Habang kumakain sila ay sinisermunan siya ng Yaya niya dahil sa pag-aakalang iniwan niya si Petra. Ayaw kasing ipagsabi na Jaiyana na ito at si Petra ay iisa dahil takot itong mapagalitan ng Yaya niya. Sa sobrang bait niya kahit kasalanan ng iba ay inaako na niya kapalit ng kagustuhan niyang matutong bumaril. “Nagawa mong iwanan si Petra doon ng walang kasama? Depungal kang lalaki ka! Ano'ng kakainin niya roon ngayon? 'Di ka man lang naawa sa batang ‘yon! Diyos ko! Hindi kita pinalaking ganiyan, Jordan. Hindi Ikaw iyan!” Hindi nga! Sino ba nagsabing ako 'to? “Yaya, madiskarte naman siya kaya sigurado akong hindi siya magugutom doon,” aniya habang nakatingin siya kay Jaiyana na tuloy-tuloy lang sa pagsubo. Malaki na ang kasalanan ng babaeng ‘to sa kaniya dahil kani-kanina lang ay

