng mga tauhan ni Boss Phim. "Ma, sino ba ang mga 'yon? Di na ba sila babalik, natatakot ako–" saad ni Cherilou. Umiling si Malou at ngumisi sabay punas ng basang pisngi. "Hindi na. Tara na, ayusin nyo na mga gamit nyo aalis na tayo rito." "P-Paano si Isay, Ma?" tanong ni Marilou. Umingos si Malou. "Buti na lang, Boba ang babaeng 'yon. Nauto ko. Siya na ang ginawa kong pambayad sa mga utang ko." "Ano bang gagawin nila kay Isay?" si Cherilou. Tumayo na si Malou. "Malay ko ! Wala akong pakialam kung anong gawin nila kay Isay. Ang mahalaga, hindi kayo napahamak." Naghanap agad ng malaking bag si Malou at hinagis 'yon sa mga anak. "Kunin nyo na mga gamit nyo at aalis na tayo !" "Saan ba tayo pupunta, Ma?" si Marilou sabay dampot sa bag. "Sa Malaysia. Sa kaibigan ko," nakangising turan ni Malou. Natuwa naman ang dalawang anak nito. Lingin kasi sa kaalaman, nakuha na ni Malou ang perang inaasahan nya sa insurance at death claim benefits sa namatay na asawa. Tinago lang niya iyon para sa binabalak na pag alis ng bansa. To be continued ....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

Daddy Granpa

read
283.1K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook