C2-Jordan

1902 Words
“Aalis na kami ni Kanor,” paalam ni Yaya Tasing sa kaniya. “Baka matagalan kaming dalawa kaya ‘wag kang tatawag.” Tumingin ito sa suot nitong relo. “Gagabihin na siguro kami kaya kapag nagutom ka, kumain ka na lang diyan.” Nagtataka man ay tumango siya. Grocery lang ang pupuntahan tapos aabutin ng gabi samantalang alas diyes pa lang naman ng umaga. Imposible naman na abutin ito ng gabi sa grocery store maliban na lang kung may gagawin ito at saka si Mang Kanor. Nakadagdag pa sa pagtataka niya ‘yong pag-aayos nito. Nakapustura kasi ito ngayon na hindi naman nito ginagawa dati. “Hindi ko po kayo tatawagan dahil aalis din ako at baka gabi na rin ako makauwi, Yaya,” aniya. “Ingat po kayo ni Mang Kanor. Hawakan niyo pong mabuti 'yang wallet niyo dahil baka madukutan po kayo.” “Oo naman. Oh, siya. Mauna na kami." At naglakad na nga ito palabas. “Hijo, alis na kami,” paalam naman ni Mang Kanor. "Babalitaan kita kapag may napansin akong kakaiba kay Tasing." "Sige po." "Sige na, aalis na kami." “Ingat po kayo sa pagmamaneho, Mang Kanor. Dahan-dahan lang po,” bilin niya. “Umuwi po kayo agad. Si Yaya, iuwi niyo po agad.” Tumango ito at tahimik nang umalis. Nang makaalis ang dalawa ay inihanda niya ang motor niya dahil balak niyang sundan ang mga ito. Hindi pa man siya nakakasakay ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang cellphone niya ay napaismid siya nang makita niya na si Macarius ang tumatawag. Ang kaibigan niyang masasabi niyang mabait pero may kaunting kabobohan. Ano na naman kayang problema ang ipapasa nito ngayon sa buhay niya? Sa lahat ng mga kaibigan niya, ito lagi ang may maraming problema. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga problema ng lintik na ’to dahil kada linggo yata ay iba-iba ang pinoproblema ng taong 'to. “What?” pasigaw niyang bungad nang pindutin niya ang answer button. “May ginagawa ka ba ngayon?” “Meron.” “P'wede bang pumunta ka muna dito sa bahay ngayon?” “Busy ako.” “Iwanan mo na muna ‘yan. Pumunta ka muna rito dahil kailangan kita rito ngayon.” “Bukas na lang dahil may importante akong gagawin ngayon.” “Hinahanap ka ni Macsen,” anito. “Iyak nang iyak at ayaw huminto.” Pambihira! Sariling anak hindi mapatahan. Aanak-anak tapos hindi kayang alagaan! “Dalian mo na. Magpakita ka lang sa kaniya. Umuwi ka na lang kapag huminto na siya sa pag-iyak.” “Nasaan ba ang asawa mo?” “May binili lang sa labas.” “Then, follow her. What the! Why don't you buy your kids ice cream or candy? Can't you use your mind, huh?” “Dude, please? Ayaw ni Macsen lumapit sa kahit sinong tao rito kaya hindi ako makakilos ng maayos. I have diarrhea today and that's the reason why I can't take care of him!” Napabuga siya ng hangin bago pinatay ang tawag. Hindi na rin niya ito sinagot pa. Napatingala siya sa langit. Paano siya mag-asawa nito kung lahat ng kaibigan niya ay umaasa sa kaniya? Paano niya pa susundan sina Yaya Tasing at Mang Kanor kung tinawagan na siya ng kaibigan niya? Pagdating niya sa bahay nina Macarius ay pabalya niyang binuksan ang gate kaya nagulat ang guwardiya. Ganoon din ang ginawa niya sa main door kaya pati ang kambal ay nagulat sa ginawa niya. Ang mukha ni Macsen ay puno ng sipon at luha. Naghalo-halo na dahil sa kaiiyak samantalang ang magaling nitong ama ay nakatuwad sa ibabaw ng sofa habang nakahawak sa tiyan nito. “Ninong!” tawag sa kaniya ni Macsen at patakbo siyang nilapitan. “Hey, punasan mo muna ‘yang sipon mo bago ka lumapit sa–” Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay yumakap na ito sa kaniya at ikiniskis pa ang mukha nito sa suot niyang pantalon at pagkatapos ay tiningala siya nito. “Ninong!” “What? Can you get some tissue and wipe your f*****g–” Nakalimutan niyang bata pala ang kausap niya kaya pinakalma niya ang sarili niya. “Naligo ka na ba?” marahan niyang tanong habang may pilit na ngiti na nakapaskil sa pagmumukha niya. “Hindi pa po.” “Dude, I'm glad you're here,” nanghihinang sabi ni Macarius sa kaniya. “Kanina pa ‘yan umiiyak at ayaw tumahan.” Napangiwi siya sa tuwing magagawi ang mga mata niya kay Macsen. Kaunti na lang ay masusuka na siya dahil nakakain na nito ang sipon nito. “Nasaan ba ang asawa mo? 'Yong mga kasama niyo rito sa bahay, nasaan ba?” tanong niya sa kaibigan niya. “Ayaw nga niyan lumapit sa iba,” sagot ng kaibigan niya. “Ni isa sa mga kasama namin dito ay ayaw samahan ni Macsen. P'wede bang paliguan mo muna ‘yan tapos pakainin mo na rin at saka patulugin?” “Bakit ako? Sarili ko ngang buhay nahihirapan pa akong alagaan tapos mag-aalaga pa ako ng iba. Wala akong alam dito, Villaverde!” “Itapat mo lang sa shower tapos sabunin mo na,” sabi nito. “Bilisan mo na. Pagagalitan kasi ako ni Callynn kapag naabutan niyang ganiyan ang hitsura niyan. Makakabawi rin ako sa iyo balang araw.” “Makakabawi!” panggagaya niya sa sinabi nito. “Kahit hindi ka na bumawi basta ‘wag mo lang akong istorbohin palagi.” "Sige na," pakiusap nito kaya naawa siya ng kaunti. At dahil wala talaga siyang alam sa ganito ay agad na sumagi sa isip niya na tawagan si Jed. Siguradong hindi siya matitiis ng lalaking ‘yon kapag sinabi niyang may sakit siya. “What?” Bungad pa lang mukhang iba na ang pahiwatig. Narinig rin niyang nagkakalampagan ang mga bakal mula sa kabilang linya. Mukhang magde-deliver ito ng bakal. “J-jed, ang sakit ng katawan ko at nasusuka rin ako,” aniya sa mahinang boses. Napabaling tuloy sa kaniya si Macarius. “P'wede mo ba akong puntahan ngayon?” “Mamaya na lang pag-uwi ko. May deliver ako sa Bulacan, eh." Kunwari ay umubo siya nang sunod-sunod na para bang may tuberculosis siya. Marami naman itong tauhan kaya kahit istorbohin niya ito ngayon ay hindi naman ito malulugi. “Uminom ka na ba ng gamot?” Umubo siya ng malala kaya napatitig na sa kaniya sina Macsen, Maclyn at Macarius. “Hindi pa nga, eh. Kanina pa ako hirap na hirap…” “May sakit ka na yata sa bato, eh. Magpa-ultrasound ka. Ipa-ultrasound mo ‘yang kidney mo dahil baka sira na ‘yan.” Walang silbi talaga ang lalaking ‘to. Hindi man lang maasahan kahit na kaunti. “Bibilhan kita ng apple cider mamaya saka lemon.” “Oo, bumili ka tapos lagukin mo sa harapan ko.” What will he do with those things? “Siraulo ka. Hampasin kita ng bakal, eh.” “Ninong, I'm hungry na,” sabi ni Macsen habang hinahatak-hatak ang damit niya kaya sinenyasan niya ang isa sa mga kasambahay na ipagluto ito ng pagkain. “Ninong, ayaw ko siya. Ikaw gusto ko.” “Hindi ka pa ba kumakain simula kanina?” “Hindi pa. Wala si Mommy ko, eh.” “Ano ngayon kung wala siya? Paano kung isang taon siyang hindi umuwi? Eh, ‘di isang taon ka ring hindi kakain? Ang Arte mong bata ka. Manang-mana ka sa ama mo. Namimili ka pa ng mag-aalaga sa–” Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin niya na nanginginig ang labi nito indikasyon na iiyak na naman ito. “Gusto mo bang kumain ng ice cream mamaya?” magiliw niyang tanong bigla kahit gusto niya pa sana itong pagalitan dahil sa kaartehan nito. Tumango ito. "Opo." “Bago ‘yon, maligo ka muna. Magbabad ka sa banyo para mawala ‘yang sipon mo.” “Okay po, Ninong,” sagot nito. “Dude, baka madulas sa banyo si Macsen,” nag-aalalang sabi ni Macarius sa kaniya. “Huwag mo siyang hayaan roon. Samahan mo siya.” “Oo na!” “Ninong, sama rin ako sa inyo ni Macsen bili ice cream.” Hinabol siya ni Maclyn habang papunta siya sa banyo. “Naligo na ako. Malinis na ako. Wala akong sipon.” “Then, it's good news,” aniya. Kung dalawa kasi ang aalagaan niya ay baka hindi niya kayanin. “Did you eat already?” “Yes, Ninong.” “Ang gawin mo, pumunta ka sa room mo tapos matulog ka.” “Ninong, kagigising ko lang po.” “Matulog ka ulit, Maclyn. Tulog lang nang tulog para lumaki na,” aniya rito. “Ayaw ko na matulog. Sakit na mata ko, eh." "Pilitin mo pa rin." "Ayoko nga tulog, eh,” maktol nito habang may bitbit itong stuff toy. "Sakit na mata ko." Mayamaya pa ay nagulat siya nang pagsusuntukin nito ang stuff toy na bitbit nito at pagkatapos ay inihagis ito sa di-kalayuan tapos binugbog na naman. God! Ano bang klaseng pamilya ang binuo ng kaibigan niya? “Hey, stop!” pigil niya rito. “Lalabas ang laman niyan sa loob, Maclyn!” “Marami akong ganito, Ninong. Practice lang ako para bukas malakas na ako,” sabi nito at patuloy pa rin sa ginagawa kaya hinayaan na niya ito. Hindi naman siya dapat mamroblema dahil hindi naman siya ang bumili ng bagay na ginugulpi nito ngayon. Iikli ang buhay niya kapag pinansin niya nang pinansin ang mga nangyayari sa paligid niya. “Ninong, sakit puwet ko!” sigaw ni Macsen mula sa loob ng banyo kaya mabilis niya itong pinuntahan at pansamantala munang iniwan si Maclyn sa ginagawa nitong kalokohan. “Ninong, sakit na.” Pagpasok niya sa loob ng banyo ay halos bumaliktad ang sikmura niya. “Ang alin ba?” tanong niya rito habang takip-takip niya ang ilong niya gamit ang suot niyang damit. Kahit natatakpan na ang ilong niya ay tumatagos pa rin sa ilong niya ang amoy ng tae nito. s**t! Ito pa naman ang pinakaayaw niya! “Puwet ko.” “Bakit sumakit?” “Ayaw labas.” “Ang alin?” “Poop ko po.” Umupo siya at sinilip ng bahagya ang puwet nito kahit kanina pa siya nasusuka. “Sobrang sakit na, Ninong.” “Lalabas din ‘yan, Macsen. Imposibleng hindi ‘yan lumabas ngayon,” saad niya. “Tagal niya lumabas, Ninong.” Paulit-ulit siyang bumuga ng hangin at ipinapaalala sa sarili na bata ang nasa harap niya. Kung nagkataon na matanda ito ay baka kanina pa sila nagpapatayan dito sa loob ng banyo. Nang may kumalabit sa kaniya ay mabilis niya itong binalingan habang nakasimangot siya. “Jordan, ako na riyan,” nakangiting sabi ni Callynn. Ang asawa ng kaibigan niya. “Saan ka ba galing?” tanong niya rito habang nakasimangot siya. “Ikaw na talaga ang bahala rito dahil uuwi na ako. Kanina pa ako nasusuka kaya hindi na ako magtatagal dito.” Daig niya pa ang hangin sa bilis ng kilos niya. Paglabas niya ng banyo ay nabungaran niya na lasog-lasog na ang kaninang stuff toy na pinagbubugbog ni Maclyn kaya nagkalat ito sa sahig. Mababaliw talaga siya kapag hindi pa siya umuwi. Kaya para humaba pa ang bahay niya ay umuwi na siya agad at hindi na siya nagpaalam pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD