Bumibiyahe na sila ni Jaiyana ngayon papunta sa safe house nito. Hindi rin siya nito hinayaan na siya ang magmaneho ng sasakyan. Simula pa kanina ay hindi siya nito kinakausap o binabalingan man lang kaya hindi niya alam kung ano'ng tumatakbo sa utak nito o kung may nagawa ba siya na hindi nito nagustuhan. “Nagugutom ka ba?” tanong niya rito pero hindi siya nito sinagot dahil nakatuon lang ang atensiyon nito sa kalsada. “Sumasakit ba ‘yang braso mo?” Tinapunan lang siya nito ng tingin pero wala pa ring imik. Hindi niya alam kung ano'ng problema nito dahil hindi naman ito nagsasabi. Simula no'ng umalis sila sa bahay nina Mavi ay hindi na niya ito kinakausap. “Siniraan ba ako nina Mavi sa iyo kaya ka nagkakaganiyan?” “Yumuko ka,” sa halip ay utos nito. “Ano? Bakit?” “Basta gawin mo n

