C-30

1602 Words

“Señorito, p'wede po bang kumain na lang tayo sa labas kaysa pumunta sa resort? Naisip ko kasi na mapapagod kayo sa pagmamaneho kapag sa resort pa natin ginanap ang birthday ko. Sa restaurant na lang po tayo o kaya po sa bar.” Umigkas ang kilay niya dahil sa naging pahayag ni Petra. Paiba-iba kasi ang gusto ng babaeng ‘to kaya hindi niya malaman kung dapat niya ba itong pagbigyan sa gusto nito o balewalain na lang. “Akala ko ba gusto mo sa resort? Ano ba talaga, Petra?” “Kayo po kasi ang inaalala ko. Isa pa, ‘di pa po ako nakakapasok sa restaurant at saka sa bar po. Kung p'wede sana, sa bar na lang. Gusto ko po kasing sumayaw-sayaw doon, eh.” “Bakit? Nakapasok ka na ba sa bar dati? Kung magkakalat ka doon, dito ka na lang sumayaw-sayaw. Isama mo si Yaya para may kasama ka tutal nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD