Pagkagising niya ay parang binibiyak ang ulo niya. Naparami kasi ang inom niya kagabi at ano'ng oras na rin sila natapos ng mga kaibigan niya. Pagdating niya sa kusina ay halos hindi magkandaugaga ang Yaya niya sa dami ng niluluto nito habang si Petra naman ay abala sa paghihiwa ng mga rekado. “Ano'ng meron? Ba't busy kayong dalawa? May okasyon ba?” “Birthday kasi ni Petra ngayon kaya naisipan kong ipagluto siya,” sagot ng Yaya niya habang pawis na pawis ito. “Hindi namin binawasan ang laman ng ref dahil galing ang mga ‘to sa sariling bulsa namin.” “Paano naging birthday ni Petra ngayon? Eh, ‘di ba wala nga siyang alam tungkol sa buhay niya?” “Ito kasi ‘yong araw na nakita namin siya ni Kanor sa abandonadong lugar kaya naisip ko na ito na lang din ang birthday niya. Kawawa naman kas

