“Jordan, may mga bisita ka!” imporma ng Yaya Tasing niya habang paulit-ulit itong kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto niya pero hindi niya ito pinansin dahil inaantok pa siya. "Bumangon ka na agad! Bakit ba tulog mantika ka! Paano ka ba naging sindikato kung mahina ang pang-amoy mo? Dapat malayo pa lang alam mo nang may panganib na paparating! Hoy, ano ba! Gumising ka na sabi, eh!" Lagi kasi siyang puyat dahil tinalo niya pa ang CCTV camera. Halos maghapon niya kasi binabantayan ang tatlo at natutulog lang siya kapag tulog na ang mga ito. Isa pa, wala naman siyang inaasahan na bisita ngayon dahil pahinga niya kapag araw ng linggo. “Hijo, gumising ka na! Diyos kong bata ka! 'Wag kang babagal-bagal diyan dahil delikado na ang sitwasyon natin!” Kumunot ang noo niya nang marinig niya a

