SEVEN

1444 Words
JESUSA POV KANINA PA wala si Seraphim. Umalis kasi ito dahil may biglaang meeting na hindi niya alam kung saan basta naiwan lang ako mag isa sa opisina nito. Humiga na ako. Nag-india sit. Nag-cartwheel. Nag-squat. Nag-plank. Lahat na ng posisyon ay ginawa ko na sa ibabaw ng sofabed pero hindi pa rin bumabalik si Sera. Kumakalam na rin ang tiyan ko kaya lumabas ako ng opisina para maghanap ng pwedeng kainin o baka may free coffee pampalipas gutom man lang. Sa pantry station ako nagtungo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may free coffee vendo doon. Mapapa-Papuri sa Diyos ka talaga ! Kumuha ako ng paper cups na nasa gilid at kumuha ng coffee caramel flavor. "New secretary ka ni Boss Phim?" Dagli akong napalingon sa likuran ko. Nakatayo roon ang tatlong babae. 'Yon isa hawig ni Kakai Bautista nasa left side, tapos 'yon sa right side ahm hawig ni Tuesday Vargas at sa gitna naman, hawig ni Rufa mae Quinto, malaki ang susó eh. "Hoy, tinatanong ka kaya sumagot ka–" wika ni Tuesday Vargas este Mona pala. Nakita ko sa ID nito. "I think ... she's ... she's debt, kaya she's not hearing us clearly," ani ni Kakai Bautista na nakuha pang mag-ingles. Tumatango tango naman si Rufa Mae Quinto sabay duro sakin. "Ikaw – sumagot ka. Are you the new secretary of Boss Phim? Are you? Are you?" Napangiwi ako. "P-Pasensya na kayo. Hindi ako secretary ni–" Nagtawanan ang tatlong babae sa harapan ko, hindi ko tuloy natapos ang gusto kong sabihin. Napakamot ako sa leeg. "For sure, personal assistant sya ni Boss Phim. Ikalma mo, Sofia. Hindi siya threat sayo," wika ni Mona kay Sofia na malaki ang susó na halos lumuwa na. "Yeah, di naman ako takot maungusan..ng kagaya nya. I do believe that my beauty will be the chosen of Boss Phim," turan ni Sofia at maarteng tumawa. Nakitawa na rin si Mona at Chona pala ang pangalan ng isa. "Ahm.. hindi ako sercretay. Hindi rin ako personal assistant ni–" Naputol na naman ang sinasabi ko nang pahampas na binigay sakin ni Sofia ang isang kulay itim na clear book at makapal iyon. Nagtataka akong napatingin kay Sofia. "I-xerox mo isa-isa ang laman niyan. Pagtapos mo, ilagay mo sa table ko mamaya. Okay? – Tapos ibili mo kami ng ice coffee sa ZusCoffee Shop," wika ni Sofia saka ako iniwang nakatameme. Nawala na ang tatlo sa harapan ko, napatingin ako sa hawak kong paper cup na may kape. Napabuga ako ng hininga at tinungga ang kape. Gusto kong itama sa kanila na hindi ako secretary at mas lalong hindi ako personal assistant. Tsk ! Asawa ako ! Ako ang legal wife ?! Napabuntong hininga ako uli. Hinayaan ko na lang, tutal wala rin naman akong ginagawa. Hinanap ko ang xerox machine, isa'isa kong xinerox ang laman ng clear book at inayos batay sa pagkakasunod sunod. Nang matapos, binigay ko agad kay Sofia. Inabutan niya ako ng 100 pesos upang bumili ng tatlong ice coffee. Pasimpleng tumango lang ako. Habang nasa loob ako ng elevator, napapaisip ako kung kakasya ba ang perang dala ko? Hmmm, magkano ba ang ice coffee? Bahala na nga. Pagbaba sa lobby, diretso labas at tawid kaagad ako sa ZusCoffee Shop. Bumili ako ng tatlong Ice Coffee, at nalaman ko na kulang nga ang perang inabot ni Sofia sakin. Umalis ako sa pila at akmang papasok muli sa mataas na building ng harangin ako ng dalawang security guard. "Bawal po pumasok, Miss–" "Huh? Galing ako sa loob, lumabas lang ako kasi inutusan akong bumili ng ice coffee pero kulang ang pera inabot sakin kaya kailangan kong bumalik sa taas," magalang na paliwanag ko. Umiling ang isa pang guard. "Di na tatagos samin ang ganyang teknik." Napanguso ako. "Totoo nga po. Promise–" nagtaas pa ko ng kanang kamay. to "E kung ganon nga, Miss. Nasaan ang company id nyo?" Company Id? Tsk ! "Wala akong Company Id–" "Pasensya na, Miss. Bawal talaga." "Hindi naman ako nagta-trabaho rito. Bisita lang ako kaya–" "Visitor Id po. Meron po kayo?" Umiling ako. Bakit ba laging pinuputol ang sinasabi ko tuwing magsasalita ako? Hmmp ! "Pasensya na talaga, Miss. Kung bisita talaga kayo dapat may visitor id kayo. Sino po ba ang kasama nyo kanina ng pumasok