“Tama na ‘yan!” pigil niya kay Petra. At dahil ayaw pa rin nitong magpapigil ay niyakap na niya ang baywang nito ng sobrang higpit at agad na inilayo mula sa babae. “Tama na, ano ka ba! Hindi ka ba naaawa?” ''Hindi.” Pumalag ito mula sa pagkakayakap niya pero hindi niya ito hinayaan na makawala. “Miss, umuwi ka na,” utos niya sa babaeng gulping-gulpi na. “Sige na! Tumakbo ka na! Bilisan mo!” “S-sige. S-salamat.” Akala niya ay susundin agad siya nito pero nagkamali siya dahil malakas nitong hinatak ang mahabang buhok ni Petra. “Hey, stop! Ano ba'ng ginagawa mo? 'Di ba sabi ko umuwi ka na—” Napahinto siya sa pagsasalita nang makita niya na sumama sa kamay nito ang mahabang buhok ni Petra kaya napatingin siya agad sa anit nito. Akala niya kasi sumama pati anit nito dahil sa lakas ng g

