SIX

1053 Words
JESUSA POV PINAGBIGYAN ako ni Seraphim kaya narito ako ngayon sa magarbong silid na halos walang laman kun'di isang malaking kama at malaking aranya na nakasabit sa kisame. Wow, ang sosyal naka-chandelier ako ! Pabagsak akong nahiga sa kama, tumatakbo sa isipan ko ang mga nangyari kanina lang. Totoong, nakakatakot ang anyo ni Seraphim, gusto ko nga tumakbo na parang nasa amazing race subalit hindi ko nagawa. Bagkus iba ang napansin ko kay Seraphim, hindi ang nakakatakot na anyo nito kun'di ang mga mata nitong nangungusap.. umaasa at nangungulila sa hindi niya malaman na dahilan. Ang sabi sakin ni Tatay, huwag tumingin sa panlabas na anyo sa halip tumingin sa panloob na anyo, sa nilalaman ng puso at pagkatao. So, hindi ako naging judgemental. Sa katunayan, nagandahan ako sa magandang pakpak nito, sa kutis nitong kakaiba at syempre, sa matikas nitong tindig. Humugot ako nang malalim na paghinga saka mariin pinikit ang mga mata. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha habang nakapikit. Kinabukasan, maaga akong bumangon. Tirik na ang haring araw, may bintana kasi ang aking silid. Pagkababa ko na salubong ko si Oriel. Matamis akong ngumiti rito. "Magandang morning ! Nasaan si Sera?" magiliw kong bungad sa nakabusangot na mukha ni Oriel. Tumaas ang kilay nito. "Sera? First name basis na kayo? Bilis a--" "May mali ba don? Mag-asawa naman na kami." "Sa ngayon." Umingos pa ito. "Hmm, bakit mo naman nasabi 'yan?" Umiling iling lang ang kausap. "Wag mo ko kausapin. Naroon siya sa komedor, nag a-almusal na," anito saka tinalikuran na ako. Nagkibit balikat na lamang ako. Hindi naman ako nahirapan tuntunin ang komedor, nakita ko agad si Seraphim na nakaupo sa isang napaka-habang hapag-kainan. As in sobrang haba, doble pa sa haba ng isang jeep. Naupo ako sa nag-iisang bakanteng upuan, sa pinaka-dulo ng hapag-kainan. Kumbaga, dulo dulo ang pagitan nilang dalawa ni Seraphim. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nito. Sumulyap naman ito sakin. "G-Good morning-- bawal ba makipag-tsismisan habang kumakain kaya ganito kahaba ang lamesa? o marami kang kamag-anak?" nakangiting turan ko. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. "Hindi ako sanay na kumakain ng may katabi o kasabay." "Ahh, gano'n ba. Okay," patay malisyang sabi ko saka walang kiber na kumuha na ng mga pagkain nakahatag sa harapan ko. Kung iniisip nito, maiilang ako at aalis, nagkakamali ito. Magbiro na ito sa lasing, 'wag lang sa gutom na bagong gising. Hmp! Mayamaya ay napansin kong tumayo na ito at akmang aalis. Kumagat muna ako sa malaking hita ng manok bago ako nagmamadaling sumunod sa asawa. "T-Teka -- teka lang, Sera," lakad takbo para pigilan ito ngunit dire-diretso itong lumabas sa komedor. "Sabi ng teka !!" singhal ko rito, huminto ito at bumundol ako sa malapad na likuran nito. "Ano bang kailangan mo?" "S-Saan ka pupunta, Sera?" kapagkuwa'y tanong ko. Tumitig ito sakin. "Sasama ka?" Walang inhibisyon tumango ako. Wala rin naman akong gagawin iba. Maiinip lang ako rito sa malaking bahay na wala naman WIFI. Wala rin pala akong nadalang cellphone. Paano ko kaya makokontak sina Mama Malou para ipaalam