SERAPHIM POV
ISA sa mga abilidad na mayroon ako.. kayang kong madama, maamoy at makita ang damdamin ng tao lalo na kung natatakot sila. Marahan ako lumapit sa dalaga, matiim na tumitig ako sa mapupungay nitong mga mata. Hmm, kakaiba. Wala akong maamoy na takot sa babaeng 'to.
Umaarte lamang ba ito? Bakit hindi ito natatakot nang makita ang tunay kong anyo? Hindi kagaya ng mga babaeng pinakasalan ko, nahihindik na sa takot ang mga ito.
"Para kang si Hellboy, pero mas gwapo ka. Sure kang skin tone ang balat mo, hindi kulay red?" parang wala sa katinuan wika ng babae.
Umarko ang kilay ko. Sinong Hellboy?
Napaigtad ako nang ito na mismo ang kusang lumapit sa kanya, as in sobrang lapit saka walang takot na hinimas ang braso ko at ang pakpak ko.
"Whoa ! Ang ganda ng wings mo. Uwak ka ba nun past life mo?" nangingiting tanong nito.
"Are you kidding me?"
Hinimas din nito ang sungay ko kaya napaatras ako ng kaunti. Tang'*na ako pa talaga ang nailang?
"So, ano ka nga talaga? Uwak, Toro, bampira , lobo o baliw ?"
Pinukol ko ito ng isang nakakamatay na tingin. "Ginagago mo ba ako, babae?"
Nag-sign of peace ito at napangiwi. "S-Sorry."
Napabuga siya ng malalim na paghinga. Nakahanap nga ako ng babaeng 'di natatakot sa anyo ko pero tanga naman. Tsk !
"Isa akong Anghel."
Akala ko magugulat ito sa sinabi ko, nagkamali ako. Tumitig lang ito ng husto sakin, inikutan pa ko na parang imposible ang sinabi ko. Hanep oh!
Nakita ko ang pagkibot-kibot ng mga labi nito. Hindi ko tuloy maiwasan pagmasdan ang mukha ng babae. Simple lang ang aking kagandahan nito, walang espesyal. Hindi kagaya ng mga naunang babaeng pinakasalan ko, magaganda ang mga ito. Malayong malayo rin ang itsura nito kay LiLith, maganda at sopistikada ang dating ni LiLith samantalang ang babaeng ito ay .. napaka-inosente ng mukha. As in normal lang.
"Parang guardian angel?"
"Hindi."
"Guardian angel ba kita?"
Pinaikot ko ang aking mga mata. "Asa."
Ngumuso ang babae. "Kung Angel ka, may powers ka?"
Naiinis na ko sa mga tanungan ng babaeng'to ! Parang gusto ko nang magsisi kung bakit pinakasalan ko pa ito.
"Oo ! Gawin kitang ipis, gusto mo?!" paasik ko rito.
Pumalatak ito at halatang natuwa pa ang gaga. "Talaga? Wow ! Sample nga--"
Umiling-iling ako. Pinitik ko ang aking mga daliri at sa isang iglap, bumalik na sa normal ang anyo ko. Lumayo ako sa babae at akma tutungo sa malapad kong kama.
"Tatabi ba ako matulog sa'yo, Sera?"
Dagli akong napalingon sa babae. Huh? Tinawag niya akong Sera? Bakit parang tumindig ang balahibo ko? Damang dama ko na parang may gumapang na kilabot sa buong katawan ko.
"Tinawag mo akong Sera, bakit?" pagalit na tanong ko.
"Seraphim ang pangalan mo 'di ba? Pinaikli ko lang.. Sera. Ang dyahe pakinggan 'yon Phim, tunog thai," nakangising paliwanag nito.
Napabuga na lamang ako ng hininga. Hindi ko na lang papansin ang babaeng 'to, mas okay pa. Nahiga na ako sa aking kama, pagkalapat ng aking likod sa malambot na water bed ay mariin pinikit ko ang aking mga mata.