kayo?" "Si Seraphim." Confident na sagot ko. Tiyak, magugulat ang mga ito oras na malaman ng mga ito si Sera ang kasama ko kanina. Nagkatinginan ang dalawang guard. "Seraphim Morningstar po ba, Miss?" "Siyanga !" Napatanga ako nang magtawanan ang dalawang guard. Napanguso ako habang pinapanuod ang pagtawa ng mga ito. Bakit ba ayaw nila maniwala sa mga sinasabi ko? "Naku, Miss. Boss namin si Mr. Seraphim Morningstar. Siya ang may ari ng building at kumpanya na ito. Umuwi ka na lang, Miss. Mukhang naligaw ka lang yata–" wika ng isang guard na nagpipigil pa ng tawa. Humalukipkip ako. Paano ba 'to?! Paano ko sasabihin kina Sofia na kulang ang pera nila? At paano ko sasabihin kay Sera na ayaw akong papasukin?! Argh Ano ba naman to ! Lumakad ako palayo sa entrance at naupo sa bandang gilid lang. Naupo lang ako doon, pilit kong nililibang ang sarili habang nagbibilang ng mga taong dumadaan at pumapasok sa loob ng building. Mayamaya napansin kong kumulimlim. Hapon na ba? Hala– baka hinahanap na ako ni Sera? Baka magalit 'yon dahil lumabas ako ng opisina niya? Napangalumbaba na lamang ako at nakatulis ang nguso. Ilan sandali pa ay kumulog na kasabay ang mabibigat at malalakas na patak ng ulan. Nataranta ako. Saan ako tatakbo? Saan ako sisilong? Kahit gumilid ako malapit sa entrance ay nababasa pa rin ako ng malakas na ulan. Isabay pa ang malakas na hampas ng hangin. Naku, bagyo pa yata to ! Wala na akong nagawa, basang basa na ko ng ulan. Nanatili pa rin akong nakatayo sa gilid, yakap ang sarili dahil nakakaramdam na ko ng lamig. Halos isang oras kalahati minuto na rin mula nang di ako papasukin at umulan ng malakas. "WHERE IS MY WIFE?!!" dumagundong sa loob ng front desk area at sa buong lobby ang pamilyar na boses. Napalingon ako sa gawi ng entrance. Kitang kita ko ang nanggagalaiting mukha ni Sera. Napakadilim ng anyo nito, kahit sino tao ay matatakot rito. "WHERE IS SHE? WHERE'S MY WIFE?!!" halos maputol ang litid nito sa kakasigaw sa mga tao nito. Kahit ang mga guardiya, nahindik sa takot. Tumayo ako sa tapat ng entrance. Basang basa ang damit at tumutulo pa ang basang buhok ko. "A-Asawa ko–" mahinang sambit ko. Sobrang hina lang ng boses ko dahil para akong namamaos na, siguro sa lamig kaya ganon na ang lalamunan ko. Lumingon si Sera sa gawi ko. Bumakas ang pag aalala sa mukha nito at tumakbo palapit sakin. "What the hell happened to you?!" malakas na boses na tanong nito. Nakakatakot ang tono nito pero wala akong nadamang takot bagkus natuwa pa ako, ang lambing ng dating sakin. "Uhm–" napatingin ako sa dalawang guard. Namumutla na ang mga mukha ng mga ito at umiwas ng tingin sakin. "L-Lumabas ako para bumili pero... di na ako pinapasok," namamaos na sabi ko. Kumunot ang noo ni Sera saka nilingon ang mga guard. "You didn't let my wife in? Two of you! You're fired!" Parang binagsakan ng langit at lupa ang mga itsura ng dalawang guard. Napakagat labi ako habang hila-hila ako papasok ni Sera, patungo sa elevator. Napapatingin sa kanila ang lahat, gulat na gulat. Pagkaakyat. Maghawak kamay pa rin sila. Hila hila nito ang kamay ko patungo sa private office nito nang humarang si Sofia kasama si Mona at Chona. "Nasaan ang ice coffee namin?" pataray na tanong ni Chona. "Ahh.. kasi... kulang 'yong–" napakamot ako bigla sa ulo. "Did you give my wife orders? Why? Who do you think you are to treat my wife like a servant?!" bulyaw ni Sera sa tatlong babae, natigalgal ang mga ito. Napanganga. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ni Sera. "Asawa? A-Asawa ..mo...sya... Boss Phim?" nanginginig na tanong ni Sofia. "Yes ! Sa susunod na utusan nyo ang asawa ko o gawin utusan. Lahat kayo aalisin ko sa trabaho, malinawag ba?!!" Hindi na inantay ni Sera ang pagsagot ng mga ito. Hinila na ko papasok sa loob ng opisina nito. At saka dinala ako ni Sera sa private room nito na may banyo sa loob. Napakurap kurap ako. Tsk ! May kama pala rito di ko alam. "Hubad !" Napahawak ako sa harapan ng dibdib ko. Huh? Anong hubad? Bakit ako maghuhubad? Kukunin na ba ni Sera ang puri ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD