Umaga na ng makarating sila ni Jordan dito sa safe house niya. Hindi pa alam nina Mang Kanor at Aling Tasing na dumating na sila dahil tulog pa ang dalawang matanda pagdating nila. Samantalang si Marvin naman ay nagpaalam na sa kaniya na babalik na ito sa Manila na agad naman niyang pinayagan. Sobra-sobra ang pasasalamat niya rito dahil binantayan nito ang dalawang matanda habang wala siya. “May gagawin ka ba ngayon?” tanong sa kaniya ni Jordan. Nandito sila ngayon sa kuwarto niya. Hindi niya alam kung bakit hindi pa ito nagpapahinga sa kuwarto na itinuro niya na kung saan ito pansamantalang tutuloy. “Bakit?” “Turuan mo na ako.” “Turuan saan?” “Sa paggamit nga ng baril.” “Huwag mo ng pangarapin na matuto sa bagay na iyon,” sabi niya rito sabay higa. “Matulog ka na sa kuwarto

