C-63 Ang pagbabalik

1616 Words

“Yaya, Mang Kanor, pakitingnan nga po kung sino'ng tao sa labas.” Kanina pa kasi may nagdo-doorbell sa labas pero parang hindi iyon naririnig ng dalawang matanda. “Yaya, may tao po sa labas.” At dahil walang sumasagot ni isa man sa dalawang matanda ay napilitan siyang itigil ang ginagawa para tingnan kung sino ang taong panay pindot ng doorbell sa labas na tila ba ayaw nitong tumigil. Pagbukas niya ng gate ay bumungad sa kaniya ang babaeng nakasuot ng itim na sumbrero, itim na damit at pantalon. “Magandang umaga po, Señorito,” pambungad na bati nito sa kaniya. “Kumusta po kayo?” “Sino ka?” tanong niya. Agaw pansin ang peklat nito sa braso, sa leeg, sa pulsuhan at sa bandang mukha nito. Ano bang ginagawa ng babaeng ‘to sa buhay? Mahilig ba itong makipag-away kaya marami itong peklat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD