Pagdating niya sa loob ay nakita niya na maayos na inaasikaso ni Petra si Mang Kanor. Dahan-dahan nitong nililinisan ang mga sugat ni Mang Kanor habang seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. “Bakit kasi hindi po kayo tumakbo?” tanong nito kay Mang Kanor. Magkaharap ang dalawa habang nakaupo ang mga ito sa sofa. “Sana tumakbo po kayo agad para hindi kayo nasaktan.” “Ayos lang ako, Hija. Hindi naman ako nasaktan masyado.” “Mabuti naman po kung ganoon. Sana kasi isinama niyo ako. Si Señorito po kasi pinauwi ako, eh.” “Naku, mabuti nga hindi ka sumama dahil kung sumama ka tiyak na mapapahamak ka rin kagaya ko,” sabi ni Mang Kanor dito. “Mabuti na nga lang may tumulong sa akin dahil kung hindi tiyak na nasa langit na ako ngayon.” “Mabuti naman po kung ganoon, Mang Kanor. Nakilala niyo po b

