“Yaya, nasaan siya?” pabulong niyang tanong habang nakatingin siya sa bandang pinto. “Bakit parang maghapon ko yata siyang hindi nakita ngayon?” “Umalis siya.” Mabilis siyang napabaling sa Yaya niya. “Umalis na siya? Dinala na ba niya lahat ng mga gamit niya?” “Bakit mo tinatanong?” balik nitong tanong sa kaniya. “Ano naman sa iyo kung hindi na nga siya babalik?” “Bakit parang galit kayo sa akin, Yaya? Masama po bang tanungin ko kayo kung babalik pa siya o hindi? At bakit hindi po siya nagpaalam sa akin?” “Bakit naman siya magpapaalam sa iyo?” “Boss niya ako, eh,” katuwiran niya. “Dapat nga ikaw ang tumawag ng boss sa kaniya, eh,” nakasimangot nitong sabi. “Siya nga pala, may tumawag sa telepono kanina at hinahanap ka.” “Ano po'ng pangalan, Yaya?” “Yassi raw.” “Paano niya nak