Ilan sandali pa ay naramdaman ko ang paglapit ng babae sa kanya. Lumundo din ang kama kaya napadilat ako. Nakaupo ang babae sa kabilang side ng kama. Nararamdaman ko ang pagkailang nito. Ngumisi ako.
"Naiilang ka, babae?"
"Malamang. Hindi naman ako sanay na may katabing lalaki sa kama tapos hubo't hubad pa," anito na hindi nakatingin sakin.
Wala akong kahit anong saplot sa katawan. Umingos ako. "Masanay ka na dahil asawa na kita. Araw araw at gabi gabi mong makikitang ang hubad kong katawan," sumilay ang aking mala-demonyong ngiti.
"Ang unfair !"
"Unfair ? Maghubad ka rin para patas tayo."
"Ang ibig ko sabihin, ang unfair ng buhay ! Asawa mo na ako kaya maaari mo ng gawin ang kahit anong gusto mo sakin. Araw gabi pa? Gagawin mo akong alipin sa kama mo, inasawa mo ako para maging s3x slave mo," sikmat nito sabay hampas sa kama. "Buong buhay ko palagi na lang akong mukhang kawawa, inaalipin, inaalipusta ! Nakakainis ! Patayin mo na lang kaya ako?"
Tumaas ang kilay ko sa pinagsasabi ng babaeng 'to. Dinadaan ba niya ko sa drama?
"Patayin ka? Paalala ko lang, sabi mo ayaw mong mamatay ng birhen."
"Ayokong mamatay ng isang birhen, pero ayokong maging parausan mo!" singhal nito.
"So, anong gusto mo palabasin?"
Tumikhim muna ito bago lumingon sakin. "Hindi pa ako ready makipagsiping sayo. Okay lang ba bigyan mo ako ng sariling kwarto?"
Tsk ! Kakaibang babae talaga ang nakuha ko.
"Ang sabi mo hindi ka natatakot sakin, hindi ka pa handa kasi takot ka?"
Inismiran ako nito. "Hindi nga sabi ako takot. Look --" tinuro nito ang simbolo ng aking p*********i, kumunot ang noo ko. "-- 'yan halimaw mong talong, diyan ako natatakot ! sa liit kong'to, baka iyan pa ang ikamatay ko. Ma-cardiac arrest ako ng wala sa oras, nakakahiya."
Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko basta malakas na bumunghalit ako ng tawa. Ito ang pangalawang beses na tumawa ako ng ganito kagaan at kasarap sa dibdib. Basta tawang tawa ako sa babaeng ito.
"Tawang tawa ka?" sarkastikong sabat nito.
Pinakalma ko muna ang sarili sa kakatawa. "Isay ang palayaw mo 'di ba?"
"Oo."
"Okay fine, Isay. Pagbibigyan kita."
---------------------- THIRD POV -------------
NAKAUPO sa ibabang dulo ng hagdan si Oriel at Azrael. Hindi pa pala umalis ang Anghel ng kamatayan.
"Usisero ka--" paasik ni Oriel
"Hindi ako usisero, ang tawag sa ginagawa ko.. consciously planning and controlling time spent. Sa madaling salita, time management. Aantayin ko na kung anong mangyayari oras na makita ni Jesusa ang tunay na anyo ni Seraphim, at least kung magpapakamatay siya.. andito na ko, ready ng sunduin sya para isang lakaran na lang," mahabang lintanya ni Azrael na nakangisi.
Kiniling-kiling ni Oriel ang ulo. Nakaupo siya sa mataas na baitang ng hagdan para abot-mata sila si Azrael.
"Pero malakas ang kutob kong.. baka si Jesusa na si LiLith, hindi kaya? Nakikita niya ako malaking factor na 'yon," dugtong pa ni Azrael. Hindi kasi nakikita ng isang normal na tao ang Anghel ng kamatayan, tanging mga celestial Angel lang ang may kakayahan.
"Maaaring ... kaya ka niya nakikita dahil nakatakda na siya mamatay?" seryosong sabi ni Oriel. "Umakyat ka na, sunduin mo na ang babaeng 'yon. Hindi siya LiLith, sigurado ako!"