Kagaya nga ng kagustuhan ni Petra ay sa bar nga nila ginanap ang birthday nito. Sina Mang Kanor at Yaya Tasing niya kahit matanda na ay nakapagtataka na nagustuhan ang lugar na ‘to kahit na sobrang gulo at sobrang ingay. “'Di pa ba tayo uuwi?” inip na tanong ni Gabriel sa kaniya. Namumula na ang mukha nito dahil pagpasok na pagpasok pa lang nila kanina ay uminom na agad ito nang uminom. “Natulog na lang sana ako sa bahay,” walang kagana-gana naman na sabi ni Jed. "Ang boring. 'Di ko alam kung bakit dito niyo gustong pumunta, eh, wala namang maganda dito." Kung sina Jed at Gabriel ay todo reklamo, ito namang si Mavi ay tahimik lang na umiinom habang nagmamasid sa paligid. “Hi guys! Can we join?” Napatingin sila sa tatlong babae na bigla na lang lumapit sa kanila. Ang isa ay agad na

