“Yaya Tasing, p'wede ko po ba kayong makausap?” seryosong tanong ng kaibigan niyang si Macarius sa Yaya niya nang makarating ito sa kinaroroonan ng Yaya Tasing niya. “Importante po ito kaya sana makinig po kayong mabuti dahil para po ito sa kaligtasan niyong lahat.” Imbes na kausapin nito si Macarius ay dali-dali nitong tinawag si Mang Kanor na nanahimik sa kuwarto nito. “Kanor, pumarito ka nga muna! Dalian mo! Dalhin mo rito ‘yong maso!” Wala pa yatang isang minuto ay lumitaw na si Mang Kanor na halatang naalimpungatan dahil sa lakas ng boses ng Yaya niya. “Tasing, ano bang nangyari? Diyos ko! Ano bang meron?” Nagulantang ang mukha ni Mang Kanor nang makita ang mga kaibigan niya kaya nagtago ito sa likod ng Yaya niya na akala mo naman kaya itong protektahan ng Yaya niya samantalang mas

