C3-Ang pagdating ni Petra

1839 Words
Pag-uwi niya sa bahay niya ay banyo agad ang una niyang pinuntahan. Naligo siya at nagtagal siya roon ng halos tatlong oras dahil pakiramdam niya ay dumikit ang amoy ng tae ni Macsen sa katawan niya. Pagkatapos niyang maligo ay naisipan niyang magwalis sa labas ng bahay niya habang hinihintay ang pagdating nina Mang Kanor at Yaya Tasing. Makalipas ang dalawang oras ay tapos na siya sa ginagawa niya pero kahit anino nang dalawa ay hindi pa niya nakikita. “Hindi kaya nag-check in sa motel ang dalawa?” tanong niya sa isip. “Pero, seventy five na ang Yaya Tasing niya. Isa pa, kuba na ito kaya tiyak na mahihirapan ito kapag ginalaw ito ni Mang Kanor ng ilang beses.” Sa haba ng oras na nawawala ang dalawa, imposibleng isang round lang ang ginawa ng mga ito. Kaysa mag-isip siya ng mga bagay-bagay ay napagpasyahan niya na hintayin na lang ang mga ito sa sala. Nang sumapit ang alas-siyete ng gabi ay hindi na siya mapakali. Hindi na kasi iyon normal dahil matagal na ang tatlong oras kapag pumupunta ang mga ito sa grocery. Mayamaya pa ay narinig na niya na may bumusina sa labas ng gate niya kaya tumakbo siya ng mabilis para pagbuksan ito. Dumating na ang dalawa kaya nakahinga siya ng maluwag. “Aray ko! Aray ko! Ang sakit ng katawan ko!” daing ng Yaya Tasing niya kaya pinag-aralan niya ng tingin ang kabuuan nito. “Ang sakit ng likod ko. Diyos ko, Kanor! Hindi ka kasi nagdahan-dahan!” “Ako nga rin, eh!” segunda ni Mang Kanor kaya palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. “Nakakapagod, ano?” “Ay, sinabi mo pa!” Confirmed! May ginawa nga ang dalawa! "Ang sakit! Ubos pa naman na ‘yong panghaplas ko. Paano na ako nito ngayon?" Nang umalis ang dalawa kanina ay malinis ang mga ito at walang nararamdaman pero ngayon ay kapwa lukot ang hitsura ng mga ito na halatang may matinding pinagdaanan. “Ano’ng meron, Yaya?” tanong niya dahil napansin niya na nakahawak na ito sa balakang at bahagya pang lumiliyad-liyad. Halatang nasobrahan ang dalawang ‘to sa paggawa ng milagro. Ilang oras kasing nawala, eh. “Ano ba kasi ang ginawa niyo?” “Nag-grocery kami, 'di ba?” “Ba't ngayon lang kayo umuwi kung grocery lang ang pinuntahan niyo?” Napabaling siya kay Mang Kanor na patagilid na kung maglakad. “Nag-grocery lang ba talaga kayo o may ginawa pa kayo kaya natagalan kayong makabalik?” Tiningnan siya ng masama ang Yaya Tasing niya. “Oh, ba't parang guilty po kayo? Alas-diyes kayo umalis tapos mag-aalas-otso na bago kayo nakauwi. Sulit na sulit, ah. Talagang sinulit niyo ang paglabas niyo, ah.” Nang mapansin niya na bahagya nitong inuunat-unat ang katawan nito ay inismiran niya ito. Imbes na umuwi agad para makapagpahinga sana ay mas pinili pa nitong makipaglandian kay Mang Kanor. “Ano ba'ng sinasabi mo riyan? Aba! Iba yata ang tumatakbo sa isip mong bata ka.” “Yaya, wala naman pong kaso sa akin kung gusto niyong mapag-isa ni Mang Kanor. Ang akin lang, ba't pa po kayo lumayo? P'wede naman na sa kuwarto niyo gawin ang mga bagay na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan. Lumayo pa kayo tapos gumastos pa. Kung kailan kayo tumanda saka pa kayo naging adventurous.” Napanganga sa kaniya sina Yaya Tasing at Mang Kanor. “Ako na po ang mag-aayos ng mga pinamili niyo. Uminom kayo ng gamot tapos magpahinga na kayo.” “Ba't iinom kami ng gamot?” takang tanong ng Yaya Tasing niya sa kaniya. “Ano ba'ng meron?” “Yaya, okay na. 'Wag na po kayong magkunwari dahil pinagdaanan ko na ‘yan. Noong unang beses ko rin naranasan ‘yan, halos natulog lang ako maghapon at ‘yong babae naman na nakasama ko ay hindi nakapaglakad ng maayos sa loob ng isang taon. Ganiyan na ganiyan po kami noon kaya hindi na ako umulit dahil kapag tinuloy-tuloy ko ang ganoong sistema ay siguradong maaapektuhan ang trabaho ko.” Habang nagkukuwento siya ay walang tigil sa pagkurap si Mang Kanor samantalang ang magaling niyang Yaya ay nakanganga naman kaya bahagyang umangat ang suot nitong pustiso. Akala siguro ng dalawang matanda ay nagbibiro siya. “Mang Kanor, Yaya Tasing, hindi po biro ang s*x lalo pa't may edad na kayo,” sabi niya pa. "Hinay-hinay lang po kayo lalo pa't mukhang bago pa lang ang relasyon niyo." Sa haba ng mga sinabi niya ay mukhang ngayon lang siya naintindihan ng mga ito. “Oh, ba't ganiyan po kayo makatingin?” tanong niya habang nakataas ang kilay niya. “Akala niyo ba nagbibiro ako? Lahat ng sinasabi ko, totoo lahat.” “Iniisip mo ba na baka may ginawa kami ni Tasing kaya kami natagalan, Hijo?” “Ganoon na nga po, Mang Kanor,” walang paligoy-ligoy niyang sabi. “Ayos lang naman sa akin kahit ano pa ang gawin niyo basta sa tamang lugar po sana. Matanda na po kayo pareho kaya ‘wag na po sana kayong lumayo dahil baka madisgrasya pa po kayo.” “Kanor, ilabas mo na ‘yong mga pinamili natin para makapagpahinga na tayo,” sa halip ay utos ng Yaya niya kay Mang Kanor imbes na seryosohin nito ang mga payo niya tutal para naman ito sa kabutihan nito. “Yaya, seryoso po ako. Mahal ko po kaya bawas-bawasan niyo ’yang pagiging adventurous niyo.” Nang mapansin niya na hirap na hirap si Mang Kanor sa pagbuhat nito sa isang karton ay kumunot ang noo niya. Ang Yaya niya naman ay pilit siyang nginitian habang tinutulungan nito si Mang Kanor. “Ano'ng laman niyan? Ba't parang hirap na hirap po kayo?” “Ah, eh. Wala ito, Hijo,” tugon ni Mang Kanor na halos maglabasan ang ugat sa litid sa kapupwersa kaya nagpasya na siya na tulungan ito. “Ako na po ang magbubuhat ng mga mabibigat. Magagaan na lang po ang buhatin niyo.” “Naku, ‘wag! Ano kasi…kaya ko na ’to, Hijo.” “Eh, hindi niyo nga po kaya, eh. Akin na po ‘yan, Mang Kanor.” Nang tangkang hahawakan niya ang karton ay tinabig nito ang kamay niya. “Ano kasi…gusto kong patunayan kay Tasing na karapat-dapat ako sa kaniya. Na Hindi ako mahina. Na kaya ko siyang ipagtanggol sa lahat ng oras,” nahihiya nitong sabi na parang bata kaya napatingin siya kay Yaya Tasing niya habang nakangiwi at bahagya niya pa itong tinaasan ng kilay. Aamin din naman pala sa huli, patago-tago pa. “Sige na, pumasok ka na sa loob,” taboy sa kaniya ni Yaya Tasing niya. “Kami na ang bahala rito ni Kanor. Sige na, pumasok ka na sa loob! Bilisan mo na!” “Tutulungan ko na nga si Mang Kanor.” “’Wag na nga! Sinabi na nga sa iyo na kaya naman niya, eh!” Pinanliitan niya ng mata ang Yaya niya. Kakaiba kasi ang ikinikilos nito lalong-lalo na si Mang Kanor. “Okay, sabi niyo, eh.” Humikab siya kunwari. “Matutulog na po ako, Yaya, Mang Kanor. Kayo na po ang bahala rito. 'Wag niyo pong kalimutan na i-lock ang pinto bago po kayo matulog.” “Oo, Hijo! Ako na ang bahala rito!” malakas na tugon ni Mang Kanor. Ang Yaya niya ay kanina niya pa napapansin na hinahaplos-haplos ang karton na animo'y mamahaling bagay ang nasa loob nito. “Mauna na apo ako, Yaya,” paalam niya para makuha ang atensiyon nito. “Papasok na po ako sa loob.” “Okay!” Pagpasok niya sa loob ay nagtago siya sa gilid ng pader malapit sa kusina para magmatyag sa dalawang matanda. Mula rito ay kita niya kung paano nito tingnan ang pinto na pinasukan niya sabay maghahampasan ang mga ito na parang mga bata. Animo'y sindikato ang dalawa dahil palingon-lingon pa ito sa paligid. Nang buhatin ni Mang Kanor ang karton ay halos mamula ang mukha nito. Halatang bigat na bigat. Dalawang hakbang pa lang yata ang nagagawa nito nang bigla itong madapa at masubsob ang mukha sa semento. “Kanor, ano ba! Bumangon ka nga riyan! Aba'y napakalampa mo naman!” sikmat dito nang Yaya niya at bahagya pang hinampas-hampas ang puwet ng matandang lalaki gamit ang tungkod nito. Pagtayo ni Mang Kanor ay nakita niyang may dugo ang nguso nito kaya mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng dalawa. Kapwa nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. “Bakit parang nakakita kayo ng multo?” tanong niya sabay buhat sa karton na kaninang binubuhat ni Mang Kanor. May kabigatan nga ito pero kayang-kaya naman niya. “Ako na po ang magpapasok nito.” “Naku, ‘wag!” “Kami na lang!” Halos sabay pa ang dalawa. “Ako na,” giit niya at tinumbok ang direksyon ng kusina. Nagtaka siya ng unahan siya nang dalawa na makarating sa kusina. Walang dala ang dalawa na kahit na ano. Ang Yaya niya kahit hirap sa pagtakbo ay nagawa siyang unahan. Ano kayang trip ng dalawa na ‘to? “Dahan-dahan, Jordan!” tili ng Yaya Tasing niya. “Dahan-dahan! 'Wag mong ibabagsak ‘yan!” “Bakit? Ano ba ang laman nito?” “Mga condiments ‘yan na nakalagay sa bote at saka itlog, Hijo!” sagot ni Mang Kanor pero duda siya dahil parang hindi tugma ang laman nito sa sinabi nito. Nang ilapag niya ang karton ay pabaligtad ang ginawa niya pero wala siyang narinig na tunog ng bote. “Naku po!” “Patay na! Nakatuwad siya!” Kapwa nataranta ang dalawa at parehas pang napahawak sa kaniya-kaniyang noo. “Yaya, pahingi pong gunting,” utos niya rito. “Titingnan ko ang laman nito.” “Bakit mo titingnan?” tanong nito. “'Wag mo nang tingnan.” “Hijo, dahan-dahan ang pagbubukas, ah,” paalala ni Mang Kanor na agad niyang tinanguan. “Naku po! Umakyat na ang dugo niya papunta sa utak!” dugtong nito sa mahinang boses na hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito. “Ikaw kasi, eh! Ang lampa mo!” Napansin niya na patagong nagtatalo ang dalawa sa likuran niya. “Kasalanan mo ‘to, eh!” Habang binubuksan niya ang karton ay nagtaka siya dahil parang kakaiba ang laman nito. Parang…puwet? “Yaya, ano ‘to?” Umiling-iling lang ito at mahigpit na hinawakan ang balikat niya. Nang mabuksan niya ng buo ang karton ay nagtaka siya dahil babaeng nakatuwad ang nakita niya. Puro galis ang hita na may kaunting balat kaya naguguluhan niyang tiningnan ang Yaya Tasing niya. “Hija, lumabas ka na riyan!” sabi ng Yaya niya sa babaeng nasa loob ng karton. “Dalian mo na, nakikita na ng alaga ko ‘yang panty mong luma. Diyos ko!” Pinagtulungan nina Mang Kanor at Yaya Tasing na ihiga ang karton para tulungan ang babae na makalabas. Nang makita niya ang mukha nito ay kulang ang salitang gulat, pangamba, pag-aalala, takot at pagdarasal para mailarawan niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD