C-32

1816 Words

“Salamat sa araw na ‘to,” sabi ni Petra sa kaniya paglabas nila ng bar. “Nag-enjoy ako. Hindi ko ‘to makakalimutan.” Halata sa mukha nito na nag-enjoy nga ito ganoon din ang Yaya niya at si Mang Kanor. “Habang buhay ko ‘tong babaunin sa puso ko.” “Kung makapagsalita ka, parang aalis ka na sa bahay, ah.” Ngumiti lang ito ng matipid sa kaniya. “Aalis ka na ba?” Umiling ito. “Mami-miss ko kayo kaya hindi ako aalis,” sabi nito. “At kung sakaling aalis man ako, magpapaalam ako siyempre.” “Dapat lang. Kapag umalis ka kasi ng walang pasabi ay tiyak na mababaliw si Yaya Tasing sa kahahanap sa iyo.” “Hindi naman siguro.” “Imposibleng hindi. Mas mahal ka pa nga niyan kaysa sa akin, eh. Kapag nawawala ako, walang pakialam ‘yan pero kapag ikaw ang nawawala halos mabaliw iyan sa kahahanap sa iyo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD