FOUR

1066 Words
JESUSA POV ANO bang nangyayari? Kasal kasalan lang ba ang naganap? Tumutok ang paningin ko sa lalaking nakasuot ng itim na cloak. Infairness, magandang lalaki rin ito kagaya ni Boss Phim. Kayumanggi ang kulay nito, kasing itim ng gabi ang mga mata, matangos ang ilong at matangkad, kaya nga lang mukhang lider ng kulto ang lalaki dahil suot nito. Tsk, sayang din ang isang 'to. Gwapo sana kaso lider din ng mga baliw. "Nakikita mo ba siya?" tanong ni Boss Phim. Nalukot ang noo ko. Anong klaseng tanong 'yon? Tumango ako. "Oo naman. Hindi ako bulag para 'di sya makita." Humalakhak ang lalaking naka-cloak. "Interesting ! By the way, I'm Azrael. Angel of Death," pakilala ng lalaki at ngumiti sa kanya. Parang nagkaroon ng sunlight sa paligid ni Azrael ng ngumiti ito. Ang gwapo naman ! Tsk, may sapi nga lang, Angel of Death daw 'to. Hays. Syempre nagkunwari akong 'di nagulat. Kailangan sakyan kasi ang trip ng mga ganitong tao. Magalang na yumuko ako at gumanti ng ngiti. "Kinagagalak kita makilala, Azrael. Sana 'wag mo muna akong ilagay sa listahan mo ah," aniya na ikinatawa uli ng lalaki. Oh 'di ba? hindi sila nao-offend basta sakyan lang ang trip nila. "Ano pang nakikita mo sa kanya? May napapansin ka bang kakaiba sa itsura nya?" tanong uli ni Boss Phim na para bang may nais itong ipunto. Nagtatakang tumingin ako kay Boss Phim saka tumingin kay Azrael. Kakaiba sa itsura? Bukod sa saksakan ng gandang lalaki si Azrael, wala naman ng kakaiba rito. "Ang weird lang ng porma nya–" Tila na disappoint ang mukha ni Boss Phim dahil sa sinagot ko habang panay ang tawa naman ni Azrael. "So, paano ba 'yan mukhang sablay na naman 'to?" nakakalokong sabi ni Azrael kay Boss Phim. Napabuntong hininga na lang si Boss Phim. "Umalis ka na. Nakakasuya ang pagmumukha mo," sumenyas pa ito ng kamay para itaboy si Azrael. "Mas gwapo kasi ako sa'yo kaya inggetero kang demonyo ka," nang aasar na tumawa si Azrael. Nag-goodbye wave muna ito sa kanya bago naglakad palabas. "See you, Miss Jesusa !" Kumaway rin ako hanggang sa narinig kong nagsalita si Boss Phim. "Sumunod ka sa'kin–" utos nito at tinalikuran na ko. Naglakad ito paakyat sa hagdan na ma-ala-stairway to heaven ang atake. "Sandali– !" patakbong habol ko. "So, kasal na tayo? Legit ba?" tanong ko habang nakabuntot rito. "Yes. Any violent reaction?" tugon nito ng hindi lumilingon sakin. "May choice pa ba ko? Pero teka– anong itatawag ko sayo?" ang weird kasi kung Boss Phim pa rin ang itatawag ko 'di ba. "What do you mean?" "Endearment. Mahal, Darling, Pangga, Bebe ko, Uyab ko, Lakay ko... Oh gusto mo, My precious?"ginaya ko ang boses ni Gollum sa pelikulang Lord of the Rings. Hindi man lang natawa si Boss Phim sa biro ko. Hmmp ! "Bahala ka kung anong gusto mo, babae," walang buhay na tugon nito. tsk ! Walang ka-amor amor ang damuho na 'to. Asawa ako pero Babae ang tawag sakin? Well, babae naman talaga ako pero may pangalan ako. Argh ! Sinundan ko si Boss Phim patungo sa itaas ng malaking mansion. Isang mahabang pasilyo ang bubungad pagdating sa ikalawang palapag. Sa dulo ng pasilyo ay may malaking pulang pinto. Oh red door. Tinulak iyon pabukas ni Boss Phim. Napatanga ako sa nabungaran ko. Namumutok sa kulay pula at itim ang buong silid. Ang malaking kama na kulay pula rin na may pausok pa sa ilalim. Humidifier ba 'yon? Kapansin-pansin rin na madilim ang silid. Walang bintana. Tsk ! Subalit napakalamig, napahimas ako sa magkabilang braso ko dahil kumakalat na lamig sa buong katawan ko. "Parang nasa North Pole ang kwarto mo ah--" komento ko na pilit nangingiti. Nakatalikod sakin si Boss Phim kaya hindi niya mawari ang reaksyon nito. Mag-ha-honeymoon na ba kami? Parang nilusob ng kaba ang dibdib ko, wala pa ako karanasan sa mga makamundong bagay ngunit hindi naman ako inosente para 'di malaman kung ano ang gagawin sa honeymoon. Sa isang kisapmata biglang nagtanggal ng damit si Boss Phim. Oh Jesus Christ! Maghuhubo na ito? Gusto kong uminom ng malamig na tubig dahil sa biglang pagtuyot ng lalamunan ko. Naku po, wala ng atrasan ito ! Napasinghap ako ng naalis na ang suot nito pang itaas na damit kasabay ang pagpihit nito paharap sakin. Nakagat ko ang pang ibabang labi. Ang katawan nito .. hmm he was well-tone and perfectly sculptured. Halatang napakatigas ng mga muscles nito, maskuladong maskulado ang datingan. Parang masarap makulong sa yakap nito. Ang hot ! Pakiramdam ko may tumakas na laway sa gilid ng labi ko lalo na nang dahan-dahan hinubad ni Boss Phim ang suot nito pantalon, kasunod ang suot pa nitong boxer short. Napasinghap at napatuptop ako ng bibig. Gwadd, bat ang laki at ang haba? Normal pa ba 'yon? He grinned wickedly. "Are you ready to see the real me?" Sasabihin ko pa sana hindi pa ako handa pero naisip ko, darating din naman sila sa gano'n eksena, ba't pa papatagalin 'di ba? Ready na ako ! Fighting ! Ilan sandali pa ay biglang dumilim lalo ang buong paligid ng silid, hanggang sa kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang unti unting pagbabago ng anyo ni Boss Phim. Nagkaroon ito ng dalawang malalaking sungay sa ulo, malalaki at kulay itim na pakpak, naging kulay itim rin ang buong mukha nito, matutulis at mahahabang mga ngipin at kuko sa kamay pati nagliliyab na mga mata. Malakas na dumagundong ang boses nito sanhi upang tangayin ng lakas ng hangin ang buhok ko. Humugot ako ng malalim na paghinga, sabay ayos sa nagulong buhok. Pinagsiklop ko din ang mga braso saking dibdib at seryosong tumingin kay Boss Phim o Seraphim o kung sino man itong gwapong mukhang demonyo. "So, ito na 'yon lahat?" tinatamad na tanong ko sa kaharap. Napansin ko na tumaas ang kilay nito at sulok ng labi. "Aren't you afraid of me?" Takot? Kinapa ko maigi ang damdamin ko pero wala akong makapang takot sa kaharap. Mas natatakot pa ko sa mangyayari sa'min honeymoon. Paano ba naman hindi ako matatakot .. tumutok ang mga mata ko sa simbolo nito. Maryosepp, lumaki lalo ng husto, baka pag ginamitan ako nito ng sandata, tigbak talaga ako! "Don't tell me, magha-honeymoon tayo ng ganyan ka? OA mo naman ! Lugi ako sa'yo, hindi ako Power Ranger sa past life ko ah !"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD