“Yaya Tasing, si Petra po?” tanong niya agad sa Yaya niya pagdating na pagdating nila sa bahay niya. “Nasaan po siya?” “Nasa banyo.” “Nasa banyo? Sigurado po ba kayo, Yaya? Nakita niyo po ba siyang pumasok sa loob ng banyo?” sunod-sunod na tanong ni Jed. “Paano nangyari ‘yon, Yaya?” “Bakit? Ano ba ang nangyari?” Palihim niyang hinatak ang damit ni Jed para tumigil ito sa katatanong sa Yaya niya. “May problema ba?” “Wala po, Yaya,” sagot niya. “Si Jed kasi, gusto niya raw pong tanungin si Petra kung gusto raw ba nitong maging abay sa kasal ni Ate Leila.” “Aba'y, oo naman! Papayag ‘yon kahit hindi mo na siya tanungin. Kailan ba ang kasal ni Leila?” “Sa 2030 pa naman po, Yaya,” sagot niya. Sigurado kasing aawayin si Jed nang kapatid nito kapag nalaman nito na kumuha si Jed ng baliw na

