Kahit ang Yaya niya ay walang nagawa noong sikmuraan ni Petra si Isabella. Sa halip na pigilan nito si Petra ay pinanood lang nito ang babae na masaya habang nananakit ng walang kalaban-laban na babae. Lulugo-lugo na umuwi si Isabella dahil grabe ang natamo nito sa babaeng kaharap niya na akala mo miyembro ng sindikato. “Siguro naman katatakutan na ‘tong bahay mo simula ngayon,” sabi ni Petra nang lingunin siya nito. “Habang nandito pa ako, lahat ng pipindot ng doorbell mo ay uuwing may tama sa katawan.” “Ano? Lahat? Okay ka lang? Paano kung mga katrabaho ko ang pumunta rito?” “Kilala ko ang lahat ng katrabaho mo,” anito. “Ang mga taong hindi mo lang naman kaano-ano ang makakatikim ng kamao ko. Ang mga kaibigan mo at katrabaho mo lang ang magiging ligtas sa parusa.” “Paano ‘yong mg