ang kalagayan ko? "Gusto kong sumama. Tutal, maiinip lang ako rito sa bahay mo. At saka, bagong kasal tayo-- dapat lang na magkasama tayo palagi." "E 'di sumama ka." Bumalatay ang tuwa saking mukha dahil sa pagpayag ni Seraphim. MAY-ARI pala ng isang malaking telecompany si Seraphim. Dinala ako nito sa isang malaki at napakataas na building. "Sayo lahat 'to, Sera?" manghang tanong ko habang nakasunod na naglalakad kay Sera. "Wag kang magulo. Hindi ito playground," seryosong saad nito na hindi ko nakikita ang mukha dahil nasa likod ito. "Oo naman alam ko. Bata ba ako para maglaro, alam ko– Wow ! May fountain na malaki ohh!," naputol ang sinasabi ko sabay turo sa malaking fountain sa gitna ng lobby. "Ang ganda." "Bilisan mo ang paglalakad, Isay !" Napaigtad ako. "Yes, Asawa ko." Napahinto sa paglalakad si Seraphim, sakto nasa executive elevator na sila nakatapat. Humarap ito sa kanya, madilim ang mukha. Parang badtrip. "Don't call me that–" madiin na sabi nito. Napanguso ako at nagtatakang tumingin kay Sera. "Bakit? Asawa naman talaga kita ah. Masama ba 'yon?" Lumingon lingon ako sa paligid. "May babae ka rito sa work mo noh kaya ayaw mong malaman nila. Ayaw mong tawagin kitang 'Asawa ko' dahil kakalat sa buong building na asawa mo ko. Hindi ka proud–" naputol ang pag-da-drama ko kasi nasa loob na ng elevator si Sera at akmang sasara na iyon kaya nagmamadali akong sumunod rito. "Grabe ka ! Balak mo pa akong iwan !" maktol ko sabay duro rito. "Ang daldal mo kasi–" Inirapan ko na lang ito. Marahil tama nga siguro ang hinala ko. May babae ang asawa ko dito sa trabaho. Hmp ! Ano bang dapat gawin sa mga ganitong bagay? May napanuod ako palabas tungkol sa pagtataksil ng lalaki sa asawa nitong babae. Sinugod ng legal wife 'yon kiridang babae. "Wala akong kabit. Kaya ikalma mo utak mo." Blanko ang mukhang sabi ni Seraphim. Nakakabasa rin ba ito ng isip? Akala ko ba Anghel to? Di kaya may lahing bampira din sina Seraphim? Nagulat ako ng biglang hawakan ni Sera ang kamay ko at bumukas ang elevator. Nang maglakad na sila sa pasilyo, lahat ng staff na naroon ay napapatingin sa kanila... ay, sakin lang pala at sa magkahawak nilang kamay. "Good morning, Sir–" bati ng lahat kay Seraphim. Bakas sa mga mata ng mga staff ang pagkagulat at pagtataka. Well, ako naman pasimpleng kinikilig dahil hindi pa rin binibitawan ni Sera ang kamay ko hanggang sa makapasok sila sa pribadong opisina nito. "Doon ka maupo–" binitiwan nito ang kamay ko sabay turo sa isang sofabed na mahaba. "Wag kang malikot at wag kang lalabas ng opisina ng walang pahintulot ko. Maliwanag ba?" Matamis akong ngumiti at tumango. "Maliwanag na maliwanag, Asawa ko." Napapailing na lamang si Sera, halatang malapit nang maubusan ng pagtitimpi. Naupo na ito sa executive chair nito at seryosong binasa na ang mga nakapatong na mga folder sa lamesa nito. Pinagmasdan ko si Seraphim. Ngayon lang ko napansin na napakagwapo nito sa suot nitong blue suit. Mukha itong pastor na ready nang mag-aral ng salita ng Diyos. Mahina akong natawa kaya napalingon sakin si Sera, nakataas ang mga kilay. "Quiet, Isay." Ngumiti ako. "Opo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD