THREE

1100 Words
SERAPHIM POV Demonic, Evil, Proud, Revengeful, Merciless, Liar, Heartless... MGA salitang dinidikit sa isang suwail na Anghel na tulad ko. You read it right, Isa akong Anghel. I was considered one of the most beautiful and powerful angels, but my pride led me to rebel against God, resulting in my expulsion from heaven. I can no longer count how many years he has been in this Earth. Pagod na ako magbilang. Hindi na mahalaga iyon, ang tanging mahalaga sakin ay nakukuha ko ang lahat ng naisin ko. Sa mundong ito, natuklasan ko ... pera, kayamanan, limpak-limpak na ginto ang susi upang maging makapangyarihan sa lahat. Kung wala kang kayamanan, wala kang kwentang nilalang. Basura ! Inutil ! Subalit may isa pang dahilan kung bakit nais ko manatili sa mundo. Patuloy akong umaasa sa pagbabalik ng nag iisang babae sa puso't isip ko. Si LiLith. Isa rin Fallen Angel si LiLith, a demoness and a rebellious first wife of Adan. She was created to subservient to Adan, but LiLith refused it so she was cast out from the Garden of Eden and replaced by Eve. At nang umalis si LiLith sa Garden of Eden, saka ko lamang napansin ito. They were both rebellious dreamers and they fell in love to each other. Subalit hindi naging madali ang naging pasasama nila ni LiLith. Parehas silang immortal ni LiLith ngunit napatay ang babae ng isang magaling at makapangyarihan na Anghel gamit ang isang Angelic weaponry. Simula noon inaabangan ko na ang pagbabalik ni LiLith. He's sure that LiLith's soul was linked to a human body. Iyon ang rason ko kung bakit palagi ko hinahanap si LiLith sa lahat ng babaeng nakakasalamuha ko. Umaasa akong makikilala ako ng babae at babalik ito sa piling ko. "Eherm..." Napukaw ang atensiyon ko sa pagtikhim ni Oriel. "At sa tingin mo na ang babaeng dinampot mo na mayroon nakakasuyang pangalan ay si LiLith?" Napabuntong hininga ako sabay hithit ng sigarilyo. "Malaki ang pagkakahawig nila–" "Pero 'di sapat 'yon. Pang ilan asawa mo na 'to, lahat palpak. Lahat ng babaeng dinadala mo rito ay natatakot, nababaliw at nagpapakamatay sa tuwing nalalaman ang tunay mong anyo at katauhan," naiiling na komento ni Oriel. Totoo ang mga sinabi nito. Pang ilan beses na ba ito nagdala ako ng babaeng mapapangasawa? Hindi ko na mabilang. Matapos kasi ang seremonyas ng kasal, ang unang gabi ng pulot-gata ay lumalabas ang tunay kong anyo. At sa bawat babaeng nakakakita ng kaniyang tunay na anyo. Natatakot at nahihindik ang mga ito, na nagiging sanhi ng pagkabaliw at pagpapakamatay ng mga babaeng pinakasalan ko. "Huling huli na 'to..." mahinang sambit ko. "Bahala ka. Hindi ako nagkulang sa pag papaalala sayo, Seraphim." Hindi na ako kumibo. Narinig ko na lamang ang malakas na pagsarado ng pintuan. Bukas na gaganapin ang seremonyas ng kasal, bumalik sa isipan ko ang pangalan ng babaeng nakatakda kong pakasalan. Jesusa? Pagak akong natawa. Sa dinami-dami ng pangalan, kapangalan pa ito ng anak ng Diyos. Isang nakakalokong pagtawa ang lumabas sakin bibig. Sadyang malakas mang-asar ang tadhana. Tsk ! Kinabukasan nakahanda na ang lahat para sa seremonyas ng kasal. Dumating ang babaeng nakagapos ang mga kamay at nakapiring ang mga mata. Nakasuot ito ng black off-shoulder dress at black heels terno sa suot kong black suit. Nakatayo na ito sa tabi ko. Black ang theme ng kasal kaya naka-itim rin ang lahat pati paligid ay madilim. Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa seremonyas. "Baka pwede ng alisin ang piring sa mata ko?" Napatitig ako sa babae. Wala sa tono ng boses nito ang takot o pagkabalisa sa nangyayari bagkus sarkastiko ang pagkakasabi nito. "Mamaya na. Pagtapos ng kasal," sagot ko na hindi lumilingon sa katabi. "Kasal? seryoso ba 'to? Vlogger ka ba? Prank siguro 'to no?" Vlogger ? Prank ? Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae. "Alam mo.. sayang ka. Gwapo ka pa man din pero may pagka- psychopath ka." "Excuse me?!" nanlaki yata ang butas ng ilong ko saka nilingon ang babaeng matabil ang bibig. "Psycopath, ako?" Tumungo ang ulo nito. "Hindi mo naman kailangan mamilit ng babaeng magpapakasal sayo. Marami naman sigurong willing na magpakasal sayo, tutal matangkad ka, mayaman at super gwapo ka pa. In short, na sa'yo na ang lahat." "Pinapangaralan mo ba ako, babae?" "Gumagana ba?" sumilay ang ngiti sa labi nito. Umingos ako. "Hindi. May ibang dahilan ako." "Ano?" "Hindi ko sasabihin sayo." "Ayy ayon lang, ikakasal tayo tapos 'di mo man lang ipapaliwanag kung ano dahilan? Kung sabagay, isa sa mga characteristic ng mga kagaya mo ay kawalan ng tiwala sa ibang tao--" "Hindi ako tao." "Tsk ! lack of humanity. Malala ka na." Naiinis na nakuyom ko ang aking kamay, kung maaari lang sakalin ang babaeng ito ay kanina pa nya ginawa hanggang maging kulay purple ito. Napakadaldal ! Bago pa ko makapagsalita, nagsimula nang lumamig ang buong paligid. Malakas na hangin ang umiikot sa buong paligid hanggang sa lumiwanag ang paligid. Sinuot ko ang shades na nasa bulsa ng suot kong pantalon. Nakakasilaw ang hatid ng liwanag, saka sumulpot si Azrael ang Anghel ng kamatayan. "Welcome my beloved brother," nakangising bati ko sa bagong dating. Nakasuot ito ng itim na cloak. Matiim na tumingin sa gawi ko ang namumulang mata ni Azrael. "Puyat ka, Bro?" "Hindi ka pa ba napapagod, Seraphim? Matagal nang wala si LiLith kaya kalimutan mo na siya !" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Azrael. Nagkibit balikat na lang ako. "Ikasal mo na kami, Azrael." Doon lang napasulyap si Azrael sa babaeng nakapiring na nasa tabi ko. Umiling lang ito at wala ng sinabi pa. Isang ritwal ang ginawa nito at binasbasan ang pag iisang dibdib nila ng babaeng katabi ko. "By the authority of King of Hell, I now pronounce Seraphim Morningstar and Jesusa Hidalgo as husband and wife. May the bloody hell be shed, it should be spilled evenly... let your marriage burn in hell." "Teka, ano raw? Wala akong ma-gets !" Nagulat ako ng biglang naalis ang pagkakapiring sa mga mata ng babae. Luminga-linga ito saka tumutok ang tingin nito kay Azrael. Naningkit ang mga mata ng babae at dinuro si Azrael. "Hoy ikaw, lalaking mukhang kulto. Anong sinasabi mong impyerno?" Gumuhit ang kakaibang ngisi sa labi ni Azrael sabay baling sakin. "She can see me, bro." Para akong tinamaan ng kidlat dahil napagtanto ko na tanging mga kapwa Anghel lamang ang pwedeng makakita kay Azrael. So, malaki ang posibilidad na ang babaeng ito ang matagal ko ng hinihintay. "Malamang, nakikita kita. Hindi ako banlag no' at saka ba't ba wala ilaw? Naputulan kayo ng Meralco?" To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD