“Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong ni Mavi sa kaniya. “Ang aga mo naman yatang magising. Si Jordan, tulog pa ba?” “Maaga lang talaga akong magising,” sagot niya rito habang sumisimsim ng kape. Ipinagtimpla kasi siya ng kape nang asawa nito kanina. “Good morning, Love,” bati ni Mavi nang lumabas ang asawa nito mula sa kusina. “Good morning too, Love,” pabalik na bati naman nito sa asawa nitong si Callynn sabay halik sa labi nito kaya mabilis siyang napaiwas ng tingin para maging komportable ang dalawa. “Hindi ko akalain na ganiyan pala kaganda si Petra sa totoong buhay,” mahinang sabi ni Callynn sa asawa nito na umabot sa pandinig niya. “Kung pintasan niyo siya dati, akala niyo demonyo ‘yang tao ‘yon pala mukhang anghel.” “Sina Jed at Gabriel lang naman ang marami ang sinasabi tung

