JESUSA POV
NANG maalis na ang nakapiring sakin mga mata, ginala ko kaagad ang aking paningin. Isang malaking mansiyon na mayroon malaki, malapad at marangyang hagdanan.
Kumikinang ang barandilya na parang gawa sa diyamante. Ay hindi ! Gawa nga talaga sa diamond ang handrail ng hagdanan. Whoa ang angas !
Tumingala pa ko. Lumuwa ang mata ko dahil sa napakagandang aranya na nakasabit sa magandang kisame. Napakaliwanag, napakagarbo, wala akong itulak-kabigin sa ganda. Rich na rich ang datingan !
"Luhod !"
Nawala ako sa pagmumuni-muni. Napaluhod ako, habang hawak pa rin ng dalawang lalaki ang magkabilang braso niya. Mukha ba ko tatakas? Ba't ayaw pa ko bitawan ng mga 'to?
Ilan sandali pa ay nakarinig sila ng yabag, nabaling ang atensiyon nila lahat sa itaas ng marangyang hagdan. Napakurap-kurap ako. Natameme ako sa taong naglalakad pababa.
Nahigit ko ang aking paghinga. Isang ... pandak na lalaki ang hirap na hirap sa pagbaba ng hagdanan. Hala, sige– ginusto mo 'yan ganyan design na hagdan e. Kahawig nito si Dagul sa Goin Bulilit. Teka – ito ba si Boss Phim?
Nakasuot ito ng polong itim at maong na baby pants with matching black leather shoes. Ah confirmed ! Ito nga marahil si Boss Phim, tsk !
"Ikaw ba si Boss Phim?" tanong ko nang makalapit sa kanya si Dagul ... este, Boss Phim pala.
Imbes sagutin ang tanong ko, sinampal ako ni Boss Phim gamit ang maliliit nitong kamay. Nakaluhod kasi ako kaya ang lakas ng loob manampal. Tsk !
"Hoy, tao ! Wala kang karapatang magtanong. At saka – nagkakamali ka. Hindi ako si Boss Phim, kapatid nya ko. Bastos ! Walang modong, tao!" malakas na bulyaw ni Dagul.
Mali. Hindi pala ito si Boss Phim, kapatid pala. Pero kung magkapatid ito, malamang sa malamang pandak din si Boss Phim, tama?
"Uhm, pasensya na po. Sino po ba kayo? Ano po pala ang dahilan bakit ako dinala rito? Kailangan nyo ba ng karagdagan katulong? Marunong po ako sa lahat... maglaba, magluto, maglinis, magplantsa ng damit, magkabit ng bumbilya at higit sa lahat, masarap akong magtimpla ng kape," nakangiting lintanya ko kay Dagul na seryosong nakamasid lang sa mukha ko.
"Ayoko sa'yo ang daldal mo," tinatamad na sabi ni Dagul. "Patayin nyo na lang 'yan. Walang pakinabang–" akma na ito aalis sa harapan nya ng magsalita ako.
"Dagul, teka–"
Matalim ang tingin humarap ito muli sakin.
"Anong sabi MO ?!"
Napangiwi ako. Naku po! Nadulas ang dila ko–
Tinampal nito uli ang mukha ko. Hindi ko masyado ininda dahil hindi naman masakit parang sinampal lang ako ng baby.
"Hindi Dagul ang pangalan ko, ingratang babae!"
"Sorry na po. Sorry po. Hindi kasi kayo nagpapakilala e–"
"At sino ka para magpakilala ako sayo?! Isa kang mababang uri ng nilalang."
Aray ko naman ! Makalait naman 'to wagas .. akala niya siguro ang perfect niya. Tsk tsk
Magsasalita pa sana ako nang kinuha ni Dagul ang baril ng lalaking nasa tabi ko at tinutok 'yon sa dibdib ko banda.
"Ang dapat sayo ay mamatay !!!"
Mariin akong napapikit nang kalabitin nito ang gatilyo ng baril. Inaantay ko na lang ang pagsirit ng kirot sa dibdib ko subalit wala akong naramdaman.
"Stop that – !"
Dumagundong ang paligid sa lakas ng sigaw na iyon. Napadilat ako ng mga mata. Wala na si Dagul sa harapan ko – ay mali ! Hindi ito nawala bagkus hawak hawak ito ng isang malaking lalaki, parang asong dinampot si Dagul at itinaas gamit ang isang kamay lang.
Napatingala ako sa lalaki. 6'5 marahil ang taas nito, ang aesthetic ng mga mata nito kulay green. Ang labi nito na mapula-pula, ang kutis nito na skin tone ang kulay ay bagay na bagay sa lalaki. Matikas ang pangangatawan nito, kaya naman nakakabato-balani ang angkin kagwapuhan at kakisigan nito.
Literal na .. salong-salo nito nang nagpasabog ang Diyos ng kagwapuhan ! Perfect !
"Magandang gabi, Boss Phim !!" sigaw ng mga lalaki kabilang si Taguro.
Ha? Legit ba? Si Boss Phim ito?
Hindi ito mukhang lider ng gang. Iniisip ko kasi itsura ng Boss Phim ay maraming tattoo sa katawan, may hikaw sa tenga, mukhang sanggano at di papahuli ng buhay ang datingan.
Subalit kabaligtaran pala.. mala-Greek God ang lalaking 'to. Walang panama si Brad Pitt at Tom Cruise rito. Parang modelo ang lalaki, ang gwapo gwapo ! Nakasuot ito ng kulay dark blue na coat na may itim na tshirt na panloob, black pants at brown leather shoes.
"Bakit mo papatayin ang babaeng 'yan ng walang pahintulot ko?" bulyaw nito kay Dagul na nakaangat pa rin sa ere. Hawak hawak ni Boss Phim ang likod ng damit nito.
"Gusto ko lang." Mataray na tugon naman ni Dagul.
Bumuga ng hininga si Boss Phim. "Oriel, you can't kill her."
"Bakit hindi?"
"Because that woman ..." bigkas ni Boss Phim sabay turo sa'kin "That woman will be my wife, from now on."
Nasamid ako sa sarili kong laway, umubo ako ng malakas. Ano raw? Ako? Asawa ?
Humagikgik si Dagul .. ay Oriel pala name nito.
"Nasisiguro kong 'di siya ang babaeng hinahanap mo."
"That's for me to know and you to find out," tugon ni Boss Phim at walang kaabog-abog na binitawan si Oriel.
Plakda ito sa malamig na tiles. Nang humarap si Boss Phim sakin, naramdaman ko ang pag rigodon ng dibdib ko. Lumapit ito sakin, hinawakan ang kaniya baba at bahagyang itinaas upang magkasalubong ang kanilang mga mata.
Pakiramdam ko nalulunod ako sa kakaibang titig nito, 'yon klase ng titig na para bang umaasa, nangungulila at nagsusumamo. Bakit ganito ito makatingin sakin? At bakit parang nahihirapan ako huminga?
"Anong pangalan mo, babae?"
Sa isang iglap, naging matapang at matalim ang mga mata nito. Bakit ganon? Anong nangyari?
"J-Jesusa.."
"Say that again?"
"Uhm, Jesusa po. Isay for short--"
Isang nakakalokong halakhak ang ginawa ni Boss Phim at binitawan ang baba niya.
"Jesus..a? What the fvck ?!" di makapaniwalang sambit ni Boss Phim sabay nagpamulsa at naiiling. "I don't like your name. Yeah, I changed my mind, papatayin na lang kita," ito na ang nagdampot ng baril na hawak kanina ni Oriel at tinutok sa ulo ko.
Tinaas ko kaagad ang dalawang kamay ko. "Teka lang po--- !! Please, ayoko pong mamatay na isang birhen!!"
Bahala na, kung kagatin nito ang dahilan ko. Totoo naman 'yon. Birhen pa ko. Gusto ko pang maranasan magmahal at mahalin.
To be continued .....