“Jordan, seryoso ka ba na sa resort natin gaganapin ang birthday ni Petra?” tanong ng Yaya niya. “Baka naman biro lang ‘yan, ha?” “Kailan ba ako nagbiro, Yaya?” Bilang pagligtas nito sa buhay niya ay kailangan niyang bumawi kay Petra. “Palagi! Saktan kita diyan, eh.” Napaatras siya dahil sa pagbabanta ng Yaya niya. Masama niya itong tinitigan dahil kung kailan ito tumanda ay saka naging masama ang tabas ng dila nito. “Oh, ba't ganiyan ka makatingin? Lalaban ka sa akin?” “Hindi po ako lumalaban sa mga kuba,” pabulong niyang sabi na halatang umabot pa rin sa pandinig nito base sa tingin nito sa kaniya. “Ulitin mo nga ‘yong sinabi mo, Jordan! Ulitin mo nga!” “Ang alin, Yaya?” pagmamaang-maangan niya. “'Yong sinabi mo ngayon-ngayon lang!” “Alin po doon? Sa dami ng sinabi ko ngayong ar

